Carlo Aquino: Pure Acting


Bata pa lang ay nararamdaman ko na ang lalim ng acting ng former child star and award-winning actor na si Carlo Aquino. Hindi siya yung puro hype kundi pure acting na kapag tinutukan mo ng spotlight kikinang. Kaya nga isa rin ako sa nanghinayang na nag-lie low s’ya sa showbiz. Reluctant matinee idol but real actor.

One of the best child actors

Puwedeng hindi ko siya pansin noon sa Ang TV pa s’ya. Sino nga ba bang crush ko doon?  Pero nag-360 revolution yon nung napanood ko ang isa sa fave local film ko ang Bata-Bata Paano Ka Ginawa. Siguro maganda na talaga ang istorya noon na gawa ni Lualhati Bautista at pinagbibidahan pa ni Vilma Santos at puwedeng may mas sikat pa sa kanya na young actor that time pero hindi mo iisipin ang ibang factor dun sa eksena na nagsagutan sila ni Vilma

https://www.youtube.com/watch?v=RpuK4c3L7gY

Hindi lang siya isang bata na nagsaulo ng script doon, nasagot n’ya ng buong-buo ang acting ni Vilma o lagpas pa doon.

May mga naging magaganda pa rin naman s’yang pelikula  gaya ng pinagsamahan nila ng isa pa sanang sikat na si Patrick Garcia (movie) pero wala akong pera noon para manood ng sine kaya hanggang trailer lang ang drama ko.

Teen Star: No Awkward  stage

Para sa akin hindi dumaan si Carlo sa sinasabi nilang awkward stage na nahihirapan na mag-transition ang isang child star. At nung time nila hindi pa uso ang tweenstar. Basta naintindihan na lang ng lahat na binata na siya at  may ibubuga sa acting at may iba pang alam. Hindi nga ba’t nagkaroon pa sila noong trio nila Stephanie Mori (kung nasa Italy man siya) at John Prats . Yung mga makasayaw at makakanta period ng JCS hehehe. Wag ka sinundan pa yan ng trio nila John Lloyd Cruz,  Baron Geisler at  Mark Solis. Ang Koolits!

Sa hanay nila sa G-Mik, mas maka-Camille Prats  ako noon kaya wala lang sa akin ang love team nila ni Angelica Panganiban. Ako na mahilig kay Princess Sarah mula sa cartoon hanggang sa live action. Kaya naman mas kinilig ako sa Camille at Miko Samson (kung saan man siya ngayon toinks) …hindi raw ako maka-Stefano. Pero masaya ako na malaman na for  real and reel ang relationship nila ni Angelica.

Patalastas

Subalit sa stage na ito parang lumamlam yung acting projects na bagay sa kanya. Puro pa-cute o hindi ko lang maalala yung mga batikan na pelikula niya. I think ang tumabon sa mga kagaya niya ay ang pagpasok ng mga actor na guwapo, may acting talent din at higit sa lahat may hunk – enter Jericho Rosales at Piolo Pascual.

Character actor

Isa si Carlo sa suki sa maalalaala mo kaya MMK, ilang episode na ba noon ang naging bida o part siya. Pero ang tumanim sa utak ko ay yung naging magkapatid sila ni Jhong Hilario at nagkahiwalay sila ng matagal (mga 2 hours chuz). Pero maliban dun at sa ilang mga independent films ay tila bibihira na lang s’ya magpakita na regular. Nadyan pa rin naman siya siyempre pero nagpalipat-lipat na sya ng istasyon. Ang naalala kong TV project niya sa GMA 7 ay yung kasama pa niya sina Valerie Concepcion, Sheryl Cruz at Wendell Ramos, kung tama ako ay Sinenovela present: Sinasamba Kita.

Sa totoo nahi-hurt ako kapag ginagawa s’yang second lead tapos yung bida bukod sa hindi pa naman ganoon ka sikat ay wala pang ka-acting-acting. Pero ganoon ang mainstream e , nakadepende sa kung sino ang bago at sikat, given na yun kahit may magprotesta pa. eh ang Carlo pa naman ay mukhang deadma lang sa labanang showbiz o pasikatan. Basta ang gusto niya ay makakaarte sya at makakakanta.

Carlo the Singer?

Oo.  Magaling maggitara si Carlo at nagkaroon siya ng banda ang Kollide na siya ang lead guitarist at vocalist. Nung nagkausap kami ang sabi n’ya 9 years old pa lang s’ya ay tinuruan na s’ya ng brother niyang maggitara. Siya rin ang kompositor sa kanilang album at mas nakikita n’ya raw ang  kanyang sarili kapag nagsusulat.

Simple at tahimik sa personal si Carlo pero hindi naman yung tipong snob at hindi marunong kumibo. Sabi ng isang kaibigan ko na nakapunta sa bahay nila ay maasikaso raw ito at yun nga, walang ere sa katawan sadyang tahimik lang talaga.

Balik Kapamilya

Tanong natuwa ba ako sa pagbabalik Kapamilya n’ya?  Slight. Ang masaya kasi sa akin ay sana mabigyan s’ya ulit ng acting projects na magpapakilala sa kanyang acting . Hindi  maitambal o pa-tweetums. I believe na magagaling na actor sila Jericho , Piolo, Dennis Trillo, Coco Martin, John Lloyd Cruz at may iba pa (hindi ko lang matandaan) Pero kanya-kanya pa rin sila ng bagay na  role. Pero kung bibibigyan mo sila ng pangit na projects hindi rin sila titingkad e. Medyo nagma-mature na rin ang audience, hindi lahat sure ball.

I’m not really a fan of Carlo pero I believe magaling siyang actor. I hope tuloy-tuloy na ito para sa kanya. More power.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

14 thoughts on “Carlo Aquino: Pure Acting