Essay Tungkol sa Kagandahan: What’s Bully, Self-Deprecation?


unknown_national museum

isang painting sa National Museum

Sa mundo na maraming magkakatulad  ang  uso ay pumares sa  kagandahan ng mga sikat? Pero paano kung hindi mo talaga kaya dahil sa pera at pagkakataon?  Oo hindi nga naman masama ang  tumulad sa mga nakaka-inspire na tao  lalo na’t kung sa pakiramdam mo ay ito ay para sa ikaka-angat ng iyong kumpiyansa. Subalit paano na lang kung ikaw ay talagang maitim, nanaisiin mo bang maging mestiza? Eh teka, iyon ba talaga ang pamantayan ng kagandahan?

Naniwala ako na  dilat naman ang mga Pinoy sa realidad ng buhay. May mahirap, may mayaman, at may sinuwerte at api. Pero bakit tila nabubuhay sa pantasya ang marami na ang ganda at tagumpay ay base sa nakagisnang estado at makalumang prinsipyo…ng IBA at MAYORYA? Hindi ba’t masasabing  yaman (asset) ang pagiging  natatangi (unique) na  kahit sino at ano ka pa ay tunay kang aangat  sa karamihan?

Okay lang  i-bully ang may Kakulangan?  

Casa Boix old wall ruinBakit pinagtatawanan ang pisikal  na kapansanan o kakulangan at kahit  pa yung nagsisikap lang naman  maging presentable ang itsura? Masama na ba ngayon ang maging pangit, dukha at disabled? Hindi ba’t ang dapat na pinupuna ay iyong mga gumagawa ng katiwalian,  kabalustugan at  kriminalidad o kaya ay may magaspang na pag-uugali?

Nitong mga nakaraang buwan ay nagkaroon ako ng teorya na ibinase ko sa luma at sirang taxi sa harapan namin. Araw-araw ay halos makakasita ka ng mga taong papalo at maninira sa taksi na iyon. Bakit paglalaruan ang bagay na hindi naman laruan at hindi iyo? Bakit sa dinami-dami ng sasakyan na nakaparada sa labas na ang iba ay maayos at   bago ay hindi nila pinagdidiskitahan? Dahil sira at luma na, o naiiba. Maihahambing ko ito sa mga online bashers na kahit hindi naman nila kilala nangg husto at dahil may makita lang silang hindi maganda ay kung anu –ano na kaagad ang komento. Talagang walang puwedeng magkamali? O di sige bawal, alam ba talaga nila ang puno’t dulo ng sitwasyon? O sadyang bully? Teka bakit nga ba may mga bully?

Sa  artikulo ni  Dr. Gail Gross,  a Human Behavior, Parenting, and Education Expert, Speaker,  sa Huffington Post ay may  5 factors bakit nagiging bully ang isang bata.  Ang mga ito ay kapag ang bata ay  naging ‘The Powerless Child,’ ‘The Forgotten Child,’ at ‘The Entitled Child.’ Gayon din iyong  ‘Children Who Lack Empathy’ at ‘Like Parent, Like Child.’

‘Children model what they see. If a child is bullied by his/her parent, or is being abused or treated in a disrespectful way at home, that child is likely to imitate this behavior at school. They are learning from their parent that this type of behavior is acceptable,” tsika ni Dr. Gross  tungkol sa  ‘Like Parent, Like Child.’

Saklap lang na para maintindihan mo kung bakit ka sinasaktan ay dahil sila ay may pinagdaanan din. It takes a lot of courage to accept what actually hurting you.  Paano pa naman kaya yung facts na yun is forever haunting them not because they want to, but because of the people around them? Paano kung hindi lang ito  usapang kulang sa height, weight, puti at ganda kundi dahil pilay, bulag, bingot, bingi at may kung anong deformity sa itsura n’ya?

Patalastas

Defy self-deprecating, popular choice

Boracay Nightlife

shine bright like a diamond daw sabi ni Rihanna

 Sa totoo lang it took me several years to accept my natural curly hair, tan complexion, and petite height.  I was even called Ita (Aeta) when I was a kid, but then tinanggap ko na lang kahit nasasaktan din ako. Ano naman kasi pamantayan ng kagandahan para ikumpara ka sa mga Ita? Eh what  if ang totoong ethnic race ko ay Ita o Ifugao nga, ano naman?  Ganun lang kasimple, my race will make me not pretty ?

I guess, nag-i-start din ang inner confidence and lumalabas ang inner beauty ng tao kapag naging comfortable s’ya sa sarili niya. Sa tamang self-esteem at mindset,  you have glowing aura at yun ang totoong seksi at ma-appeal!

IMHO, ang talaga nakakapangit sa tao ay yung kanegahan n’ya sa katawan at pag-uugali. Kung guapo ka at wala kang nobya tapos  yung kakilala mong pangit at di naman mayaman, Ay! May something nga sa kanya at sa iyo.  Hindi nga rin mas  malakas ang tama sa ‘ego’ kung bakit ang guapo-guapo at ganda ganda mo pero walang nangyayari sa buhay mo.

Siempre nakakagaan din sa loob to see Filipinas who emerge as natural beauty queens. I like yung mga big sizes ladies who are fashionable and confident (Kai Cortez and Bituin Escalante), ganun din yung mga sumikat because they’re just being natural.  In fact, mas mapapansin mo yung total package nila not because  at first you see them beautiful physically pero dahil sa kagandahan ng kanilang personality  at  sa husay nilang dalhin ang kanilang sarili.  Few of the personalities  I like because of  awesome beauties are here  at saka sina Bianca Gonzalez,  Kim Chiu,  Kylie Padilla,  Jang Nara, at (ang latest) si  Maymay Entrata.  



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.