I read good news this morning about Philippine economy and improvement in financial literacy of Filipinos. Whether it is true or not, getting there or close enough – hayyy mabuti naman may ganitong news. Pero bago ang lahat, let’s talk about money saving.
Savings <account> first
May iba na may 20/80 at mayroon naman na 10/20/70 rule in financial planning. Pero para sa nag-i-start pa lang sa ganitong bagay ay mabuti na ang 30/70 at unahin muna ang pagsi-save bago isunod ang paglalagak ng pera sa iba’t ibang investments. Ito ang natutuhan at sinusundan ko.
I think ideal na source ng capital pang- investment o pag-establish ng business ay manggagaling sa iyong savings. Puwede naman mag-loan kina mama at papa, at kay kabalikat (SSS) o kay Pag-IBIG. Pero kung baga sa pagpili ng college course ay second at third choice mo muna ang iba. Sa first choice mo, pinagbubutihan mo na mag-aaral at makapasa sa entrance exam para makuha ang course ng iyong pangarap na career. Long process pero worth it kung gugustuhin mo ‘di ba?
What is the 30-70 rule?
Bakit hindi 70-30? (Walang pakialaman ng order lang? Joke!) Halos lahat tayong Pinoy ay dumadaan sa pagiging empleyado –OFW (Overseas Filipino Workers) o NFW (Native Filipino Workers- wala naisip ko lang). At ang precious sweldo ang ating pinaka-source of income ng ating kabang yaman. Iyon ay lalo na kung wala ka pang sideline business, part time job o iba pang raket.
Sa 100 percent nito kunin mo na ang 30% bilang savings mo. Sabi nga sa financial literature (naks!) “pay yourself first” meaning unahin mo nang magtabi para sa iyong savings/ investment at ang matitira ay para na sa iyong gastusin. Kasi kung sa expenses ka agad baka matukso ka o magka-amnesia pa at magastos mo lahat ng iyong pera. So ‘di ba 100-30=70. Kapag nag-accumulate na ang iyong pera na naise-save puwede ka na mag-isip o magsimulang mag-invest. Ang mahalaga kasi ay magkaroon ka muna ng emergency fund at liquid asset.
Liquid asset – ang tawag sa perang madali mong makuha o magamit gaya ng pera sa bangko. Hindi maituturing na liquid ang real estate dahil…sige nga magbenta ka ng bahay na mas mataas ang value tas madaliin mong magbayad ‘yong buyer!
Bakit hindi pa 50-50?
Sige kung kaya mo why not?! Pero huwag maging mayabang at unrealistic. Kailangan mo pa siguraduhin na magbayad ng tubig, telepono at kuryente para makapagbasa ka pa ng blog gaya ng aspectos de hitokirihoshi at kwento’t paniniwalanihitokirihoshi (promosyon talaga!). Siempre, iba pa ‘yong may sinusuportahan ka na Papa, Mama, Cousin, Kafatid o bebe at paminsan-minsang luxury. Masarap ‘yong nakakapag-abot ka pa rin sa pamilya mo at na-enjoy ang iyong pinagpaguran. Huwag mo ring kalimutan magbalik ng blessings kay Lord. Ika nga “time is gold” so “more power” and “keep it up.” Mabuhay!
Pingback: Business, Money Concepts - aspectos de hitokiriHOSHI
Pingback: A Blogger without Blog | aspectos de hitokiriHOSHI
wala namang nagbabawal na lumihis sa 70-30 rule na yan. kung mas mataas ang savings, mas maganda. kung mas mababa, double check ang expenses at baka may ibang pwedeng bawasan.
ako, nakaka-50/50 minsan. hihihi!
ah ikaw na! Saludo ako sa iyo! hindi ko PA kaya yan, sana soon.
at oo wala naman nagtatakda kung kaya mo pa gawing 55-45 pabor para sa savings mo eddie go!
bakit hindi 90/10?
hindi grade mo ang pinag-uusapan dito. hehehe
It is also good to give tithes & offering sa church ha, i think that’s the real secret to a well-off life 🙂
Absolutely, dapat part yun ng 30% automatic.
mabuhay!
nice. dapat talaga disiplina at mag stick sa mga rules natin para maging epektibo. dapat sa long term goal ang tingin. At tama ka, unahin dapat ang itatabi para makokontrol talaga natin ang sarili na wag gumastos ng sobra.
salamat Rogie!
mahirap ito sa umpisa pero kapag natagalan na ay magiging madali na rin. yes dapat long term. kahit paunti-unti ay at least umuusad. medyo fan din ako ng idea ng retailing whether sa business and personal finance.
Pingback: 30-70 Rule in Saving « kwentotpaniniwalanihitokiriHOSHI