Sa tatlong napanood ko at siguro maging sa ibang kalahok sa Cinemalaya 2012, ang Mga Mumunting Lihim (Those little Secrets) ang masasabing hindi mukhang independent film. Paano ba naman, ang director at writer nito ay si Joey Reyes at ang mga pangunahing bida ay sila Iza Calzado, Agot Isidro, Janice de Belen, at Judy Ann Santos.
Pero hindi lamang sila ang pang mainstream kundi pati na rin ang cinematography at story. Malayo ang timpla ng kulay nito sa ibang napanood kung independent films pero mabuti na rin ‘di ba? Maiba sa mga nakahanay sa festival. Lalo na kung pagod ka na sa kakalakad ng bida at nangangalumata ka na sa uga ng mga shots. Pero siguro ang masasabi kung karakter ng pagiging indie rito ay ang flow ng story. Hindi extravagant pero hindi rin naman sobrang baba ng level. In fact kung malalaki man artista, parang sila-sila lang din ang makikita mo sa screen lalo na si Iza na gumaganap na Carla.
Sa apat pinakagusto ko ang karakter at pagkakaganap ni Agot sa papel na Sandra. Bida-kontrabida lang ang effect at totoong-totoo. Representasyon siya ng mga taong lagi mong nakakasalamuha na kaiinisan mo sa una pero once na nakita mo ang kaibuturan ng pagkatao ay ma-appreciate muna. Pero ang pinaka kinatutuwaan ko ay karakter at pagkakaganap ni Janice kay Olive. Marami akong kakilalang gaya niya at siya ‘yong ang lutong-lutong ng mura pero pagtatawanan mo lang.
Tell me who are your friends and I…
Rekomendado ko ang pelikulang ito sa mga magkakaibigan, kahit para sa mga lalaki. Malalaman mo kung sino ka, hindi dahil sino ang kaibigan mo kundi kung ano ka sa paningin nila. Hindi nga ba ang totoong magkakaibigan kritikong tunay, bawal ang plastic na walastik. Pwedeng hindi nag-aaminan pero wala na dapat pretensyon.
Sa aking kuro may isa kina Mariel (Judy Ann), Carla, Sandra at Olive ang puwedeng maging imahe ng isang tipikal na kaibigan. Mayroong ‘yong mas best friend, mas malihim, mas chismosa, mas mapanglait at kung ano-ano pa. Pero may pagkakaiba ay magkakalapit pa rin. Ako masasabi ko na sa apat na main character ay may mga traits sila na nakaka-relate ako lalo na doon sa part na ma-diary. Pamamana ko nga rin ang mga ‘yon pero tingin ko ‘pag natapos na ‘yong babasa may salamin na. Ganda kaya ng sulat ko. wahahaha!
Jose Javier Reyes – the writer- director
Isa sa kinikilala kong magaling na filmmaker si Joey Reyes. Mayroon kasing director na visionary lang na bibigyan ng interpretasyon kung ano ang nakasaad sa bible ng production o script/screenplay. Mayroon din naman scriptwriter lang talaga. Iba ‘yong ikaw na ang writer pati director. Hindi naman sa buwakaw sa credit pero dahil mahirap, madugo at malalim na trabaho ‘yon. Saka ‘pag nailabas mo ng tama ang iyong ideya sobrang nakaka-proud.
Pansin ko pa pati sa mga pelikulang sinulat at dinirek ni Reyes ay realistic na may sundot ng komedya. Alam n’yang pagalawin ang mga karakter ayon sa pagkakahulma n’ya rito. Hindi ba ‘yong magugulat ka bat ginawa nung karakter ‘yon, eh wala naman sa karakter n’ya. Hehehe! Mabuhay sa Mga Mumunting Lihim!
Pingback: Movie Review: Mga Anino ng Kahapon | aspectos de hitokiriHOSHI
Pingback: Fit and Insatiable Iza Calzado | aspectos de hitokiriHOSHI
teka
sino yun iza?
sya ba yun lumipat tapos hindi pa din sumikat-sikat?
sayang sya
maganda at magaling pa naman
she should have stayed loyal
nyahaha
hahhaa yan lang sasabihin ko sa iyo, bitterness ka koyah!
hohoho!
Sali ka na rin sa Slumbook post ni PM. San ba pwede magdownload ng nga Cinemalaya movies? Di ako nakaabot makanood…
sige pero siguro dun sa isa kong blog na. in fact, nag-iisip na rin ako ng something na ganun sa isa kong blog (kwentotpaniniwalanihitokirihoshi.wordpress.com) hindi ko lang masakto kung anong partikular na gusto ko at medyo busy pa.
pagdating naman sa cinemalaya… hmm matatagalan pa siguro yan. in fairness, pansin ko talaga sa mga Filipino movies mahirap o matagal mapirata. good job na rin sa OMB
okay, sold! hahanap ako ng copy. dyos ko san kaya ako hahanap. pero mukang maganda, fan ako ng solid characters, lalo na pag flawed.
malay mo maglabas din sila ng copy ng mga entry sa Cinemalaya. Tiyak mayroon nyan.
ako rin gusto ko rin ng mga makukulay na karakter. tantanan na ang paawa effect at sobrang sama throughout.
sayang isa lang napanood ko pero worth it naman. ny the way, bumili ka ba ng mga indie films? anong meron?
naku kinunan ko lang po ito Sir! pero ang isang kilala ko dun yung Sakay ni Julio Diaz.
salamat po sa pagbisita!
oh, sabi sa ‘yo, oki na oki pag nagre-review ka, hoshi. naman… thanks for this. mapanood nga… cheers! 😉
naks salamat! go panoorin mo na sa UP!
Pingback: Cinemalaya 8: Mga Mumunting Lihim « kwentotpaniniwalanihitokiriHOSHI