A Wonderful Time with Vic Sotto, Ryzza Mae & Bibeth


Vic Sotto and Ryzza Mae DizonI watch Vic Sotto ever since I learned  to watch television and  through the years nakuha niya ang respect ko bilang TV and movie personality.  He has sense of humor, full of wisdom and my command ‘yong mga statement  n’ya na pakikinggan  mo talaga.  That’s why I’m also excited  to be  part of Bloggger’s  Night  of  My Little Bossings, a  film  which he top billed  with child super  star  Ryzza Mae Dizon, James “Bimby” Yap and  Kris Aquino.

A Night with Bossing , Ryzza  Mae and  Bibeth  Orteza

Good thing, I’m not so far from Annabel’s Restaurant in Tomas Morato, Quezon City and bonus na rin that Ms. Bibeth  Orteza joined the conference.  Why?  I admire ang mga magagaling and versatile scriptwriters like her besides sa  isa  rin siya sa  mga award-winning.

Vic Sotto, Ryzza Mae Dizon and Bibeth OrtezaAbout kay Ryzza – before November 2013 hindi ako nakakapanood ng TV so kilala ko na siya  pero  ‘yong uupuan ko to watch how good she’s medyo  lately lang nangyayari. Napapahanga n’ya na ako pero mas nag-level up ‘yon sa conference kasi kitang-kita ko without script and director puma-punch lines at may rapport siya  kina Bossing at Ms. Bibeth.

Kaya naman aside sa pag-aim ko na magpa-autograph kay Ryza na request ng  pamangkin ko ( I failed her), makapagpa-picture with bossing  ay hindi ko na rin  pinalagpas ang chance to ask them. Na-tense din ang beauty ko na  mahahalata sa mga ko kuha kong video na super shaky na wala pa sa focus .

Hoshi asks 3 Wonderful Questions

Dahil hindi  successful ang aking mga kuha video,  edited version na lang ang mapapanood n’yo sa  Hitokirihoshi’s channel ( Youtube). The good news ay heto naman ang  transcript ng aking moment to ask Ms. Bibeth, Ryzza Mae and  Bossing Vic Sotto

Hoshi: Gaano kahirap ( mahirap bang) umawa ng script  na pambata at comedy?

Bibeth: Kung kilala mo naman ang mga artista na ilalabas, alam mo kung paano sila magsalita, kung paano sila mag-react to any given scene  hindi  gaanong mahirap. Yung sitwasyon and iisipin mo kung babagay ba sila, realistic ba sila sa ganitong scene o sa ganitong milieu? Then sa detail ng story- lalagyan mo ng plot at kung paano tumakbo. It was a joyride thing kasi sinusulat mo pa lang alam mo kung maibibigay nung mga artista yung mga demands ng mga eksena.

Patalastas

 Hoshi: Ryza, para sa iyo  ano ang Little Bossing

Here’s  her nakakatuwang answer

Ryzza Mae: Thank you for that very wonderful question. Iyon yung sabi sa akin ni Ms. Gloria (Diaz ) kanina pang-Miss Universe. (siguro   may kinalaman sa guesting nito sa The Ryzza Mae  Show)

 

Hoshi: Ano ang tingin n’yong special sa kanya at love na love s’ya ng mga tao?

Vic: Thank you for that wonderful question!

Working with kids is always a wonderful experience. Because I see to it na ang trabaho namin is not really trabaho. Kailangan talaga may kasamang laro… It’s work and play at the same time. Ayan natutuhan ko yan kay Aiza (Seguerra) when we were doing Okay Ka Fairy Ko.  We did it for 10 years  with two films… Then 10 taon sa television, three channels. Doon ko natutuhan na kapag bata ang katrabaho mo kailangan kalaro mo rin sya. In this movie dalawa ang kalaro ko, isang madaldal at isang rough. Si Bimby medyo may pagka-rough.

Ito kasi masarap kausap ( si Ryzza) iyong mga idea niya very simple and very raw. Same with Bimby noong una medyo mahiyain. Hindi ko naman masyado pinagkakausap kasi yung role namin ay nag-start na talagang aloof kami. Hindi mutual ang feeling naming sa isa’t isa  so hinayaan ko na di kami nag-uusap. But halfway through ng production or filming naging close na rin kami nandoon na yung rough play, mga wrestling, biruan, pag walang take and even during take. Masaya so working with kids, especially talented kids like Ryzza and Bimby, and Aiza before  eh gumagaan ang trabaho kasi may kasamang laro e.

Hoshi: Thank you po bossing

 Bibeth: Saka may I add to that kasi… Nakita ko talaga how Vic has evolve through the years…Ngayon ginagawa naming yung Vampire ang Daddy ko together.

“He gives additional  instruction pa kay Ryzza… Iyong talagang naka-ayuda s’ya, full support talaga ang ibinibigay ni Vic sa kanyang mga child stars. That’s why they are very comfortable with him paglabas dun sa eksena. Nararamdaman nila yung asikaso sa kanila.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

3 thoughts on “A Wonderful Time with Vic Sotto, Ryzza Mae & Bibeth