Bago ako makarating sa Saint Pio Chapel (Libis, Quezon City near Citybank and the back of a gasoline station) ay may ilang kwento na akong naririnig mula sa aking mga kaibigan. Mahimala daw dito at napaka-solemn.
Sa tagal ng panahon ay nito lamang taon ako nagkaroon ng time na personal nang ma-experience ang simbahan. Tama na solemn ang loob ng simbahan at nakakahiya na gumawa ng komosyon. Mayroon ng mga nakahandang babasahin dito para sa mga gustong magbasa ng dasal para kay Padre Pio.
Sa dalawang beses na pagpunta ko ay dalawang beses ko ring naabutan ang mga nagno-novena sa isang bahagi ng simbahan. SIguro nga ay ganoon na nga doon araw-araw kapag walang misa.
Rosaries and Candles
Sa labas at gilid ng kapilya ay makikita ang mga rosaryo ( rosaries) na nakasabit. For me, ang isang magandang bahagi compound ng Chapel ay iyong daan patungo sa sindihan ng mga kandila. Kung tutuusin ay napaka-normal lang naman yun pero naging napaka-espesyal dahil sa mga rosaries dito na hindi lamang nagsisilbing dekorasyon kundi paalala ng mga taong nanalangin sa lugar.
Pagkapasok gate na ito, mapapansin naman ang silid ng mga pulang kandila (candles). Ito na siguro ang pinakamaayos at pinakamalinis na sindihan ng kandila na nakita. May guide na rin para sa nagdarasal at wala namang box na nagsasabi kong magkano ang kandila.
Sa kabilang silid naman, makikita ang adoration chapel ( kung hindi ako nagkakamali). Hindi ko pa ito napapasok pero mula sa labas ay makikita naman ang linis, saktong liwanag at lugar para sa mga nagdarasal. Konting lakad mula rito ay ang open air area para sa mga nais sumulat ng petition or requests.
Gaya ng sa Monasterio de Santa Clara (Katipunan, Quezon City) ay nakakahalina at hndi nakakahiya na sumulat ng mga kahilingan dito – may kinalaman man sa love life, trabaho, pamilya, sakit, negosyo at iba pa. By the way, sa St. Pio nagpupunta ang aking kaibigan at ang kanyang inang may cancer na bumubuti na ang lagay.
Bukod sa mga nabanggit ko ay may iba pang lugar sa compound ng simbahan na malawak at tahimik.
St. Pio of Pietrelcina
Aaminin ko, hindi ko lubos na kilala si Padre Pio. Sa aking paglibot at pagbabasa, siya ay isang Italyanng Pare na isinilang noong 1887 at ang tunang n’yang pangalan ay Francesco Forgione. Siya ang first stigmatized priest sa kasaysayan ng Simbahang Katoliko, bunsod na rin ng paglitaw makahulugang sugat (Lord’s Passion) sa kanyang katawan. Hunyo 16, 2002 nang maideklara syang Santo ni Pope John Paul II.
[hana-code-insert name=’Manila Travel Book’ /]