Ang Bata ko sa Divisoria

September 13, 2011
By

Puno ng pagdadalawang-isip ang pagpunta ko sa Divisoria noong Sabado (Setyembre 10) para mamili. Kung susundin ko kasi ang pinakapakay ko na bilhan lang ng gamit  ang isisilang na anak ng ate ko ay parang mas makakamura pa ako kung sa pinakamalapit na mall ako pupunta. Isa pa’y matinding enerhiya ang kinakailangan kada pupunta ako sa Soria (pinaikling taguri ng mga tsuper ng jeep) para sulit. Hindi naman kasi praktikal kong mapapadpad ka rito kung iilan lamang ang bibilhin mo, pakyawan kung pakyawan kung kakayanin. Tapos ayon umilaw ang isang bumbilya sa diwa ko. “Ting! Isabay ko na ang mamili ng panregalo sa Pasko lalo na para sa aking mga inaanak at pamangkin.“

Pero bakit nga ba ako mamimili ng Pamasko gayong Setyembre pa lang at ang dami ko pang pagkakagastusan? Iyong abala ba sa oras, gastos, at pagod ay mapapalitan ba man lang ng ngiti o pasasalamat? Kung iisipin ‘yong laruan na matiyaga mong hinanap, ibinagay, pinili, ikinumpara at higit sa lahat ay tinawaran ay tatagal ba naman kahit hanggang sa susunod na Pasko o Araw ng mga Puso? Pero sige sa ngalan ng pag-iwas sa daluyong ng mga tao sa Kapaskuhan at ngiting babanat sa mukha ng mga inaanak o pamangkin ko, tapat na este sapat na!

ilan sa nabili kong toys

Subalit alam n’yo mga ate at kuya, sa gitna ng pag-iisip ko sa aking mga reregaluhan ay hindi ko maitatanggi ang mga naglalarong ideya sa utak ko habang naglilibot ako sa ‘Soria. May bibilhin ako na laruan na alam kong bagay sa reregaluhan ko, pero parang mas kursunada ko ‘yong manikang lila  kaysa doon sa kulay rosas.  Uso sa mga bata ‘yong  mga disenyong SpongeBob at Angry Birds pero sayang iyong libreng isa na puwede namang maging paborito kong kulay kahel at ubeng bituin.

Naengganyo rin akong  pasukin ‘yong isang eskinita na masikip pero parang itsura ng eksena sa mga telefantasya (fantasy series) sa telebisyon. Nandoon pa nga ‘yong pakpak ni Aguilus (Mulawin), sumbrelo ni  Darna, espada ni Panday, maskara ni Batman,  panali nila Naruto, batya  o pananggalang ni Captain America, sinturon ni Captain Barbell at agiw este laruang sapot ni Spiderman. Sayang wala ‘yong gusto kong  ubang peluka  ni Rogue (X Men), hangin ni Amihan (Encantadia) at ang matalas na tinidor ni Elektra (Daredevil) na  kahit ‘yong gawang kahoy lang.

Paano kung di makalaro?

Subalit sa pagsuot-suot namin sa iba’t ibang kalye at gusali ay napadaan kami sa isang madilim na daan. Doon naman ay nakakita ako ng tatlong mamang malalaki ang tiyan na nakahilata sa kani-kanilang puwesto.  Bigla nagbalik sa aking alala iyong mga kontrabida sa napapanood ko sa Cedie: Ang Munting Prinsipe, Remi: No Body’s Boy, at Julio at Julia: Kambal ng Tandahana. Habang may mga batang ipinagpapalit ang kanilang mga laruan at kabataan para may maiuwing pagkain sa kanilang mga nakababatang kapatid at  inang nararatay sa sakit sa kanilang bahay na maraming tumutulong tubig kapag umuulan, ay may mga karakter na sadyang nakakainis panoorin dahil sa kanilang mga aksyon.

