Bakit Ka Nagnenegosyo? Essay ng Kahalagahan ng Pagbi-business

This week, I had a long chat with my niece Sheyne and one of the many topics we talked about ay bakit ako nagnenegosyo, Naitanong n’ya kung bakit ko ba naisipan na nag-business kasi  malayo sa pinag-aralan ko and iba ko pang nakahiligan.  Since she’s asking out of curiosity, kaya lumabas din ang aking spontaneity.  Nasabi ko rin yung mga ideas, belief at yung self- analysis  ko na doon ko lang din na-discover tungkol sa bakit nga ba ako nagnenegosyo.

I had a post entitled Confession of a Small Time Pinay Entrepreneur  na kung saan nagbigay ako ng ilang details. May nasabi at naisip pa akong iba dahil sa conversation namin ni Sheyne at ito ang laman ng post ko ngayon.

If you’re an employee, you earn while you’re employed

Work from Home -Home office Naalala ko there was time na even yung mga big companies ay nag-shut down especially in the Philippines – remember yung change of direction ng NewsWeekIntel Philippines at global financial crisis.   Ilang years after noon ay muntik ding ma-dissolve ang division namin sa company. So hindi man ganun kabigat pa yung intensity ko sa pagnenegosyo,  namulat ako na hindi puwedeng nakadepende ka lang sa kikitain mo  sa pagtatrabaho ( lalo na kung isa lang work mo).

Hindi naman sa nega kundi reality check lang… kung iisipin may pera ka dahil sinasahuran ka. May chance na ma-office politics o magkaroon ng tanggalan sa trabaho na in a snap basta i-go ng management o big boss wala ka ng trabaho. That means wala kang sweldo so wala kang source of income, at ang worst noon ay kapag wala ka pang ipon. Kung sa ibang anggulo natin titingnan – ang tadhana  ng isang empleyado ay para bang nakasalalay din sa kanyang amo. I don’t mean na all bosses are bad or being employed is not a good idea… I  just want to give you a point na  don’t rely sa employment to sustain your  finances/ expenses. And one idea to cover and improve my  personal finance ay nagnenegosyo ako kahit simple o maliit lang muna.

 What’s the most important for you- time or money? 

Blogpalooza Loop Ai Social Network PersonalityHinding-hindi ko talaga makakalimutan yung first time na nabasa ko ang  ‘Time is your asset.’  Initially ( or  siguro being part of millennial generation)  agree na agree ako sa sinabi ng writer dun. Ang idea dito ay take risks while you’re young kasi ano nga ba ang tindi ng enerhiya at guts mo kung matanda ka na.

Pero ngayon ang isang realization ko ay yung thought na “you’re being in control” in the endless possibilities na magagawa mo.  Nasa sa iyo kung anong oras ka gigising at isasara ang shop mo o kung pagyayamanin mo ang opportunity na mayroon ka. Honestly,  magulo pa ang utak ko  where to focus, and malayo pa ako sa  ideal na kita. However compare dati, hindi na ako masyadong kabado pagdating sa finances kasi naranasan ko rin o namin yung walang-wala talaga.

For me din time has more value than money. Nasabi ko sa aking post  ‘5 Perks You Ought To Know About Telecommuting‘ na malaking bagay sa akin ang mawala sa sirkulasyon ng traffic.  Because kung susumahin sa 4 – 8 hours na ginigugol ko sa viaje pa lang papasok at pauwi sa trabaho ay malaking bagay na pala iyon sa work-life balance ko.  Mas less stress, more time to learn, more chance to socialize and do other stuff.

Naranasan ko na sumweldo nang malaki, na siguro konti na lang afford ko na bumili ng sasakyan o makapaghulog na pambili ng bahay.  Pero bakit nanaig sa akin yung mga factors na may moments na bakit nami-miss ko na ang “sarili ko.” In fact hindi ako expressive or sweet person pero nararamdaman ko na nami-miss ko na rin family ko.  Siguro personality na rin na  gusto ko kumita ng pera, kaya lang ayoko mabuhay para sa pera. Gusto ko pa rin ma-try at ma-enjoy ang bagay-bagay sa buhay na ito at magagawa ko iyon kung may oras ako, at hindi lang pera. Sa business magagawa mo pang maka-bonding o makatulong sa family mo.  Baka nga mas kikita ka pa ng mas malaki kung hawak mo oras mo di ba?

Your Future is Actually Happening Now

 

The Mind Musuem's Atom Gallery

The Mind Musuem’s Atom Gallery

Isa sa naipayo ko kay Sheyne na nakuha ko rin sa mga seminars na napuntahan ko ‘think or behave like an entrepreneur not only as an employee.’ Dapat hindi lang pagiging empleyado ang aim after na matapos mo ang pag-aaral mo. Kasi  traditionally,  ang mentality ng employment dito sa Pinas ay nakaka-concentrate ang mga tao sa kilalang companies.  Kung passion mo yung pinag-aaralan mo, mapu-frustrate ka na lang kung hindi matupad-tupad ito dahil nahihirapan kang matanggap sa work.   I-flex natin konti yun… ito ang hinalimbawa ko kay Sheyne since Psychology ang kinukuha niya.  Apart sa siguro pagwo-work sa hospital, clinic at  school dapat ay maging open din siya na puwedeng siya mismo ang magkaroon ng sariling clinic, magkaroon ng TV or radio show na may kinalaman sa Psychology.  You can do  that if you master your skills,  aim to become expert, or excellent negotiator/ businessman.

At the end of the day, when you finish your entire employment years ( or after 20-30 years) what will you do ba? Marami ang next step  ay negosyo di ba?  So why not build it now kung kailan may resources, energy at more chances ka.

Ikaw bakit ka nagnenegosyo o nagbabalak magnegosyo?


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.