Raon: Divisoria of Electronic Devices

isang bangketa sa Raon

Sa Raon, Manila ko sinadyang bumili nang kauna-unahan kong naipundar na gamit noong mga unang taon ng pagwo-work ko, ang DVD Player. Ako na ang movie fan at dahil matipid din ako, ito ang itinuturing kong Divisoria (underground market)lalo na kung usapang low-priced at  brand new na TV, radio, music instruments at iba pang appliances and electronic devices / gadgets. Eh ‘di ba, puwedeng halimbawa ng word na pundar (investment) ang mga ito kung can’t afford pang magpundar like house and lot, car or business.

What’s in Raon ba?

Matagal ko nang trip magkukuha ng photo sa mataong lugar na ito na para ngang Divisoria kaya nakakatakot din maglabas ng gadget. Dito sa Raon electronic gadgets ang specialty gaya na nga ng mga alam nating appliances.  Cheaper ang price ng mgan products dito dahil hindi naman siguro mahal ang mga puwesto ng tindahan at marami kang choices at kung minsan ay makakakilala ka pa ng ibang brands.

Bukod sa aking DVD player (na ‘yong tatak ay nai-promote pa noon ni Aga Muhlach), isa pa sa hindi ko malilimutang nabili namin dito ay ang dalawang magic sing  (na pino-promote naman ni Manny Pacquiao) na ang isa ay ipinadala pa ni Manang Juling sa ate ko sa New Zealand ( ganoon ang Pinoy kahit saan kailangan may kantahan).  Nung time na ‘yon ay nasa Php 11, 000 to 12,000 ang magic sing sa mall pero nabili namin ang aming mga magic sing sa halagang 9,500 lamang at may mga kasama na rin ilang accessories. Ganoon kalaki ang difference at buhay pa ang aming magic sing.

Puwede kang makipag-haggle pero kung hindi ka naman makahirit sa mga tindera na nagbibigay naman ng resibo (ibig sabihin ay legal and natse-check ng DTI/SEC/BIR) ay alam mo namang mas mura na ang iyong nabili or lipat ka pa sa iba na may mas magandang presyo.

Mahaba at malaki naman ang Raon (na tagus-tagusan na sa Quiapo at Avenida) at may mga singit-singit na puwede mong galugarin. Siempre hindi rin lang buong machines o gadgets ang available sa lugar na ito. Mayroong ding mga goma, pang-hardware products, chips o spare parts . Doon nga ako bumili ng pangpot-pot namin noong Bagong Taon e.

hardware sa daan

Kung hindi pa nagbabago ay may ibang street din dito na para naman sa medical or dental supplies na puwedeng sadyain ng mga professional at students na nangangailangan ng gamit. Medyo  hindi lang ako sure kung saan banda ‘yon kasi naligaw lang din ako noong nakita ko ‘yon.

Buying tip:  Suki Scheme

Gaya ng Divisoria at Baclaran ay siksik din ang mga tao sa Raon at pinapayuhan ko rin na mag-ingat at huwag mag-inarte sa pamimili rito. Mabuti rin kung alam mo yung gusto mong bilhin dahil mate-tempt kang mag-iikot dahil sa dami ng iyong makikita. in fact sa mismonng mga bangketa ay makakabili ka na ng mga speakers, microphones at radio.

Kung feeling mo rin na mapapadalas ka sa ganitong lugar better na tandaan mo kung kaninong store ka  tiwala  at nakamura.  Ito ang tinatawag na suki scheme, na kung regular kang customer ay mas binibigyan ka ng value at discount.

Mabuhay at nawa’y maging wais, masipag, masining at maligaya tayo!

di torotot, pang-pot-pot for New Year

[hana-code-insert name=’Manila Travel Book’ /]


21 thoughts on “Raon: Divisoria of Electronic Devices”

    1. Naku Sir hindi po ako nagbebenta ng ganyan sir at wala akong puwesto sa Raon. naiblog ko lang ito para ma-inform ko ang gaya ninyo na okay mamili ng appliances/ electronics sa Raon.

      Salamat!

  1. tatanong ko lang po kung meron sa raon ng lcd monetor ng tv glasses 32inc devant tanong ko na rin po kung mag kano salamat po pls

  2. bumibili ba kayo ng Motorola GP338 radio w/ complete accessories (2nd hand na sya pero 2 buwan lang ginamit) at mag kano presyo ninyo ditto. thank you

  3. helo po,,may alam po ba kayo nagbebenta ng murang baterya,,from 65ah to 200ah,,pang solar namin gagamitin at pang benta,,ito po mga numbers namin..Tel.2127342,09569849430,09496509236,09422397890
    Email :carefilipinosmpc@yahoo.com
    makikita nyo sa fb ang aming mga projects
    sa care coop
    or care filipinos muti purpose cooperative

  4. Saan recommend supplier for smart watches and other gadgets. Possibly mas mura direct from warehouses nila. Please text or call me 09167577314

  5. Pingback: #ecomsummit: Comprehensive Sharing of Data, Strategies About Ecommerce - aspectos de hitokiriHOSHI

    1. Aba buti tinuro mo yan. alam mo kasi kailangan ko rin ata magpunta doon sa aking mga braces. ako daw ang sariling magkukumpini. hehehe

      ang mga nakakaalam at nagpupunta ng raon mga wais. hehehe

  6. Raon ang lagi naming puntahan nung college para bumili ng mga semiconductor parts. deeco, alexan at sa mga iba’t iba pang mga puedeng pagbilhan dyan sa tabi tabi ang sya naman naming puntahan.

    At dati, bumili rin ako ng gamit diyan. Mga speakers naman. Ang layo pa ng dinayo ko kasama ang 3 tropa ko na napilit kong sumama para tulungan akong magbuhat. hahahaha.

    1. oo nga, mahirap lang ang transpo nyan lalo na pag Friday, the Quiapo Day di ba?

      pero sulit naman kapag talagang nakapamili ka. Nagsisi nga ako nitong mga nakaraan masyado lang ako umaasa sa nabibili sa small na medyo low quality. kung sa Raon siguro ako bumili ng speaker nakamura baka mas malakas pa siguro tunog ng speaker.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.