Mahalaga sa akin na nakakapag-comment ako sa aking mga friends dito sa blog world. Ipinapabatid nito na…
- Nagba-Blog hopping ako – kahit hindi pa nagko-comment sa akin basta matagpuan ko ang site na may maganda at interesanteng topic, mag-iiwan ako ng message. Hindi nga lang ako pasensyosa kapag ang dami-dami pang kailangan gawin unless gustong-gusto ko talaga mag-comment.
- Saying thank you – puwedeng hindi ako laging nagsasabi ng thank you pero (halos) automatic kong bibisitahin ang site ng blogger na bumisita rin sa akin. Sabihin na natin linking kasi ‘yon pero dapat isipin ng lahat, ‘yon na kasi ang simula ng communication between sa mga bloggers. Kung paanong natutuwa ako ‘pag nagko-comment sa blogs ko, ganun din ang gusto kong gawin sa iba. Kahit may ilan na okay lang naman na walang nagko-comment at nirerespeto ko naman ‘yon basta ako gusto ko nag-iiwan ako ng comment. Sana i-approve pero kapag hindi okay lang din.
- I’m existing – this is my advice at ilan sa mga unang lesson na pinaraktis ko kagad- ang bumisita sa ibang blogs at mag-iwan ng bakas (comment). Mabuti ang wordpress.com kasi once na mag-post ka medyo napo-promote na kaagad ang post mo, pero iba pa rin ‘yong nagpapakilala ka sa ibang blogger through your comment. Hindi mo naman kailangan ilagay ang url mo sa sa comment area basta i-fill up mo lang ‘yong questions na name, email at pook sasapot blog url or maganda kung may gravatar account ka.
Lalo na sa mga naka-dotcom o may sariling domain like sa akin na naka WordPress.org at gumagamit ng ibang blog platform like Blogger, TypePad, Tumblr, LiveJournal, Weebly – nakakatulong mai-promote ang inyong site (manually) kung nag-iiwan kayo ng comment.
The Problem
Lately, napapansin ko na nagiging spam message ang mga comment ko particularly kung ang binibisita kong blogger ay naka-wordpress.com. Nung una hinahayaan ko lang kasi masipag pa ako at napapakiusapan ko ang mga blogger ko na maghalungkat sa spam folder nila. Eh kaso hindi naman laging ganun at nakakapagod din naman sa part ko at nakaka-dyahe dun sa binibisita ko.
Nagta-try na ako ng mga ways para ma-solve ito pero habang hindi pa, manawagan na rin ako through sa post na ito na please check your spam folder baka may comment ako and baka may suggestion kayo kung ano ang maganda kong gawin.
Thank you very much and Mabuhay!
nyahaha
bakit hindi ka ba talaga spammer?
wag na kaya ako mag-comment sa blog mo at baka ma-solve ang problema kong ito nyowehehehahahohoho!
Don’t worry about that, nasa spam folder din napunta ung comment mo sa akin and ako rin naman ung mga comment ko napupunta rin sa spam folder ng iba. I think hindi naman sa lahat wala naman ako prof if inconsistent. Ang mahalaga sakin, ay ang tunay na blogger ay dapat meron time para justify ang comment kahit nasa spam sya napunta.
salamat dlysen! nabuhayan ako ng loob sa comment mo na ito.
mabuhay!
Sa blogspot wala naman problem hoshi, lahat naman ng comments mo sa blog ko e na-retrieve naman, dami nga e thanks ha 🙂
Your welcome McRich! Wala akong problema sa Blogspot sa WordPress. com at WordPress.org lang talaga.
Kaya ngayon mabuhay sa blogspot!
..sana maayos mo yan hoshi… pasensya na at hindi kita matutulungan sa larangan na yan kasi mahina ako sa web churva… pero wag kang mag-alala, nung sabado naman ay binisita ko yung malaking rebulto ni gundam at nanalangin na tulungan ka niya sa problema mo sa pag comment.. ehehehehe… *kaway* kaway*
Salamat Postquared! Okay lang, basta alam ko may moral support ako sa iyo. kaway-kaway na ako at kahit kampai-kampai pa.
hehehe!
Tagal ko nang di nakakapunta sa blog na to.. I mean di na rin pala ako nakaka blog hopping.. ngayon ulit.. gamit ang bago kong bahay na ginagawa pa lamang. 🙂
Oo nga bigla kang nawala. saan ka ba napunta? kailangan mabisita na rin kita.
buti na lang napansin ko ang spam folder (although late nga lang). parang walang tiwala sau si akismet inay. 😛
oo nga e. hindi naman ako guilty ng kung anong violation. saka Tagalog kaya ginagamit ko. walang Pinoy blogger na pasaway at isa na ako roon.
Hello! Medyo napapansin ko nga rin na nadadalas sa spam comments ang mga valid comments naman.. Pano naman kasi kaya ‘yon nafifilter? 😀
actually, asar na yung marami ka laging nasasagap na spam messages pero yung mga comments na okay naman tas hindi napa-publish ang sakit-sakit sa bangs. hehehe
hayaan mo once na malaman ko, chika ko sa iyo. kailangan ko lang makipagpulong kay Pareng Matt Mullenweg.
tsk tsk tsk. hopefully ma-fix na yan. good luck dyan sa problem mo hoshi. I agree na importante talaga ang comments sa ting bloggers.
salamat theignoredgenius!
oo importante , tingnan mo ngayon napakalma mo ako. yo!
Pingback: Blog Commenting….problem « kwentotpaniniwalanihitokiriHOSHI