Since 2008, I’m doing Visita Iglesia. Dati ang curiosity lang ang rason ko, yong ma-experience lang ba at maiba naman ang takbo ng Holy Week ko. Hindi tambay, hindi nagmo-movie marathon o kumakain ng halo-halo. Have Faith In Divine Providence!
Inexplicably a solemn journey
Even if you are with your barkada, Visita Iglesia is not as convenient as malling. Define sweatiness sa likod at pagmumukha, ang hirap makahanap ng masasakyan at ang magugulo pa rin kahit nagdadasal. Pero kahit ganoon you’ll have this motivation na maging patient and go on lang.
Appreciating Divinely Gifts
By visiting churches especially old ones, parang ang hirap na hindi ka mapa-WOW. Biurin mo during 15 century may ganito nang nagawang magandang architecture. Saang hardware nakuha ang mga materyales, paano nila nagawa ang construction, sino ang malupit na nag-design nito, and why it’s so strong despite the bagyo and sunugan ever noon? Ganoon effect talaga! And to think hindi lamang naiiwan sa appreciation sa pagkakagawa kundi sa talento ng mga nakaisip at patuloy na nanganagalaga ng mga ganoon. More than sa tourism aspect ( in fact marami sa mga simbahan na magaganda ay hindi sikat) nandoon ‘yung pangangalaga out of faith
Harmonizes
Well, we can’t say na after ng Holy Week dalisay na ang mga kaibuturan ng ating mga puso. Isa yung ultimate prayer. Pero yung ganitong klaseng pagtitika ay nagdadala sa iyo ng naiibang pananaw. Mas namumulat ka sa paniniwala’t tradisyon, sa makabagong pamamaraan, at sa maaari mong magawa para sa iyong pananampalataya. Hindi naman sa nababawasan o nagiging magic na bigla you are sin free pero you’ll forget everything at isa lang matitira, ang manalangin ka dahil may Dios ka.
Faith is also like current or electricity, kailangan i-plug mo ang iyong sarili sa Outlet para dumaloy ang spiritual power N’ya.
Have a Meaningful Holy Week! and advance Happy Easter!
Pingback: to Experience Mӧvenpick Hotel Mactan Island Cebu | aspectos de hitokiriHOSHI
Naalala ko pa, unang bisita ko sa blog mo ay patungkol sa bisita iglesya mo last year. At eto, may bisita iglesya post ka na uli. Astig! 🙂 Advanced na Happy Easter sa yo Madam Hoshi. 🙂
oo nga nabasa ko ulit yung comment mo dun. sawi ako ngayon hindi ako nakapag-Visita Iglesia gaya nung mga nakaraan.
pero salamat dahil dito, isa ka sa mga regular visitor ko. Visita Hoshilandia ang peg. hehehe
Mabuhay and Happy Easter.
hahaha, oo nga. di rin ako naka-Visita Iglesia ngayon. Last year dun sa Bulacan, first time ko yun. this time, hindi kami nakasama kasi may work ako. kaya tama, Visita Hoshilandia muna ako. 🙂
“Saang hardware nakuha ang mga materyales, paano nila nagawa ang construction, sino ang malupit na nag-design nito, and why it’s so strong despite the bagyo and sunugan ever noon?”
Ito rin ang tanong ko pag nakakakita ako ng napakagarang old church. 🙂
Sabi daw, tuwing may gyera nitong medyo makabagong panahon, ang utos ay sirain ang lahat pwera ang mga simbahan, dahil sa kanilang architectural significance, kaya magandang taguan ito noon ng mga parokyano. Tingin ko kahit papaano napaka cool na utos yun. 🙂
ay ang cool-cool nga na utos na yan. at least may respetuhan pa rin ha.
ako interesado rin ako na magbisita sa mga Mosque. Noong Arts Month may ganyang project ang NCCA hindi nga lang ako nakapunta sa exhibit nila.
Faith ay part na ating buhay depende sa tao kung paano nya ito ipagbubuti.
korek pag wala nito at hindi pinagbubuti, wala na! purnada ang postibong energy.