I acknowledge that The Amazing Praybeyt Benjamin, starring Vice Ganda, is the leading film among Metro Manila Film Festival entries and it aims to entertain the audience, but…
After kong mapanood yung movie na-miss ko ang comedy ni Eugene Domingo at naalala ko iyong standing ovation namin sa film niyang Ang Babae Sa Septic Tank . Bakit? Siguro yun iyong isa sa intelihenteng komedya na napanood ko. Hindi ko naman sinasabi na hindi magaling si Vice, hindi naman siguro tatabo sa takilya ang movie n’ya kung hindi siya effective. Pero overall the movie for me wasn’t impressive, tawa ka na lang talaga para masulit ang iyong pera.
The Unkabogable versus The Amazing Praybeyt Banjamin
Gusto ko ang first installment ng Praybeyt Benjamin especially that time bago si Vice sa moviegoers at may dating ang message ng film- na porke’t bakla, hindi na puwedeng maging bayani? At saka malaman pa yung conflict ng story like paano mo ipo-prove sa crush at superior mo iyung totoong intention mo at ang good mentality ng pamilya ni Vice lalong-lalo na ng Tatay niya na unang ginampanan ni Jimmy Santos ( ngayon si Al Tantay). Follow mo kung saan ka masaya at magaling, hindi sa tradisyon ng pamilya nila na kailangan puro sundalo.
Dito sa sequel iba yung tema, na hindi lang appealing for me. Para kasing sabaw yung plot ( the usual comedy story) at alam mong napanood mo na yung ganung eksena, nang so many times sa ibang pelikula, at nagkataon lang na si Vice Ganda ang bida.
Dried Zombies : Okay dinaan nila sa mga online games yung ibang eksena just to prove something. Hindi ako nakapaglaro ng Plants versus Zombies so sige yung iba tumatawa na, ako tulala pa. Hindi ko na makuha yung sense, hindi ko rin matanggap na ganun lang yung prosthetic sa mga zombies. Parang kulang sa ketchup, sauce o kung anumang dagdag pang sahog sa mukha nila. Unang-una yun ang opening scene at pangalawa, importante sa plot ng story ( kung bakit umabot sa point na naging Yaya si Vice). But honestly my suggestion ay dapat hanap si Direk Wenn De Ramas ng chance to level up yung make up and props, mahilig pa man din siya sa fantasy and comedy. Remember Marina versus Mulawin? Kampanerang Kuba versus Encantadia? Isa sa edge bat talo ang mga programa ay hindi sa acting, kundi sa effects, props, costumes at prosthetic.
Sidekicks vs New Characters – Hindi lang sa importansya ng role kundi pati na rin sa exposure. Hindi ko maalala kung ilang linya lang ang binanggit nina Kean Cipriano, Vandolph, at DJ Durano. Si Nikki Valdez buti na lang nakadami at talagang sidekick ni Vice ang peg. Let’s say siguro hindi na kakayanin ng exposure dahil kasama na sina Bimby Aquino-Yap, Richard Yap, at Alex Gonzaga sa movie. Pero honestly,iisipin mo sana hindi na lang sina Vandolph, Kean at DJ ang sidekicks para deadma ka na lang. Saka yung mga artistang yan, may angas naman sa acting. sayang!
Loopholes – Actually ‘pag comedy, dapat ibaba mo yung expectation mo sa linis ng flow ng story kasi nga mas bibigyang way ang ad lib. Ang hindi ko lang makuha ang point ay huwag pakainin ang mga bisita kahit kamag-anak at ginagabi na. Ang isang mas nakakatawa pero nakakatuwang atake ng similar scene na naalala ko rito ay yung sa John and Marsha the movie. Iyong hindi pinapakain sina Dolphy at Nida Blanca dahil sa mababa ang ibinigay nilang pakimkim sa kanilang inaanak. Ganda ng bawi ni Dolphy doon at totoo naman talaga yun sa mga binyagan. Eh ito? Mahintay lang ang pag-uwi ng anak, sasayangin mo yung catering at gugutumin mo ang iyong mga bisita?
OA and UA – ayoko naman i-let down yung mga artista rito kasi dahil sa maraming factors pero may mga Overacting dito at Underacting — at hindi si Vice at Bimby yun.
The Amazing parts in Praybeyt
- Agree ako na pumayag si Vice na mag-Yaya dahil sa isang guapong sundalo ( kung sino mang yang modelo or artistang yon). Papa talaga.
- Acceptable talaga ( in Kris Aquino’s voice tone) ang points ni Bimby bat ayaw n’yang sabihin ang secret nila ni Krissy. cute din ni Bimby nung nag-ala Sarah siya.
- kahit mas gusto ko si Jimmy, nai-deliver ni Al Tantay yung emote ng amang nagtampo, nagmamahal at gustong magpasaya.
- Lakas talaga ng loob ni Vice sa kanyang mga outfit especially sa last duel niya with Jan Jaranjan (sic) played by Tom Rodriguez.
- Hanep lang yung pati Pangulo, inaartehan pa ni Benjamin
Related Videos:
The Amazing Praybeyt Benjamin
Ang Babae sa Septic Tank