Elements National Singing-Songwriting Camp (part 2)


Tuloy-tuloy pa rin hanggang August 31 ang audition for Elements National Singing-Songwriting Camp ng  7107 Music Nation.  At itutuloy ko pa rito ang ilang tips ni Twinky D. Lagdameo (chief operating officer)  at ng mga respetadong music artists sa bansa na sila Maestro Ryan Cayabyab, Ebe Dancel (former frontman of SugarFree), Gabby Alipe (Urbandub) at Raimund Marasigan (Sandwich, Pedicab and former drummer of Eraserheads).

Paano pumili ng campers sa Elements? Ito ang sabi ni Raimund Marasigan:

  • Good songs are good songs e.  Maganda ‘yong letra, maganda ‘yong melody, maganda ‘yong groove, and catchy!
  • (Pero) ‘pag (lahat) ganun matatalo sila ng buo na. Kunwari mayroon siyang magandang letra pero may papasok na magandang letra at magandang music (kaya mas) papasok ‘yong isa.
  • Kung lahat magaling, ang napunta sa camp ‘yon ay ‘yong mas gusto.

Sabi rin ni Ma’am Twinky, tinitingnan nila ang motivation ng mga sumasali kasi hindi naman sila nagbibigay ng direktang career at exposure kundi ang matuto at magpasama-sama ang mahihilig sa musika.

Dagdag pa ni Mr. C ang camp ay guide at para malaman sistema sa loob lalo na ngayon na parang ang dali-dali sumali ng contests.

“The fastest way is to do that (joining reality and talent search) and the fastest way to go down is also through that way.  I believe the best way is first you need hard work,  take step by step, third  is learn the industry  and the industry’s rules. Kasi winner ka nga pero hindi mo  alam ang nangyayari, one day wala ka na roon.”

Rediscover and hone your talent

raimund marasigan, ebe dancel,  gary alipeRaimund Marasigan : Obviously maraming talented, maraming ibang klase pero hindi nila alam kung paano magsimula. Paano mag-record at paano mag-areglo. May iba na hindi magaling tumugtog pero magaling magsulat. So after ng camp, may nakakapansin na “oh mahusay kang tumugtog” o “marunong kang mag-record.” Tapos nagi-gig sila ngayon.

Mr. C: May iba na  nagpunta roon na wala silang kaibigan o sila lang ang nag-i-express ng sarili nila.  Naiba ang mindset (nila) dito (sa camp) dahil lang sila nakapag-share.

Patalastas

Ebe: May isang camper na all his life na lagi siyang sinasabihan na huwag ka ng sumulat ng kanta. Do something else so (doon sa camp) nakahanap siya ng circle.  Umuwi siya na firm ang belief niya na ito ang gusto niya.

Love what you are doing

“Alam naman natin na ang mga magulang nagin ayaw tayong magkaroon ng career bilang musicians,  ewan natin.  Galing ako sa era na ‘yon e.” kwento ni Mr. C. “D’yan papasok yong if you love what you are doing and if you’re the best in what you are doing.”

Gusto ko rin ang sinabi ni Gary V sa video docu ng Elements 2011 (click here) na…

“You can learn anything from anybody. You can learn how to sing, how to play, you can learn even how to write music, how to perform, but if you don’t have heart for it, you’re wasting your time.”

 

Ryan Cayabyab & Twinky Lagdameo

Ryan Cayabyab & Twinky Lagdameo

Para malaman ang requirements at makapag-audtion na punta lang site na na ito

http://www.elementsmusiccamp.com.ph/requirements



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

6 thoughts on “Elements National Singing-Songwriting Camp (part 2)