Cinemalaya 8: Kamera Obskura


kasama rin si Cinemalaya ang mga lumang film ni Mang Pidol

Hindi ako aware na isang silent film ang Kamera Obskura, ang hula ko lang may kinalaman ito sa pagkuha ng video at ang bida ay si Pen Medina (sa poster e).  Pero ang ilang factor kung  bakit ko ito naisipang panoorin ay dahil ito rin black and white film at ang director ay si Raymond Red.

At hindi ko sure kung sa sinehan lang o parte talaga ng pelikula pero nakakarindi talaga ang taas ng volume ng sound. Wala ngang dialogues pero naghuhumiyaw ang musical score. Promise po marami akong katulad na nagtakip ng tenga at ‘yong katabi ko na late na dumating konti ay umalis din kaagad dahil hindi na niya ma-take ang ingay. Iyon pa naman ang mapapakinggan mo throughout pero tinapos ko naman.

Silently rebellious

Fictitious lang daw ang talaga ang istorya ng Kamera Obskura pero  ang pagkakalahad nito ay animo docu film na thesis na kung saan may panel discussion pa ang tatlong filmmaker.  Ewan kung bakit kailangan parang kuhang mobile phone ang mahaba nilang debate sa umpisa ng pelikula at gawing shadow lang ang paliwanag nila sa hulihan. Sa totoo lang po, nakabawas sa karisma ng pelikula ang mga ito lalo na’t medyo napahaba ang kuwentuhan.

Pero nung nag-umpisa na ang payak (simple) na istorya ni Juan (Pen Medina) ay unti-unti na akong namangha. Nung bata ako nakakapanood ako ng mga pelikula na black and white pero hindi naman silent film. Garalgal lang ang boses nila at may gumuguhit na white paminsan-minsan dahil sa kalumaan.

Magaling si Medina, hindi ko kailangan marinig ang boses niya at basahin ang subtitles para malaman ko kung ano ang nasa isip niya. Nakakaawa nilalang siya mula umpisa hanggang sa magwakas. Isang inosenteng bilanggo na naipit sa sitwasyong pakana ng mga nakakainis na karakter nila Joel Torre, Nanding Josef, Suzette Ranillo, at Archie Adamos.  Narito rin sila Sue Prado,  Irene Gabriel (na akala ko noong una ay si Carla Abellana),  Mads Nicolas, Lou Veloso, Abe Pagtama at si Ping Medina ( na  talagang batang version ng kanyang ama).

Subversive theme

Maaaring galing sa madilim na kulungan si Juan at natahak niya ang landas ng mataas na gusali ( simbolismo nila para sa politika ) pero mabuti at sa kaibuturan ng kanyang puso ay naroon ang busilak na puso ( lalim!!!) Nakukuha pa rin niyang kumawala sa madilim na sitwasyon ng hindi gumagawa ng malaking ingay (silent film nga pala ‘to).

Si’empre hindi lamang ang karakter ni Medina ang subersibo kundi ‘yong buong istorya. Patama kung patama ito sa mga ganid (greedy) at mandarambong (corrupt) sa katungkulan, gayon din sa mga mapang-imbabaw na malinis kuno ang hangarin.

Patalastas

Damang-damang mo tuloy na oo napaka-independent film nito dahil malayo ito sa madalas nating napapanood sa mainstream.  Ang huli ko atang napanood na may ganitong klaseng tema ay ‘yong M.O.N.A.Y. ni Mr. Shooli (Jun Urbano). Kung hindi ka nanood sa Cinemalaya medyo imposible na maka-encounter ka ng ganitong palabas.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

