Ever since ata na ma-realize ko na nagdadamit pala ako, I always like to wear T-shirt. I feel more comfortable, confident and cowboy every time na naka-t-shirt ako. Good thing allowed ako magsuot nito everyday sa job ko.
Pero ang t-shirt sa akin ay para din pagtingin ko sa aking paboritong food na champorado. Kahit simple lang ang mga ‘yan may partikular akong trait na hinahanap. Siempre hindi lahat ng champorado masarap sa panlasa ko. Hindi lahat ng itsura ng t-shirt trip ko. I’m very particular in color, texture and thickness of the fabric, collar, length and of course design. At ayoko na ayoko ang nangungupas at nagkakahawaan.
Lucky Color
I like wearing dark colors especially if production or matinding trabaho. Hindi mo rin lang maiiwasan na madumihan so bakit ka pa magpuputi. I have more than 5 black and dark blue t-shirts. Sabi nila lucky ang magsuot ng red every Monday. In my case, lucky ang blue and mas comfortable ako. Even kahit sa blouse, blue ako ‘pag may ka-meeting. Pero lately, I try to wear white shirt kasi cool lang din sa pakiramdam. Sabi nila it’s advisable to wear white shirt kapag maaaraw kasi in-absorb nito ‘yong init. Tama naman, mas pawisan at mainit sa pakiramdam ‘pag naka-black. So ‘pag giniginaw ka mag-black ka?
Trivia: Dati takot akong bumili o magsuot ng T-shirt na mga favorite color ko. Why? Kasi feeling ko ‘di bagay sa skin tone ko hehehe. Hello orange, purple, and silver. Ngayon deadma.
Wear your expression
I also like statement shirts. Ito ang madalas kung hinahanap whenever we go sa Divisoria kasi maraming statement shirt doon na mura. Last time na nakabili ako 2 t-shirts for Php 150. Alam mo ‘yong kahit nakapangbahay ka pa lang or namamalengke, umi-statement ka pa rin. hehehe!
Naging pangarap ko noon na magpagawa ng Anime T-shirt. Yung ginagamitan ng airbrush. Tinupad ko siya nung magkawork na ako bilang gift sa sarili ko binalot ko pa ha. Actually ang tagal bago ko nagawa yun pero at least nangyari at sariling pera ko ang ginamit ko. Pero sa design iba-iba, depende siyempre sa appeal sa akin mayroon dahil kwela, inspiring, artistic and simple pero may spunk. There are times na I buy tee na almost plain ang look. May maliit lang na design pero kapansin-pansin. Minsan din kasi mas plain ang color mas madaling bagayan ng accessories. Hindi nagsasapawan at mas mabibigyan ng accent ‘yong burluloy. Para bagang magiging background lang ang t-shirt mo.
Comfort Not the brand
Sa brand of t-shirt I like Particles because sakto yung sizes at makapal ang tela lalo na noon. Nung mataba ako sakto sa akin ang large nila then nung pumayat na ako husto din ang medium. Sorry hindi ako mahilig sa fitted so hindi ko na try ang small unless siguro sobrang payat ko na. Pero basically wala ‘yan sa brand or prize nasa look talaga ng shirt at gaano ito kakumportable isuot.
Naisipan ko na rin magtayo ng business na about t-shirt pero gusto kong target market yung mga over sized Napansin ko lang kasi ‘yan sa Divisoria dati. Ang dami ngang maganda pero puro halos pang mapapayat lang parang yung mga extra small ang dating. Tapos gusto ko rin ng T-shirt printing pero mas gusto ko pa rin yung ako mismo ang mag-o-offer ng design. Pansin ko lang din kasi magpapagawa ang iba ginaya lang din. So ako na ang maging original at sayang na marami akong kakilala na magagaling na artist (digital, graphic and traditional. Gawin na nating canvas nila ang t-shirts. Sana matupad ko yung Pupu Shirts na balak namin dati.
Apart from Figueroa’s gusto ko rin i-endorse ang T-shirt business ng isa kong friend na si Tonet Pua. Sila naman ay may mga design na talaga na in-offer pero puwede ring naman ‘yung customized o personalized.
Pag ako na ang gagawa ng shirt ay naku isang buong blog ang magbubukas. hehehe! Mabuhay sa mga ma-T-shirt!
hmmm, nakakamiss lang mag t-shirt, balak ko dati mangoleksyon ng mga statement and skateboarding shirts. un ang uso dati eh, pero simuna nang nagkawork na, di nako nakakapagsuot ng shirt maliban sa pambahay, how sad :-<
oo iba ang pakiramdam pag suot mo yng komportableng damit para sa iyo.
puwede pa rin naman, if you like. hehehe
mabuhay and salamat sa pagbisita
we need T-Shirt printing for VJP shirt! 😉 At ituloy na nga yang pupu shirt na yan, baka manakaw pa ng iba! hehehe
i recommend JR , iyon nga lang mas maaga, mas maganda kasi sideline nya lang to.
oo kailangan matuloy na yan ng bongga, makagawa na ng merchandising nyan. hehehe
mabuhay at salamat sa pagbisita!
huy enge nung violet
sige pag-uwi mo at sanab may available na ganun si JR. hehehe