Food Trip at Mang Larry’s Barbecue

Isawan ni Mang Larry at UP campusMay mga panahon na palagi akong nagagawi sa campus ng University of the Philippines at sa halos lahat ng pagkakataon, may nag-iimbita sa akin na pasyalan namin ang Isawan (barbecue) ni Mang Larry. What’s with his isaw ba?

Una sa lahat, kung sosyal ka,  sanay na may uupuan ka at magtatanong sa iyo kung anong order mo- puwes-  ito na nga ang bagay sa iyong lugar.  Naiiba ang ambiance ng Isawan ni Mang Larry (I’M L) para sa iyo dahil buong  kalangitan ng parte na ‘yon ng UP ang bubong mo.  Pipila ka para mag-order at hihintayin mong tawagin ang malamyos mong pangalan ng crew.

Isawan ni Mang Larry Ngayon kung ikaw rin ang tipo na nag-aantay na babatiin ka ng may-ari , puwes, hindi ganyan ang CEO nito na mismong si Mang Larry na  siguro.  Baka hindi ka n’ya ngitian or kausapin ka n’ya ng casual pero ‘yon ang character. Brusko lang dapat kasi nga Isawan e. hehehe! Hindi puwede ang lalambot-lambot.

sawsawan nila Mang LarryOnce na matanggap mo na ang nakapakete mong isaw o kung ano ang barbecue products, maaari ka ng pumunta sa vinegar dispensers.  Pili ka na lang sa “E 2 po ang MATAMIS” o “E 2 po ang Suka”  para sa iyong sawsawan na puwede mo na ring pansabaw.

HIndi ako mahilig magkakain ngayon ng barbecue pero marami rin akong na-order noon na isaw or chicken or pig intestine.  Nakalimutan ko na ‘yong ibang na-order ko pero halos lahat naman ata nasubukan ng mga kasama ko like adidas (chicken feet), walkman (pig ears) a t betamax (pork blood cubes).

At hindi ko na rin sasabihin kung masarap kasi sa kasikatan at dami ng tao na dumadayo  rito ay patunay na kung anong mayroon.    Kung presyo naman ang usapan, para sa akin tapat lang.   Hindi ko na nga binilang kasi kung mahal bilang na bilang ko ang nakain ko.

bloggers and Mang Larry

bloggers and Mang Larry

Nasaan ang  Isawan ni Mang Larry? Nasa Loob ng UP..bandang likod-likod ng UP College of Law Malcolm Hall at tabi-tabi ng Parish of  the Holy Sacrifice  at U.P. Shopping Center.


16 thoughts on “Food Trip at Mang Larry’s Barbecue”

  1. Kakakain ko lang dyan nung Friday. Hehehe. Kasama rin ang ambiance sa appeal nung lugar, pero masarap naman yung mga tinda nya, saka mura. Malinis din – at iyon ang pinakaimportante. Kasi yung mga vendors sa UP, kailangan na pumapasa sa health inspection bago makapagtinda, kahit fishballs lang o isaw ang binebenta. Yun ang wala sa ibang mga nagtitinda ng isaw at barbeque sa tabi-tabi.

    May isa pa akong nami-miss na street food stall sa UP, sa tabi naman sya ng AS (Palma Hall). Dun mabait yung may-ari, at palagi kang babatiin. May “thank you” pa kada bili mo. Fish balls, squid balls, at half-long (kalahating footlong) na may coleslaw naman ang karaniwang kinakain ko doon.

    1. aba good news yan a and more power sa UP sa ganyan. kasi ako kahit sarap na sarap ako sa pagkain ng mga ganyan may takot din ako kasi mahina ang tyan ko.

      tingan ko kung madaanan ko yang sinasabi mo sa Palma Hall.

  2. Pingback: Mang Larry’s Barbecue « kwentotpaniniwalanihitokiriHOSHI

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.