Bakit Debt at Emergency Fund Muna Bago mag-Investment?


Ilan sa favorite terms ko ay  calculated risk at work smarter, ngayon pati proactive and result-oriented na rin.  Feeling ko rin mas mabisa ang result-oriented kaysa goal-oriented ka lang hehehe.   Pumasok sa kokote ko ang terms na ito lalo na’t napagtanto ko ng isa pang business lesson na nakuha ko sa ibang tao ay ideally create your Emergency Fund at Pay Your Off Debt muna Bago Mag-invest o Magnegosyo.

Dahil peg ko ang mag-low profile sa mga kabagayan, minsan parang naba-vibrate ko na may nagtataas ng kilay sa akin. Naiintindihan ko naman na Hindi talaga maiaalis na yung pagtingin sa iyo ng  iba ay base  na rin sa pananamit, ikinikilos at mga katagang sinasabi mo. Maniwala ka may iba rin talaga na gustong-gustong niyayabangan sila para humanga sa isang tao. Pero meron din naman kailangan mo lang paliwanagan para maintindihan ka.  Sa dalawang klaseng yan, hindi  magandang pagtyagaan ang mga taong payabangan at pagko-compare lang ang  mithiin sa usapan.  Ano ang point na kailangan mong “idepensa” ang ano mang ginagawa mo, kung wala rin naman sa kanila at wala ka ring maa-achieve sa usapan?  Masarap mag-share at  magkwentuhan, oo naman!

Ano ang kinalaman ng mahaba-habang intro ko kasama na ang mga terms sa sagot sa title? Ito ang aking Kuro…

  1. Don’t be impulsive in investing because of yabang o criticism. Hindi ako bato para hindi masaktan kapag may nagsasabi na “ba’t ka nagtatyaga d’yan  kung puwede ka namang blah-blah? Pero  I strongly believe na kung sino man ang dapat sumagot o mag-isip na dapat kang mag-quit ay ikaw din.  Kung kilalang-kilala mo ang iyong kahinaan, kalakasan, at kakayahan ay more or less  you know the best move- #WorkSmartbible-verse-for-career-and-business-by-hitokirihoshi
    1. when is the right time,
    2. when you’re willing to take risk,
    3. at higit sa lahat ay alam mo kung ano ang tunay na magpapasaya sa iyo.

 

  1. Investing your Emergency Fund or all your savings is a big gamble- Okay may mga tao na magaling sa investing, pero sila alam din nila na hindi lahat ay perfect! Masyadong sugal kung maglalabas ka ng malaking pera ng wala kang back up plan o solidong other source of income. Oo ang pagbi-business ay magpapa-alwal ng buhay natin (sobrang naniniwala ako d’yan) pero hinay-hinay lang din. Dapat isipin ng mga nagnenegosyo at magnenegosyo na may phasing-  kailangan pagtyagaan, pag-ukulan ng panahon at oo, pera. Kaya IMHO, hindi masama ang mag-invest sa maliliit na negosyo muna hanggang sa makaipon o panuporta muna.  #Calculated Risk

 

  1. Prioritize your present, start building your future, and get inspirations from your past. Okay ang paghandaan ang future. Naman!  Sarap maka-good vibes ng mangarap na may sarili kang rest house sa Palawan or Boracay (tree house trip ko), then may tsekot, studio (bet ko na may  recording and dance studio) o kaya business. Huwag tayong magsawang mangarap pero dapat magsikap din tayo sa kasalukuyan at ‘di limutin ang ating pinagmulan.

 

Boracay Crystal Cove underground cave

Boracay Crystal Cove underground cave

Kung tutuusin ay pwede namang  mag-shortcut – future agad. Pero ang mahirap dun ay kapag may inaasikaso ka pa sa present- let’s say utang.  Ang utang ay utang na kapag hindi inaaasikaso ay nakakasira ng relasyon,  credit record, at nakaka-stress.   Kung ang magsyo-syota nga na walang closure ay hindi makapag-move on, yun pa kayang umutang at nagpautang.  Isa pa kung susumahin ay mas mataas ang credit card debt interest (1.9% to 3.5% per month) kaysa  bank interest rate  (1.5 max% per year).  Ano bang ginagawa natin pag may emergency? Uutang! Eh bakit pag may pera, ayaw magbayad o kaya uutang pa? Walang  makakakapagsabi  kung kailan may emergency pero baka puwede kang maging handa #Proactive

  1. It’s not what they think, it’s who you are and your investments in life. Teka bakit mahalaga rin ang nakalipas? Sa akin, tuwing naalala ko na ipinanganak ako sa sasakyan, at the age of 8 wala na akong daddy,  naghihiram ako ng damit, basta may bagoong isda ay masaya na, nag-alaga kami ng baboy para pang-aral, at may nangmamaganda sa dati ay nang – #$@& kailangan kong magsikap Dong & Day para sa ekonomiya! At proud ako na galing ako sa hirap, kasi kung hindi dahil doon baka hindi rin ako naging milyonarya… sa pakikisama, pag-appreciate sa blessings, pasasalamat sa suporta, at pagkakaroon ng pag-asa yeah Know! Hehehe! #ResultOriented

 



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

4 thoughts on “Bakit Debt at Emergency Fund Muna Bago mag-Investment?