Marami akong kakilalang Ilocano. Karamihan sa kanila ay mahilig sa gulay, masarap pakinggan kapag nag-uusap at mga kayumanggi pero may ilan din naman na maputi. Nitong October 2012 ay nakarating na rin ako sa wakas sa Ilocos. And take note, Norte at Sur ito dahil sa package tour sa nirerekomenda kong J2F Escapades Tours & Travel na may mabait na driver na si kuya Joel. Gaya ng nasabi ko ay biglaan lang din ang byahe na ito at puno ng pagdadalawang-isip bago nakuha ng mga friends kong sina Pao at Liz ang bittersweet like dark chocolate kong UU.
(Invitation! SUBSCRIBE to my YOUTUBE Channel now for more travel tips and stories. Salamat and Mabuhay 🙂
Kudos to Laoag!
Bago ko ituloy ang aking countdown gusto ko purihin ang city ng Laoag, Ilocos Sur. Pinagsalong ambiance ng city at province ang bayang ito lalo na’t may mga business establishments na. Hindi mo na kailangang mag-alala kung ‘di ka nakabili ng baon at pang -emergency na gamit. Nanood pa nga kami ni Francis (bro ni Liz) ng Taken 2 for only 140 pesos each. Medyo parang Intramuros, Manila ang effect ng kanilang plaza at ang mura ng pasahe sa kanilang kalesa na Php 11 pesos lang. Ilan sa napuntahan namin dito ay La Preciosa Restaurant, labas ng Ilocos Museum (sarado nung dumaan kami e) at Sinking Bell Tower. Oh s’ya eto na talaga ang part 2 ng…
12 Reasons why You Should Visit Ilocos
1-6 (click here) po!
7. Calle Crisologo
Sabi nila mas maganda ito sa gabi at sana nga ganun kaming oras nakapunta sa lugar para mas na-appreciate ko pa. Naroon pa rin naman ang pakiramdam na vintage itong kalyeng ito, kaso may ilan na ring bago at marami ang nagtitinda.
8. Paoay Church and Bantay Church (Shrine of Our Lady of Charity/ St. Augustine Parish Church)
Naka-locate ang 2 oldies Catholic churches na ito sa magkaibang bahagi ng Ilocos. I don’t know kung mahilig lang ako sa Visita Iglesia pero talagang makasaysayan at pang-post card ang facade ng mga ito lalo na ang bell tower ng Bantay Church na may iba’t ibang bell for any occasion like burial, wedding, and baptism (parang ad lang di ba?).
9. Pagudpud viaduct /beach
Nakakahilo ang pagbaybay sa zigzag at sadyaing lugar na ito pero ‘di dapat padaig at palampasin (here’s the pic of Pagudpud viaduct). Ang mataas na tulay na ito ang nagdudugtong sa Ilocos at Cagayan Valley.
10. Granpa‘s Inn
Masarap dito ang Ilocos’ food na Bagnet (masarap din daw sa La Preciosa) at okay din ang ambiance. May character ang inn at resto na ito dahil na rin sa collection na gamit na naka-display gaya ng mga musical instruments, clocks at telephone apparatus.
11. Burnayan making
Ang burnayan ay version ng pottery making sa Brgy. Pagburnayan, Vigan, Ilocos Sur. Masayang panoorin ito (si Liz Baylon the potter) at lalo na siguro kapag ikaw na ang nagpa-pottery. Ayon sa aking site na nabasa 3 na lang ang Camarin (pabrika) nito sa Vigan at ayon kay Kuya Joel ay malakas pa rin ang business na ito at nai-export pa.
12. Hidden Garden Cafe
Tago nga ang kainan na ito pero worth puntahan lalo na’t napaka native at eco -friendly ang theme nito. Ang galing ng maze, upuan, landscaping, gardening, at kainan. Kahit ang kanilang comfort room ay ang ganda-ganda.
Ang iba pang pwedeng mapuntahan sa Laoag at Vigan ay ang Baluarte ni Chavit, St. Williams Cathedral, Syquia Mansion, at marami pang iba. ‘Wag ding kalimutan na tikman ang kanilang cornick, longganisa, empanada at suka. Ang alam ko bawal ibyahe ang longganisa at suka o kahit ‘yong mga wine so tikman na habang nandoon ka pa.
more options?
Ito yun gpinapangarap kung place sana one of this days makarating ako jan… salamat sa pagpost mo…
I would say that I enjoyed visiting some of those places that you featured here. Thank you for showcasing Ilocos. Many summers of my childhood were spent in Ilocos, the land of my mother’s birth.
Your welcome Pinoytransplant! I’m happy to know that Ilocos is the hometown of your mother. She has beautiful and relaxing province.
Pingback: Rediscovering Philippine Architecture | aspectos de hitokiriHOSHI
Am from Ilocos Norte. Sayang di mo navisit ang Bell Tower ng Bacarra at Museo de Bacarra. Ganda talaga dito sa Ilocos. Thumbs up.
Oo nga hindi namin napuntahan yan. alam mo bilang turista sulit talaga ang punta dyan sa inyo. dami kasing interesanteng puntahan. name it, land, water and wind (mill).
welcome sa hoshilandia jr Reyn!
yup. from Paoay to Pagudpud. Madaming mapapasyalan dito 😀 anyway thanks for featuring some of our tourist spot 😀
your welcome and mabuhay ang Ilocos!
totoo ba na kapag ilocano kuripot?
dati parang totoo yan, pero ngayon masasabi ko hindi talaga lahat. Pero marami sa kanila praktikal. Napagkakamalan din kaya akong Ilocano madalas kasi I’m economical kaya. hohohoh!
Economical? Yan pa ang politically correct na term sa kurips? Nyahaha
ah ganun? gusto mo bang ipulitika kita? hahaha
Saan yung pic ng cr? Ganito yung mga tipo ng bahay na gusto namin in the future 🙂
naku yun nga ang kapalpakan na nagawa ko. ang blurred ng kuha ko roon kuya. huhuhu!
pero yung buong lugar kuya, so nice!