Nakakita pa ako ng floppy disk (8 inch) na ginagamit noon ng kuya ko na kumuha ng Computer Science. WordStar pa lang ang sikat noon at wala kaming family Personal Computer kaya kahit paglaruan hindi ko magawa. Ang naabutan at nagamit ko talagang removal media storage device bago ang pagsulpot ng USB flash drive, memory card, DVDs, CDs, at Blu-ray disc ay ang classic ng 3 ½ diskette.
Size does matter
Dati rin parang feeling ko kasama na ng porma ng mga lalaki ang pagsukbit ng diskette sa bulsa ng kanilang pantalon. Ewan may iba akong nakikita kong pumapasok na walang bag, diskette lang ang dala. Talagang nandoon na lahat ata. Ma-iintriga ka na nga lang sa personality ng ilan depende sa kulay ng diskette nila. Pero, bukod sa maliit na capacity ng storage space at mas malaki ito sa mga flash drive wala na akong alam na problema sa floppy disk. Pero siempre technology nga e, so uso ‘yong palit ng palit at mas maliit ang itsura pero malaki ang memory storage iyon ang winner.
Hindi ba nakakatuwa ‘yong micro SD (Secure Digital) memory cards dahil ang liit-liit ay ang dami ng puwedeng ilagay na digital files gaya ng MP3, photos, MP4, games or whatever. Ngayon ang dali-dali nang kumuha ng video kahit sa simpleng point and shoot digital camera at basta malaki-laki ang memory card mo. Walang-wala dati sa papalit-palit na VHS tapes kapag may video recording at ipapa-transfer mo pa at iko-convert pa para malagyan ng effects ang nakuhang video. Oo naman alam ko ‘yan, napanood ko sa Youtube hehehe!
Nice gift and souvenir idea
Matagal na akong sinusulsulan ang mga tech-savvy friends ko na bumili ng portable hard disk/ drive na nag-introduce sa akin sa word na terabytes. Wala pa nga akong 500 gig portable hard drive may tera-tera na?
Pero so far kasi nagkakasya pa naman ako sa mga USB flash drive na mga natanggap ko bilang souvenir or gift. Tuwang-tuwa kaya ako kahit 1gb lang pero may natanggap naman na ako na 4gb (panawagan ba ito? Hehehe)! I think good idea naman ito, kapalit ng patok na gift items like photo frame at photo album lalo na kung ang effect ng gift giving mo ay “save me in your memory” or “I’m the answer to your memory loss,” okay na okay ito.
Sa ngayon, ang mga files ko ay nahahati sa mga USB flash drives ko, may pang music lang, data, photos, at kung ano-ano pa. Ang pinag-iispan ko na lang ay kung ano ang gagawin kong art and craft sa mga diskette na nakita ko nakatago lang at kailan naman kaya ako makabibili ng portable hard drive . Any suggestion?
sorry
usb na ang kinalakihan ko
nyahaha
ah USB rin pala ang tawag sa 8 inches floppy disk noon? thanks sa Trivia mo Lolo.
may 500gb akong hard disk, gusto mong bilhin? nabili ko to noong pinadala ako sa singapore. or baka gusto mong magpabili sa akin ng mas malaking storage. a few months ago, may nabili akong 1.5TB na hard disk. 😀
wah may instant bentahan na nagaganap a. hehehe
Magkano po ang mga presyo Manong Apollo?
sorry, nakalimutan ko na magreply dito… ung 500gb, matagal ko ng ginagamit yun. syempre ibebenta ko ng presyong kaibigan. haha!
ung 1.5TB na hard disk ko, brand new ko yun binili dito. nasa 100+ USD. pabago-bago ang presyo sa costco kasi may sale kung minsan. sabihan mo ako kung gusto mong magpabili. 🙂
Pingback: Floppy Disk: Classic Removable Media « kwentotpaniniwalanihitokiriHOSHI