See you Rurouni Kenshin!


If only Kenshin Himura or Rurouni Kenshin is a real person, I’ll definitely find him and be his second girlfriend. Girlfriend lang, bata pa ako e. hahaha! Pero seryoso nang malaman ko na may live action film ang Rurouni Kenshin, excited na excited ako na makita ito sa October 17. Paano ba naman, isa ‘yan sa favourite anime series at crush na crush ko talaga si Hitokiri Battosai ( alias ni Kenshin). By the way sa ‘Pinas ang programang ito ay may pamagat na Samurai X.

Hitokiri is historical

So sa mga nagtatanong kung saan ko napulot ang first sa web name ko (may ganun talaga) alam n’yo na! Ang totoo hindi maganda ang ibig sabihin ng alias na ‘yan  na kung isasalin sa  Filipino ay mamatay-tao.   Ganoon kasi dati si Kenshin na kasapi ng grupo ng mga rebelde na pumapaslang ng mga opisyal na gobyerno at iba pang ipag-uutos sa kanila. Magaling siya sa swordsmanship kahit bata pa lang s’ya noon, ito ay dahil na siya mismo ay biktima ng pang-aapi.

Ayon sa Questor:  The Ultimate Anime Magazine na nabili ko dati (na hindi ko mabenta –benta dahil sa content nito na may Samurai X) ay tila may pinagbasehan talaga ang nilalaman ng istorya at ilang tauhan dito.  Maniniwala ako kung totoo kasi  parang mayroon nga kung pag-aaralan ang history ng Japan. Katunayan, isa sa gusto kong part dito ay iyong sa Shimabara kung saan di umano’y maraming Christians na nakatira at pinatay. Pinamumunuan sila ni Shogo Amakusa na  nanindigan sa kanilang  paniniwala pero  trinaydor ng kanyang kaalyado.  In real life, kung mapadpad ako ng Japan isa sa balak kong puntahan ay ang Shimabara (bukod sa paghahanap sa mga miyembro ng Bioman at Maskman).

Sa Samurai X din makikita ‘yung mga lumang Japanese culture and tradition lalo na’t ang setting ng series ay 1800s pa.  Narito ang pagbuo ng iba’t ibang rebelde gaya ng grupo noon ni Kenshin at ni Shishio Makoto, ang pananakop at pagtutulungan ng mga banyaga at katutubong Japanese, ang paraan ng kanilanh medisina at ang pagpapahalaga nila sa kanilang  paniniwala at prinsipyo.


Battosai’s swordmanship

Although gumamit din naman ng baril at iba pang weapon gaya ng kay Sanosuke Sagara na may mega zanbato at patpat ni Kaoro Kamiya, madalas ay samurai talaga ang gamit sa buong series. Ewan kung totoo pero bawat isa sa importanteng karakter ay may sariling style. Nariyan ang  Hiten Mitsurugi-ryū at Amakakeru Ryū no Hirameki  ni Kenshin at ng kanyang Sensei (guro) na si Seijūrō.

Ang guapong si Aioshi Shinomori naman ay may  two-sworded style, habang sa mukhang ewan  na si Saito Hajime ay gumagamit naman daw ng sword na gatotsu sword na kapag ginagamit nya ay akala mo umaasinta palagi (parang pana lang). Pero gusto ko ang character ng character na ito (redundant lang).

Pero pinaka-trip kong fighting technique ay ‘yong kay Sojiro Seta na smiling face kahit nakikipaglaban.  Kundi ba naman pang-asar sa kalaban mo e.  Pero (maliban kay Amakusa), pinaka-memorable para sa akin ay ang laban ni Shishio  Makoto at ni Kenshin. Sobrang  makapigil-hininga sa akin ‘yon dahil makita mo ba naman ‘yong bida na initsa sa ere tapos daming saksak tas bumagsak ng nakanganga pa.  Iyong setting pa ay nagliliyab sa langis na roof top at babangon ang bida kasama nang paglipad ng mga dahon. Taray!

Patalastas

Lessons from Rurouni

Maipagmamalaki ang Rurouni Kenshin dahil hindi ito pakuwela lang o puro porma, isa ito sa mga serye na marami kang moral lessons na makukuha. Kakaiba pa nga kasi lalo na’t  epic series  ito na  philosophical ang mga quote na binibinitawan. Famous na s’yempre ‘yong survival of the fittest ni Makoto.

The strong shall live and the weak  shall die.

Pero dahil mokong sa  prinisipyo n’ya e, hindi ko naman ipinapayo at sa halip ay ang motto in life na lang ni Kenshin na…

It’s smarter to be lucky than it’s lucky to be smart.

Promise nagamit ko pa ‘yan ng maraming beses sa recitation ko at sa mga essay na nagawa ko. Panalo!

Pero sa kabuuan para sa akin ang maituturo ng Rurouni Kenshin ay kung ano ang takbo ng buhay mo ay dedepende sa prinsipyo na pinaniniwalaan mo.  At napakahirap ang may guilt dahil sisingilin ka na  ng iyong conscience lalo na kung ang mga kamalian na nagawa mo ay hindi na maitatama dahil marami kang nasaktan o (sa anime ay) napatay. Ito ay Atonement.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

18 thoughts on “See you Rurouni Kenshin!