Eugene Torre: 1st Chess Grandmaster in Asia


Bata pa lang ako ay mulat na ako na ang chess ay larong pang may brain o at least magaling sa taktika. Bawat move may purpose kung hindi man connected. At maaaring masaulo mo ang bawat advantage and limit ng bawat piyesa pero ang maging magaling dito ay medyo mahaba-habang upuan sa bangko. What more pa kaya kung maging  Chess Grandmaster ka pa, like Eugene Torre?

a Board Game of Patience

Kumakain kami noon sa Pan de Amerikana sa Marikina nang may event pala doon na kung saan guest si Chess Grandmaster Eugene Torre. Hindi man ako bihasa sa larong chess at kilala ko lang s’ya halos sa pangalan at sa karangalan na kanyang natamo, hindi ko pinalagpas ang pagkakataon na magpakuha ng picture sa kanya at maka-chika ( lakasan  na ng loob bakit ba?). That time ay mayor pa Si Mrs. Fernando at nagsusulong sila ng Chess curriculum.

Giant Chess Board at Pan-de Amerikana, Marikina

Giant Chess Board at Pan-de Amerikana, Marikina

Approachable naman si Sir Eugene at tila mas active siya noon sa ganoong klase ng programa. Hindi ko man nakita ang mga old photos niya nung prime n’ya pero matikas pa rin ang kanyang pangangatawan at sharp pa rin ang kanyang mga pananaw. Parang naglalaro na nga ako ng chess sa dami nang nasagap kong advice mula sa kanya na puwede namang i-apply sa buhay-buhay in general.

Tinanong ko s’ya kung ano ang maipapayo niya sa mga gustong maging kagaya niya.  Sabi niya discipline and patience, ‘yung training hindi lang kung kapag nakasalang ka lang sa laro. Dapat  nakakondisyon din ang health mo na lalayo ka sa mga bisyo at ilang beses na pagpa- practice. Hello utak kaya ang gagamitin mo rito, kaya tama s’ya  “Always try your best!”eugene-torre-by-hitokirihoshi

In love with the Game

Hindi ko makakalimutan yung sagot niya  sa tanong ko kailan niya na-realize na “wow this is my game” na good thing ay na-record ko pa nang buong-buo.

Bata pa ako, as early as the time na natuto ako ( magbasa o sumulat). Noong six years old  ako  parang na-enjoy ko na iyong challenge na involved sa chess. Iyong mga objective doon, iyong mga galaw ng piyesa, at iyong eventually iyong ultimate aim – to check mate the king parang na-enjoy ko. Iyong mga regulations na bawal ang mga illegal moves, iyong mga ganon ba at saka iyong mga piyesa cute e. (Laughs).

Windang kaya ako nung sinabi n’ya ‘yung cute, hehehe feeling ko kasi super seryoso s’ya sa buhay. hehehe!

How to be a Chess Grandmaster ?

Aminado si Sir Eugene na mahirap na laro ang chess lalo na’t popular at matindi ang competition dito. Pero gaya ng sabi niya, kapag mahal mo ang ginagawa mo hindi mo na rin mapapansin ang hirap.  Tingin ko rin ‘pag ganoon hindi mo na rin papansinin kung sino kalaban mo o kung anong lahi niya. Go go go lang sa pagtumba sa mga mga piyesa lalo na ‘yang mahaderang Queen, epal na rookie at   saliwang Bishop.

Patalastas

Noong nagka-campaign ako, maraming mga problema, at maraming mga challenges. Hindi ko na napapansin kasi enjoy ako at mahal ko ang chess. I think iyon ang very important.- Eugene Torre

Ang chess talaga ang gusto ko na maging sports dati ewan bat napunta ako sa movie marathon. Pero kailangan mabalikan ko na talaa ‘yang chess na yan at pati na ang magic bangko sa tindahan.

Mabuhay sa mga Filipino chess players!!!

giant-chess-pieces-and-board-at-pan-de-amerikana-marikina-photo-by-hitokirihoshi

 



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

4 thoughts on “Eugene Torre: 1st Chess Grandmaster in Asia

  • Takrawboy

    Magresearch ka pa tungkol sa genre ng chess dahil sa larong iyan ngayon boring na dahil minememorize mo na lang ang mga variations or sets of moves(tempo). Hindi mo na nagagamit ang ibang thinking skills like Logic, Abstract, Intuition, Critical, Visualization and Outside the Box thinking. Maraming klase ang related sa larong iyan at natapat ka pa sa
    komplikado na laro. Tanong ko ngayon sayo “pampatalas ba ng isip ang larong chess”? Explain mo sakin, isang puzzle ang question ko sayo. Ako marami na akong napatunayan sa mga larong iyan or sabihin ko na complicated game na yan, nagiging “mahiyain ka” na makasalamuha ang iba. Ako hindi dahil simple lang naman ang rules and mechanics ng natutuklasan kong mga boardgames and puzzles pero mataas sa “complexity” kapag nagtuos ang dahil magkabilang players. Ginagamitan ko rin ng “Psychology” ang games ko kaya exciting ulit-ulitin na laruin.

    • Hitokirihoshi Post author

      salamat sa iyong tips Takrawboy. sige search ko yan. gusto ko rin sabihin na dama ko ang passion mo base pa lang sa comment mo hehehe.

      mabuhay sa iyong chess games.

  • Rogie

    nahilig din ako sa chess noon. nung bata ako kami ng bro ko ang lagi naglalaro. naging mas magaling pa siya sa kin at naging player ng school namin. pero masarap talaga ang chess. masuerte ka at nakadaupang palad at nakachikahan mo pa ang ating malupet na grandmaster. at ngayon ang umaariba naman ay si Wesley So na super GM na 🙂