Tourism is not only about magnificent mountain, cave, sea, buildings, and food. It is also about interesting history, people, culture and arts. Salamat nabibiyayaan ang mga Pinoy ng kagalingan sa pagsasayaw. Ito ang nagpapaindayog sa matagal nang makulay nating kultura. FYI, this year’s Dance Xchange will go to Puerto Princesa Palawan.
From April 11 to 14 ay maghahatid nga ng umaatikabong sayawan ang Dance Xchange: The Philippine International Dance Workshop and Festival ng National Commission for Culture and the Arts–National Committee on Dance (NCCA-NCD), na pinangungunahan ni Ms. Shirley Halili-Cruz sa Puerto Princesa Palawan.
Kung may trip ka sa Palawan sa mga petsa na ito or if you are planning pa lang go go go sa pag-get ng ticket na pasok sa ganoong date. Ang tema nila “Cultural Connectivity Through Dance” na true enough para i-explain ang mga pangyayaring magaganap sa aktibidad na ito. Dito kasi ay magkakaroon ng pagpapalabas ng mga sayaw ng iba’t ibang basa, palitan ng nalalaman sa sayawan, at kuro-kuro para lalo pang mahalina ang lahat na ang sayaw ay hindi lang pagpadyak ng paa, pagkembot ng bewang, at pagwawagayway ng kamay.
Ilan sa mga inaasahan na makiki-join sa dance Xchange ay mga dance enthusiasts from Japan, Hong Kong, South Africa, South Korea, Spain, England, Indonesia, Singapore, Thailand, Malaysia, Brunei Darussalam, Taiwan and Vietnam. Ang kapistahan na ito ay gaganapin sa Puerto Princesa Coliseum.
Exciting as dancing, inaanyayahan din ng komisyon ang mga guro, choreographers, at iba pang ganado sa pagpapalaganap ng sayaw at kultura na maki-join sa event na ito. Para sa ibang detalye ng malaganap na sayawan na ito bisitahin lang ang www.ncca.gov.ph.
Note: Dire-diretso na ang aking pagpapahayag ng impormasyon at suporta sa Dance Xchange. Bakit? Basahin na lang ang mga old blog posts ko:
[hana-code-insert name=’Palawan Travel Book’ /]
Pingback: So You Can Dance? Maki-Yugyugan Para sa Kultura ng Bayan!
a very informative and interesting post, thanks. ay sayang, third quarter of the year pa ako naka-book to palawan. sana, may mapulot me na pera para makapanood ng dance fest this april, hahaha. hi, hoshi… 🙂
hi sa saliw!
salamat sa iyong umiindak na comment! ako rin sana makapunta pero kung hindi man at least maipangalat sa iba ang masining na impormasyon na ito. mabuhay!