Fashionable outfit made in recycled materials


 Dalawang bagay ang pinagkakaabalahan ko nitong mga  nakaraang araw at ito ay ang pagpapa-pack para sa aming out of town trip at ang paggawa ng  project ng aking pamangkin.  Medyo pinagpupuyatan ko ang school project na ito dahil  irarampa lang naman ni pamangkin sa stage ang outfit na ito na  made in recycled materials.

(Invitation! please  SUBSCRIBE to my YOUTUBE Channel for more art lessons and tips.  Salamat and Mabuhay  🙂

Kinabahan din ako sa paggawa nito dahil hindi naman talaga ako magaling manahi at ni hindi ko alam kung saan ko sisimulan. Thank God dahil may enough time naman ako mag-isip (oo matagal akong mag-isip), kahit papaano ay may nakikita akong mga materials na puwedeng gamitin at walang nakikialam sa akin ‘pag sinabi kong gagawin ko ito ( oo ayoko nang iniistorbo ako ‘pag nakatunganga akong  nag-iisip at may ginagawa na hindi ko siguradong kung ano ba talaga).

Reinventing that Foil Curtain 

Naalala n’yo pa ba ang ginawa kong Recycled Foil Curtain at isinali ko sa The Great Craft Time Magazine contest?  Iyon ang ginagawa kong parang bolero. Nahirapan lang ako sa pag-a-adjust at mali-maling pagsuot ng ribbons pero after nun halos okay na. Hindi ko alam kung alin ang mas madali pero tingin ko masinsinan din ang paghabi ng damit na gawa sa coffee foil wrap, parang mapapakape ka talaga.  Naisip ko na rin na something na ipapatong lang dahil hindi smooth sa katawan ang foil at para just in case na may wardrobe malfunction na maganap e, safe pa rin ang aking pamangkin.

materials

coffee foil wrappers, ribbons for notebook, and extra lace

 

 Skirt made of sack 

Ito ang una kong ginawa dahil tingin ko sa sako ay parang tela. Pero mabuti yung naibigay ng Nanay ko ay yelong sako para hindi naman masyado halatang ordinaryong sako ng bigas ang palda. Ang mahirap dito ay ang pag-cut at pananahi dahil ang sako ay himulmulin at nalalagas nang halos tuloy-tuloy kung hindi magiging maingat.

Palda rin ang napili ko  agad para girl na girl ang pamangkin ko at mas madaling gawin kaysa short, pants or dress.

Aaminin ko rin na hindi ko alam ang magsukat nang maayos at hindi ako magaling magputol nang pantay. Lahat ng laki ay ibinabase ko lang sa tantya sa laki ng aking pamangkin. Iyon din ang nagpatagal pero mabuti na lang din dahil kahit paunti-unti ay naitatama ko yung halos tama lamang sa beywang n’ya.

Patalastas

Materials:

Sack  of rice, excess ribbon (for gift)

Out of the box art


Ginawan ko na rin ng  bag si Rica dahil ito na ang magsisilbi niyang pinaka-accessory. Siyempre ang isang material para madaling magawa ito ay ang paggamit ng karton na mabibili sa mga  suking tindahan at junk shop. Una ay pouch ang peg ko dahil ang box ng isang cereal drink ang aking ginamit. Kaso nasira ng puncher ko kaya balik ako dun sa mas matibay. ang pamatay na box ng juice drink.

Hindi ako nakasama sa kanilang show pero balita ko naman ay kahit papaano maganda ang feedback at baka may prize naman siyang makuha hehehe. Oh well  masaya na ako na may nagawa ako na ganito, bahala na ang kasunod. Saya lang gumawa pag recycled materials ang ginagamit mo.

 

my pamangkin Rica

ito po instruction  in How I Made This Outfit made in Recycled Materials.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

16 thoughts on “Fashionable outfit made in recycled materials