Reading Philippine National Hero Jose Rizal‘s novels ( Noli Me Tangere & El Filebusterismo) and background story, made us wonder how fascinating Escolta during his time. But of course, this street is not a Diagon alley or fiction, it’s our true heritage that we should revive. Make it our legacy to our grandchildren, join #selfiEscolta: The Manila Street Heritage Festival on Saturday, July 5 from 9am to 10pm.
Escolta is also known as the Queen of Manila
Ang misyon ng masaya at makulay na kapistahan na ito, na inorganisa ng The Escolta Revival Movement, ay magbigay ng kamalayan sa lahat upang mapalakas at maitaguyod pa ang lokal na turismo. Bahagi ng event ay ang special guided tours na kung saan ipapasyal ang mga participants sa iba’t ibang makasaysayang lugar sa paligid nito.
Siyempre pa, kasama na sa paglalakbay at pistang Pinoy ang pagkain, sining at pagtatanghal. Kaya isipin mo na lang na naglilibot ka sa food market, bibili ng masarap na pagkain at saka manonood ng mga de-kalibreng Filipino music artists gaya nina Gary Granada, Tres Marias (Cookie Chua, Bayang Barrios, at Lolita Carbon), Plagpul, Ukulele Philippines Ensemble, Sanghabi, One Hit Combo, Estribo, Persephone, at marami pang iba.
Turn on our New Revolutionary Power!
Sa pamamagitan ng panulat at lathalain, ang mga kabataan noong panahon ni Rizal ay nakagawa ng kasaysayan. Ngayon ang ating makabagong pluma at papel ay ang ating mga social media sites (Facebook, Twitter, Pinterest, Youtube, at ipa ba) para muling gumawa ng ingay, panawagan at pagbabago. Maaaring magpatuloy ang adhikain para sa Escolta sa simpleng pagbabahagi ng larawan at videos na may official hashtag na #selfiEscolta.
Para sa iba pang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan kay Romel Leal Santiago ( +639159214334) o Clara Buenconsejo (+639175134961). Puwede ring magpadala ng e-mail sa exploreescolta@gmail.com at sa Facebook advocacy page www.facebook.com/EscoltaOfficial.
[hana-code-insert name=’Manila Travel Book’ /]