Naisip ko pa tuloy na kung ‘yong mga batang  naglalako ng mga paninda ay nakakabili man lang ng laruan na gusto nila? Iyong mga magulang na gumagawa ng laruan, napapasalubungan kaya nila ang kanilang mga anak? Paano pa kaya kung isipin natin na sa monitor ng TV ay may dalawang eksena ng mga bata. Iyong kanan ay iyong batang nagtatrabaho sa Divisoria na masinsinang gumagawa ng laruan. Iyong kaliwa namang screen ay ‘yong nakatanggap ng maganda niyang ginawang laruan pero tinatapon-tapon at inaapak-apakan lang ‘yong regalo sa kanya. Parang nakakaiyak sa imahinasyon ano? Pero hindi naman ako nagpaparinig sa mga reregaluhan ko sa Pasko, nagpapaisip lang. Kasi hindi ko pa naman sinasabi na mahirap din ang magbalot ng regalo tapos pupunitin o guguntingin saka lalamusikin at iitsa sa basurahan.

walang matanda sa laruan

Pero kung ilalabas ko ang mahiwaga kong timba na puno ng sinalang malanis na tubig at kakausapin ko ang aking repleksyon. Sasabihin ko sa aking sarili “Hitokirihoshi o Hoshi, ilang beses ka nang sumemplang sa laban, tumaob sa kalungkutan, kumandirit sa kagalakakan, maumpog sa sakit ng realidad o magpakaseryosong indibidwal. Pero alam mo sa puso mo  na sa bandang kanan o kaliwa man ay nand’yan pa rin ang pagkabata mo.  Kapag nakakakita ka ng laruan, wala sa gaano kahirap o kasing layo ng Divisoria mo ito nabili, kundi gaano ka natutuwa kapag nakakatanggap o nakakapagbigay ka nito. Hindi importante kung gaano katagal ang buhay ng laruan sa piling mo kundi gaano na lamang ang kasiyahan na pinanghawakan mo kahit ilang saglit lang. Sa madaling sabi, wala lang masaya ka lang na parang bata. Burado na ang ibang isyu.”

Pag-uwi ko ng bahay, hindi ko rin napigilan na ‘di bigyan ng laruang panulat ang dalawang pamangkin ko. Kakatuwa lang dahil pinili ng isa kong pamangkin iyong kahel at ube na gustong-gusto ko. Buti na lang bumili ako ng pulseras na may nakalagay ng pangalan ko kaya ‘di na ako nagdalawang-isip ibigay na lang sa kanya iyon.

 

 

Ang post na ito ay ang aking lahok sa Saranggola blog awards 3 para sa kategoryang Blog. 

Share and Enjoy

Tags: , , , , , ,

20 Responses to Ang Bata ko sa Divisoria

  1. [...] Ang Bata ko sa Divisoria. Rate this: ipagmalandakan 'to:FacebookTwitterDiggLike this:LikeBe the first to like this post. [...]

  2. Syngkit ( '',) on September 13, 2011 at 5:17 pm

    wow.nagdivi na sia hehe. more power. sa oct o nov nako punta sa divi hehe

    • Hitokirihoshi on September 13, 2011 at 5:49 pm

      oo nga sayang ang punta roon eh, kung yung mga lampin lang ang bibilhin ko.

  3. apollo on September 13, 2011 at 7:35 pm

    sarap mamili sa divisoria. yan ang isa sa taunang ginagawa namin para panregalo sa mga kamag-anak at mga inaanak. isa pa ay masarap kumain dun sa ihawan sa dulo ng tutuban. yum! too bad, hindi ako makakarating jan ngayong pasko. huhu…

    • Hitokirihoshi on September 14, 2011 at 10:16 am

      korek nakakatamad lang pumunta dyan at nakakapagod pagkatapos pero habang nandoon ka, ang sarap mag-ubos ng pera. hehehe

      feeling mo kasi malayo ang mararating ng pera mo kaysa ibang lugar. panalo sa mapagpipilian para walang katapusan na pamilihan.

  4. Banjo on September 14, 2011 at 5:48 am

    Napakaganda ng mensahe ng post na ito. :)

    gudluck po sa inyo..

    magandang araw

    • Hitokirihoshi on September 14, 2011 at 10:18 am

      salamat sa iyo banjo sa iyong pagbisita at nakatutuwang komento. hehehe

      mabuhay!