10 thoughts on “Cinemalaya 8: Kamera Obskura

  • Lois

    Napanood ko rin ‘yung Kamera Obskura sa Cinemalaya. Haha ngayon ko lang nakita ‘to. Pero nagulat ako nung nabasa ko ‘yung unang part ng sinulat mo. Kaya maingay ‘yung sound niya kasi silent film siya, lahat ng silent films kasi may background music, madalas piano. Nagustuhan ko siya actually, kasi first time ko noon manood ng silent film, nababasa ko lang kasi sa mga libro na ‘yung mga characters nanonood ng silent film, ta’s nacucurious ako kaya natuwa ako nung napanood ko ‘yung Kamera Obskura. 🙂
    Sobrang nagustuhan ko ‘yun kasi ang ganda ng message niya. ‘Di siya katulad ng contemporary movies. At may pagka cliff hanger siya. Ikaw na mag-iisip kung bakit ganoon ‘yung nangyari. Nakakatuwa kasi nagets ko naman siya. Sana mapanood siya ng iba ang tao para marealize nila ang mga nangyayari sa pulitika sa Pilipinas.
    Nung pinalabas ‘yung end reel na part, ‘yung bumalik siya sa kulungan niya, doon naging clear sa akin lahat. (‘Yun ‘yung favorite part ko hahaha) Narealize ko na ‘yung sinasabi nila na dating magaling pero corrupt na politician na ginawan nila ng rebulto ay si Juan (Pen Medina) pala ‘yun. Ta’s dahil nga corrupt siya, kinulong siya doon sa rebulto niya, at nakalabas siya after 20 years. Sa tingin ko, nung nakita niya ‘yung kulungan niya, doon lang niya narealize na siya ‘yung politician na ‘yun at ang paglabas niya sa kulungan, kung saan siya ‘yung napili ng kamera obskura, pinarealize sa kanya na may mga corrupt sa government at nalaman niya na isa siya doon nung nakita niya ‘yung kulungan/rebulto niya. Gets niyo ba? HAHAHA. Medyo magulo din kasi ako sa pagexplain e XD

    • Hitokirihoshi Post author

      Hi Lois and welcome dito sa Hoshilandia.

      naku hindi naman yung musical score mismo yung nakakrindi na tinutukoy ko kundi yung lakas ng volume sa sinehan. yung music okay pero parang nasa harap kami ng bus na bumubisina ganun yung dating.

      Yun din yung magandang katangian ng pelikula walang kimi at hindi kapares ng napapanood natin. salamat dun sa huli mong kwento. hindi ko nagets medyo yung part na yun. although nagtawanan naman kami sa loob ng sinehan dahil pati siya may ganun na rin.

      gets na gets ko naman ang explanation mo. Mabuhay! dapat manood talaga tayo lahat ng Cinemalaya!

      • Lois

        Kami nasa front seats pa nakaupo pero di naman kami nalakasan sa volume! Hahaha! Swerte namin. Haha. De joke.
        Grabe kaya kasi ‘yung mga classmates ko di sila interesado kaya tinulugan lang nila ‘yung film ta’s nung may nagpakita na na babaeng nakahubad, bigla silang nagising. Mga bastos! =)))) Di ko nga gets kung bakit may ganong part e. XD

        • Hitokirihoshi Post author

          ah nasa baba lang ba kayo noon?

          sa mga nakikita ko naman mula sa itaas at doon sa mga nasa likod ko tingin ko attentive naman. di rin sila makakatulog sa tingin ko e. hahaha!

          hindi ako sure, pero tingin ko yung babae yung nire-represent niya ka-inosentehan at hubad na katotohanan. Kung paanong hinahabol ni Pen medina sya nung una hanggang sa ito na mismo ang nagpakita sa kanya nakahubad na. hehehe

  • sasaliwngawit

    hello, hoshi… maganda ang kuha mo ng poster ng pelikula, mahusay ang narration o pagkakalahad, pero ang naibigan ko talaga ay ang mga wagas mong side remarks, haha. aliw…^^

    btw, pag may info ka ng sked ng Cinemalaya sa UP, pa-share, ha… salamat, regards 😉

    • Hitokirihoshi Post author

      salamat ng marami sasaliwngawit! napangit mo ako hanggang anit. hohoho!

      sure ibabalita ko talaga ito ng bongga, marami rin ang nag-aabang e.

      teka ano nga pala ang fb and twitter account mo?

  • Dorm Boy

    Good for you nakanood ka. Tinamad kasi ako lumabas kahapon kaya d ako nakanood sa GB3. Kay Scudd lang dn ako nakakakuha ng updates. Meron ka rin pla updates. =)

  • raft3r

    wala akong kaalam-alam sa cinemalaya
    buti na lang at nandito ang hoshilandia
    para punan ang mga pagkukulang ko sa mundong ibabaw
    bow

    teka
    wala bang entry si marian dyan?