10 Twitter Rules of Bianca Gonzalez 16


Lately, mas mahilig na ako mag-Twitter kaysa mag-Facebook. Ang dali lang din kasi  mag-access  nito sa phone ko na not so latest at  mas madali na makipag-communicate. Sa 140 characters, active ka na sa social media. Saka marami akong followers dun  na strangers/foreigners.

Pero  like sa ibang social media  sites  kailangan din na aralin ang perks  and  limitations nito. Characters  pa lang dapat alam mo ng  i-maximize. Noong una, hindi ko masakyan ang ganda ng Twitter pero eventually  after thorough mediation (chuz)  ay na-pick up din ng not so narrow at not so wide na kokote ko ang ganda ng Twitter.  Heto na nga’t panay na ang gamit ko at nakakilala ng iba’t ibang tao na hindi lamang pang-blogging kundi sa arts, business, personal finance, entertainment  at kung anu-anong anik pa.


In Social Good Summit in Manila, isa sa nagbigay ng cool at informative tool ang  TV Host at active Twitter user  na si Bianca Gonzalez.  Medyo fan  ako niya  hindi lang sa hosting kundi sa image n’ya. Hindi mayabang , simpleng porma, intelihente at may kumpiyansa.  Iilan lang ang morena  na  proud  sa kulay nila and I admire  them. Ang mga sumusunod ay ang payo nya kasama na sinundan ko naman ng aking comment:

1.       Post online what you can say in real life.

Sabi niya may iba na kung makapag-post eh terrible ang mga words na  akala mo naman kaya nila sabihin face to face.  Siguro magagawa mo makakuha ng followers  at makapagbigay ng impression sa iba na ganito ka  pero eventually  lalabas din ang  totoong ikaw. Be true and be decent!

2.       On Bashers: Ignore them or Just Be  Nice.

Isa rin sa nakatikim ng trip ng isang basher si Bianca. Kesyo bad daw ang ugali niya at may pasabog na laban sa kanya  pero sa bandang huli umamin din  ‘yon na tini-test n’ya lang ang patience  ni Bianca.  Actually, ang biktima nito ay mga celebrities. Pero para sa akin, malalaman mo ang glimpse  ng kanilang personality  depende  sa kanilang reaction sa kanilang mga bashers.

3.   It won’t hurt to Retweet.

Isang powerful tool ang Twitter to disseminate information and  once you get one – que news or inspirational tweet from  your  followers or pina-follow, retweet na ! Parang equivalent ang saya nito sa comment na natatanggap mo  sa blog. Saya-saya ko kaya nung i-retweet ni Noel Cabangon ang isang tweet ko na ni-retweet ko lang din. Iyan ay bukod pa sa direct message sa akin ni Bianca mismo.

4.       Be sure  to credit what you retweet

Sa word na “credit” lalo na kung may kinalaman ito sa intellectual  property right or copyright. I think ang isang taong may delicadeza at pagpapahalaga sa sining at paghihirap ng gawa ng iba ay automatic na magbabanggit ng source  ng kanyang retweet, share at content.  At kapag makalimutan at magkamali, puwede namang mag-sorry.

5.       Be careful  before retweeting

This is true at talagang mag-ingat tayo. Ang daling makakuha ng wrong information at mai-tweet ito.  Hindi lamang ito nakakaapekto sa iyong image sa Twitter kundi  maaaring makasama sa ibang  nagbabasa  sa iyong mga  Tweet. So careful-careful!

6.       Make  friends  but also do not trust blindly

Ang pag-iingat talaga ay hindi natatapos sa real life kundi virtually rin. After all kahit dumadaan sa machine at programs ang mga kabagayan sa social media , tao pa rin ang gumamit nito. At ikaw ay kagaya kong tao- marupok, may kahinaan at nadadarang din. Hohoho!

7.       Be constructive and not destructive

Gaya nga sinabi ni Bianca puwede ka namang mag-comment na against pero dapat mag-stick ka sa issue at hindi  sa ibang bagay.  Kapag may ginawa ang isang tao na mali, punahin mo siya sa  pagkakamali niya hindi dahil sa physical n’yang anyo.

8.       When big News breaks, Be Sensitive

Ang mahirap sa Twitter, para kang nagbo-broadcast sa sambayanan sa kada tweet mo. Naiitindihan natin na may kanya-kanya tayong sitwasyon pero siguro with or without calamity. Hindi kailangan ng ibang tao ang masyado at palaging yabang ng bawat isa especially kung irrelevant.

9.       Keep vanity in moderation

bianca gonzalez twitter rulesNakakatuwa at nakakatawa ‘yong example ni Bianca about sa item na ito kasi totoo naman.  Naiintindihan ko na may mga tao especially girls na mahilig mag-picture  ng sarili nila  pero sa totoo lang hindi ko masakyan ang gawing ‘yan. Biruin mo  pagbukas mo ng wall mo, puro picture ng isang tao na puro close up ng mukha niya lang.

10.   Live in the present

Alam n’yo nakakatuwa na  easy na maka-access sa internet at sa mga social media.  Pero  gaya nga ng sabi ni Bianca may buhay pa rin tayo offline.  Super agree!

my twitter page is https://twitter.com/hitokirihoshi

follow na!

 Here’s the video of Bianca’s talk 

here’s the article of Rappler’s about her


About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Online Publisher, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Technopreneur, frugal Traveler, Cinephile since birth, natural Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial, and Multipotentialite or Yuccie?


Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

16 thoughts on “10 Twitter Rules of Bianca Gonzalez