  5. bagotilyo on September 15, 2011 at 8:45 pm

    ganun plaang pinaikling divisoria?

    parang di bagay o talgang hindi lang ako sanay.. lolz.

    pangarap kong mamili din jan sa soria pangregalo sa pasko.hehe

    Good luck sa iyong SBA entry na ito.

    • Hitokirihoshi on September 16, 2011 at 11:06 am

      salamat sa iyo Bagotilyo! salamat sa iyong pagbisita at pagbati para sa aking entry. actually di pa ito official kasi hindi pa ako nakakapagpasa ng requirements.

      oo marami na rin ibang tawag sa divisoria bukod sa soria… isipin mo na lang pag tamad na tamad ang nagsasabi nyan. soriang-soria na! hehehe

      sa iba ang tawag ay Divine or Divi

  6. elpidio on September 15, 2011 at 10:49 pm

    Kilala sa boung Pilipinas ata ang divisoria sa mga murang bibilhin. Dito nga sa amin pag divisoria ang pagbibilhan mo, tama ka kailangan marami kang budget pag magpunta ka dyan dahil sa dami ng mga bilihin na mura. Matagal na akong nakapunta dyan siguro marami ng pagbabago.

    • Hitokirihoshi on September 16, 2011 at 11:20 am

      hmmm sa ilang pagkakataon ko po na pagpunta rito ay halos wala naman pong pagbabago sa sistema, sa dami ng tao at kalakaran. ang masasabi ko lang pagbabago ay dumadami ang mga buildings sa paligid at may mga area na masasabing tiange para sa mga mayayaman. yung 168 dun ako lagi nakakita ng mga artista.

  7. Tim on September 19, 2011 at 5:49 pm

    Grabe, ang aga naman ng Christmas shopping mo!

    • Hitokirihoshi on September 21, 2011 at 11:12 am

      oo nga e, pati nga ako nagulat din e. imagine!?

  8. raft3r on September 29, 2011 at 7:08 pm

    ano pala binili mo para sakin?
    =P

    • Hitokirihoshi on September 30, 2011 at 12:22 pm

      mountain bike na may basket sa harapan na may face mo at ni Marian Rivera. kaso nakalimutan ko sa isang bilihan don. hindi ko na binalikan. hehehe

  9. doon po sa amin on October 2, 2011 at 11:04 am

    hello, hoshi….

    talaga lang, may hangin din ni amihang tinda sa divi? naman…

    gusto ko ang paga-enumerate ng mga pambatang palabas sa telebisyon, ahaha. parang ang dami mong napanood…

    aye, walang matanda pagdating sa laruan. noong late 20s na ako, nagpabili pa ako ng stuff toys sa dalawang ate ko (sa hiwalay na pagkakataon). binilhan naman nila ako, hindi naman sila nagtanong o kaya ay nagsabing “mas matangkad ka pa sa amin, sa tanda mo nang ‘yan, mag-i-stuff toy ka pa?” alam rin nilang may kapatid silang kakaiba, ahehe…

    ikaw na ang maalalahaning tita. na-kiss ka naman ng mga pamangking binilhan ng laruan? ahaha… :)

  10. Hitokirihoshi on October 2, 2011 at 7:36 pm

    korek walang matanda sa laruan kahit ano pa ang kinalalagyan mo. at least dun mo napatunayan na naiintindihan ka ng mga ate. hehehe
    they know you well hahahaha!

    mabuhay sa mahihilig sa laruan!

  11. Jube on October 27, 2011 at 4:16 pm

    sana nagpabili ako ng murang salawal at twalya! Maligayang Pasko Santa Mentor Hoshi! ;) More power sa iyong entry.

  12. Hoshilandia in 2011 | aspectos de hitokiriHOSHI on January 2, 2012 at 10:10 am

    [...] rin ako sa Saranggola Blog Awards (sa dalawang category actually) at sa blog contest ni diarynigracia. Hindi man ako pinalad, hindi [...]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Translation form - Translate your comment!