Visual arts, wood carving, Kapampangan language and Filipinos’ tradition – Dukit provide all of these. This full length regional film sa New Wave category sa MMFF deserves applause especially sa finale. The whole story is not complicated- you’ll need to watch it till the last scene para ma-appreciate ang art and life ni Waldo o Willy Layug.
Pure talent or angst of an artist?
Ito ang madalas ang inaalam ko sa isang artist kasi para sa akin ito ang interesanteng part. Sa kaso ni Waldo, ang pagiging womanizer ng tatay n’ya nag-evolve ang struggle niya sa buhay. Something common nowadays pero in reality pahirap sa buhay ng bawat miyembro ng pamilya. Dukit clearly pointed it out the effects of this problem (broken family) sa mga anak till they even have their own families.
Good thing na nga lang sa kabuhayan at art areana, na-divert ni Waldo ang kanyang struggle. Pero siempre iba pa rin yong naso-solve ito for peace of mind and harmony.
Smooth screen play and for all artists
May time na akyat-baba at akyat-baba ang pagbabalik-tanaw sa past ni Waldo. Puwedeng noong bata pa s’ya , nung nag-asawa, nung pinutulan s’ya ng hair tatay n’ya, nung nabwiset yung asawa niya sa kangkong na ulam nila at sa paglibing nila sa ina n’ya. I’m sorry sa other filmmakers pero smooth ang lahat sa movie na ‘to. Hindi ako nawala at napagtatagpi ko yung istorya hanggang sa present n’ya . Naisip ko nga siguro kung ilalagay ang istorya ni Waldo sa Maalaala Mo Kaya, title nito ay Kangkong (Swamp Cabbage).
Bagay din naman sa personality Waldo as an artist or sculptor because he can survive and bloom kahit saan with his art. Pinatunayan din ng kanyang istorya na may pera sa wood carving, dito pa nga n’ya naiangat ang buhay ng kanyang mag-ina at mga kapatid- mag-isa.
By the way, one of the reasons why I’m interested to watch this film is it’s being Kapampangan or regional film. Yan ang added factor ng film na telling us that it’s a high time to give way sa ating kababayan, to learn their dialect, their visions, creativity and tradition. Marami rin naman sa atin ang sanay sa subtitles at in fact may iba na like na like ang mga Korean, Japanese, Spanish, French and iba pang foreign films na hindi naka-dub sa English so ito pa kaya?
Hopefully rin sa mga susunod ay makapanood din ako iba pang regional films sa Metro Manila Film Festival.
Shaky but clear visuals
Hindi ko lang alam kong mahina na ang mata ko o ‘di lang ako sanay sa ganitong treatment sa independent film pero aaminin ko ito ang ayaw ko sa Dukit. Nahilo ako sa ilang eksena na sinusundan sa paglalakad then shaky ang shots tapos may pagso-zoom na nagbi-blurred. Nanood naman ako ng Cinemalaya at kung mayroon man kuha sa handheld camera ‘di ko naman gaanong ininda yung mga shaky shots.
I think ito rin ang nag-set dito na oo nga “independent film ito” pero sayang eh. Medyo na-suppress ng mga nakakahilong shots yung ayos ng takbo ng good factors sa film like yung love story, acting, fiesta, wood carving, mensahe sa tabi ng magba-balut at iba pa.
Pero sa kabuan (and minus the above problem) I congratulate the actors, director Armando “Bing” Lao, and crew ng Dukit. Dapat lang na makapasok kayo sa MMFF at kahit ano pang film festival.
- Dukit is co-produce by internationally-acclaimed director Brillante Mendoza and Center Stage Production
- Features the acting of Bor Ocampo, Raquel Villavicencio, Mark Grisworld, Thea Lelay, Bambalito Lacap, Rhea Lim, Grace Martinez and Presidential Merit Awardee for Ecclesiastical Art Willy Layug
- street dancing in Curaldal
- Betis Gallery, Guagua Pampanga
Note: Thanks Axl Guinto and Center Stage Productions for inviting me sa Premier Night Screening ng Dukit sa Glorieta 4.