So You Can Dance? Maki-Yugyugan Para sa Kultura ng Bayan!


NCCA Panelists

Head of National Committee on Dance  Josefina Guillen

Most of Filipinos are born dancers. With dancing we can express our sentiments about the music of our lives.  In coming International Dance Day and  National Dance WeekNational Commission on Culture and the Arts (NCCA) with special participation of Prima Ballerina Lisa Macuja – Elizalde will stage  Yugyugan para sa Kultura ng Bayan.  So if you can dance ( or kahit galaw-galaw lang) and your Pinoy ( or Pusong Pinoy) common  let’s groove Filipino Ako, Filipino Tayo at 4pm on April 29, 2015.

Ayon kay National Committee on Dance Head Josefina Guillen sa media conference para sa Yugyugan sa NCCA office lobby noong April 20, magkakaroon ng sabayang sayawan sa iba’t ibang panig ng bansa.   Ilan sa nabanggit na venue ay ang  Pampanga (Angeles), Cebu City, Cagayan  de Oro City,  Iloilo City,  Manila  at iba pa.  Ang event ay lalahukan ng sari-saring dancers (including dance companies, troupes, and choreographers) para ipagsigawan iandak ang makabayan at makabagbag-damdaming awitin na Filipino Ako, Filipino Tayo sa Abril  29.   Maganda ito, dahil ayon sa NCCA ay ang NCD ang nag-choreograph ng two to three movements  ng sayaw para sa may 100 participated dancers.

Samantala, nakisanib-puwersa rin si Ballet Manila artistic director Lisa Macuja- Elizalde sa NCD para magbigay tingkad pa sa kaganapan na ito.  Kasama ang Prima Ballerina sa BM-NCCA International Dance Festival sa April 29 na gaganapin naman sa Aliw Theater.  Ang nabanggit na press conference ay pinangunahan ng Ballet Manila, ka-partner ang Manila Broadcasting Company.

If you can dance, artist na kaagad?

lisa macuja elizalde axl

Prima Ballerina Lisa Macuja -Elizalde (photo by Axl Guinto)

Dahil ang inyong Hoshi ay born dancer (kuning lang), naitanong ko sa sikat na ballerina kung puwede bang basta magsayaw na lamang at hindi dibdibin ang kanyang isinasayaw.  Naitanong ko ito sa kadahilanang may mga dancers na dahil sa maalam sumayaw o sikat na artista (TV o movie) ay tila hindi na isinasapuso ang essence ng isang sayaw.   Bilang manonood,  ayoko sa isang sumasayaw ( lalo  na ang ilang artista sa mga variety show) na parang hindi nag-practice.  Hindi ito usapan  kung sino matigas  at malambot ang katawan, kundi ang pagsisikap na mapabuti ang dance number.

“S’yempre importante na maging makabuluhan iyong ginagawa mong sayaw sa iyo bago mo maaaring ipahiwatig sa audience ang kabuluhan ng sayaw mo,” saad ni  Ma’am Macuja-Elizalde. “Kailangang unawain mo, halimbawa kung Odette/ Odile sa Swan Lake ang sinasayaw mo dapat alam mo ang kuwento. ‘Alam ko dapat ang karakter ko.'”

“The more you know about the character, about the choreography, and about the music– as a dancer iyong  [mga] kaalaman na ito it comes out in your performance. It becomes clearer not just to you as an artist but to audience as well.”

Samantala nagbigay din ng opinyon tungkol dito si Ma’am Josefina Guillen at para sa kanya dapat ang pagsasayaw ay may rason. Mayroon din kasi na basta  nakakapagsayaw ay nagpapalagay  na puwede na itong masabing artist.

“Malaki at mahalagang tanong ‘yan.  Sa mga tradisyunal na sayaw natin, iba-iba iyan. We have very diverse tradition in dance,” sabi ng NCD head. “Bawat sayaw ay may dahilan, may pinanggagalingan so if you’re going to trace the life cycle of the Filipinos – every single cycle…may sayaw pero may dahilan kung  bakit sinasayaw.

Patalastas

“Dance is movement. It’s an expression so therefore may ini-express ka na something whether it’s a feeling, whether it something in your mind [or] whether it’s a protest or anything…

Dagdag pa ni Ma’am Guillen  na ang pagsasayaw  ay mayroon  mga technique at hindi lahat ng makita natin na sayaw ay puwede na sabihin na pang-artist level. Samantala, kasama rin sa media conference ay ang pagtalakay sa Taoid Heritage Program  at Bayaning Bayan Project na may kinalaman sa painting contest.

Tara na sa April 29 sa Aliw Theater, maki-Yugyugan na para sa Kultura.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

One thought on “So You Can Dance? Maki-Yugyugan Para sa Kultura ng Bayan!