Mother and Child by Napoleon Abueva
Honestly, I’m not a sweet person and I consider myself bato-bato pero I guess sakto na rin lang ang word na thoughtful kasi nakakapag-isip naman ako. hehehe! So ngayon, I’m thinking about a special gift that I can give to my Nanay this Mother’s Day.
Here are the factors…
I’m natural Kuripot/thrifty – Pero alam mo ba nakakagastos din ang ganito? Dahil alam ko na alam nila na kuripot ako maghahanap naman ako ng mahal konti. Tapos pag nakabili na ako,may makikita naman ako na same ang itsura at quality pero less ang price. Asar lang!
I like odd things – Mabuti ito for friends na simple at cowboy lang sa pagtanggap ng gift pero for mothers na usually ay meticulous hindi puwede yung pa-cute at basta may mabili lang. Siempre gusto mo yung ginagamit nila ‘di ba at ‘di yung maipapasa rin lang nila sa anak nila. Oo gusto ko yung nireregalo ko ginagamit talaga.
I go for functional than fashionable – oh well first and foremost, I’m not chic. And I think even may mga mothers na mahilig sa beautiful ornaments and expensive accessories, mayroon talagang ang gusto lang ay magagamit sa kanilang pangangailangan.
So ito ang mga naisip kong gifts for nanay and baka puwede rin sa iyong Mother, Inay, Mama, Mamita or Mom
Orchids/ plants – I support Flower shops naman pero I can’t stand na iilang araw lang na ma-appreciate ni Manang Juling ang bulaklak. Kaya mabuti na yung ipaso na at maaalagaan niya. Tutal mahilig naman siyang magdilig ng santan. hehehe!
Tool Kit/ Organizational box – Mabutingting ang mga mothers and siempre maganda na may mapaglalagyan sila na particular na bagay. Yung mapaglalagyan ng pang gardening n’ya, pang -sewing, pang- documents or kung ano-ano pa. Puwede ring pang medicine lalo na kung nagmi-maintenance na.
my art & crafts kit
Dinner Date– Actually normal na ata ito at medyo magastos depende sa resto pero talagang trip talaga nila.
Relaxing Package – Kung may Entertainment and Kitchen Showcase, ako may ganito na ginagawa. Madalas nilalagay ko pa sa box ng pabango ang aking regalong pain killer (favorite namin ang Omega) para panloko, and then mayroon din Salompas, bulak, lotion, powder, and other things na maiisip ko na magagamit niya bago matulog.
Nemiranda’s painting
Parlor Galore – Of course mahilig at kung hindi man gusto pa rin natin na maging gorgeous ang ating maderaka. So why not, giving hair blower, facial cream, lotion, make up, hair brush or comb, and the famous curlers.
Purse – Sa lahat ng naibigay ko kay Nanay ang feeling ko nasulit nya talaga ay yung ibinigay kong wallet na brown na parang maliit na bag. Ginagamit niya pamalengke, pang-shopping at pambato chuz.
Cooking-ware or shopping kit – Sila na ang laman ng kusina at ng merkado. Hmm parang naisip ko na bigyan sya ng pinaglalagyan ng bag para mahila-hila lang, wheel bag or carry cart ba ang tawag dun?
Mother’s Day Cake – Ito palasak din pero one of the undisputed cool gifts for mothers.
Ikaw ano ang gift mo sa iyong mother and bakit yan ang napili mo?
Advance Happy Mother’s Day sa lahat ng mothers!
Ako, I can onlly think of one line of gift items for my mother for any occasion: lahat ng may kinalaman sa pagluluto at sa kusina, swak sa banga ng nanay ko hehehe.
patok na patok talaga ano?! makapagtinda na nga ng kaldero, kawali at sandok. hehehe
mabuhay and happy mother’s day sa mama mo!