The Way I Look at Christian Bautista


Christian Bautista is one of the good examples of someone na hindi man naging grand champion sa isang contest ay winner pa rin ang career. Kaya ang pagiging loser sa isang contest/ chapter ay hindi end of the road. Laban lang Koyah at Atih!  Through the years, pinatunayan niya na ang stint niya sa Star in a Million ay simula lamang ng kanyang thriving singing career sa Pinas o sa Southeast Asia. Pero sa lahat ng kanyang accomplishments, I’m amaze in how his music captured my Nanay’s pickyheart.

Christian Bautista
Nang na-meet ko si Christian for the second time

Star In A Million

Three times ko nang nakita si Christian at kung ‘di ako nagkakamali sa Robinsons Galleria noong 2007 iyong huli. Payat pa s’ya noon at medyo long hair ibang -iba ngayon na pang modelo na talaga ang kanyang katawan. But I will not forget, yung second time- yung nakausap ko siya mismo at makapagpa-pirma ng CD para sa Nanay ko.

Personally, I like his songs The Way You Look At Me, Color Everywhere, and Hands to Heaven. Gusto ko rin ang version niya ng So It’s You, Constant Change at I Could Not Ask for More. Ayokong i-compare siya kay Michael Buble, kasi though may hawig yung music nila definitely may sariling qualities ang boses niya. But for me like Sitti NavarroAiza Seguerra, Richard Poon and Noel Cabangon—hindi mo man masasabi na versatile singer or performer si Christian, pero when you like ballad and standard siya ang hahanapin mo.

Actor—hmmm, Stage Performer, Yes!

Na-excite ako nung napanood ko s’ya sa PanAsia TV series na – Kitchen Musical  na kung saan kasama niya si Karylle and Stephen Rahman Hughes.  That musical restaurant drama ay noong 2011 pa ipnalabas pero parang sarap panoorin pa rin ( hello high school musical , and Nine nga inuulit-ulit ko e). Ka proud din na Pinoy ang mga bida sa series na ito must see sa akin.

Actually isa ako sa hindi sanay na makita s’ya as an TV actor kaya hindi ko na rin napanood yung With A Smile niya with Andrea Torres and Mikael Daez  Well, unlike kasi sa Kitchen Musical kumakanta siya at I know may background siya sa Theater. Bukod dito napanood ko na siya noon sa Kampanerang Kuba (with Anne Curtis),  hindi ko nagustuhan,hehehe. Mas affected pa ako sa real kilig moments nila ng ex girlfriend niyang si Rachelle Anne Go. hehehe

Para sa akin  between acting and hosting, mas bagay sa kanya ang hosting – live man or taped.

Asia’s Pop Superstar

Isa ako sa natutuwa kapag may isang Pinoy na nakilala sa ibang bansa lalo pagdating sa talent.  Bago pa man nakilala sina Juris, Aiza at Sabrina (Asia’s Acoustic Sweetheart) ay mayroon munang Christian Bautista na kung hindi tinatawag na Asia’s Pop Idol o Superstar. It just name kung wala lang, pero sa kanyang mga nagawang projects sa Malaysia, Indonesia at Singapore at tagumpay ng mga ‘yon he’s really a star. 

Patalastas

May time na narinig ko si Jamie Rivera o Piolo Pascual  na kung hindi ako nagkakamali ay nakita nila mismong ang album ni Christian sa isang record bar na nasa hilera ng top seller sa ibang bansa.

Hopefully, umalis man siya sa dati niyang recording studio and TV network ay mag-shine pa ang kanyang career because talented naman talaga siya ( hindi na rin kasi ako nakakapanood ng TV).  And I hope ang singer na ito from Cavite can do more original hit songs – like The Way You Look At Me.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

One thought on “The Way I Look at Christian Bautista