Blogapalooza 2015, organized by When In Manila with the help of their partners such as FoodPanda, Bambu, Sosro Fruit Tea, was an event for bloggers and businesses. it was held at 1 esplanade in pasay City on October 25. Here’s the follow up of my post – What’s Up with Blogapalooza 2015 Part 1
Into Business and Finance? Kung oo, cool! Kung hindi naman ay pag-isipan mo na. Kung ako ang tatanungin kasi kung mayroon kang dapat na pagkaabalahan na matsa-challenge ka ay ito na ang pagnenegosyo. Sa Blogpalooza, maraming masasagap na ideas gaya sa Chemsworld Fragrance na hindi lamang nagbebenta ng pabango kundi nagtuturo rin kung paano gumawa nito para makapagkakitaan. Samantala, dahil mahalaga rin naman ang packaging and branding ay maganda na makipag-partner sa gaya ng Eagle‘s Wings Enterprise– they have graphic and design services na puwede rin sa parties and events.
Don’t Forget to Play – Isa sa memorable na tao na nagpaalala sa akin na huwag kong tatangalin ang pagiging batang isip ko ay si Chin-Chin Gutierrez, yes the artist and environmentalist. That time kasi pa-shy type/ joke ang hirit ko sa kanya na magpa-picture. Pero tama siya, yung inner child natin ang nagbibigay ng maraming dahilan kung bakit ang saya-saya making ng musika, maglaro na parang ewan at humalakhak ng walang puknat sa iba’t ibang bagay. In connection sa event, gustong-gusto ko yong drawing sa board sa Diff, charade ng FoodPanda, free pakanta ng Grand Videoke, Breakout Philippines, padlock game of Victoria Court, Paypayan game ng Snipe, and pa-photobooth with music artists ng JB Music.
Ito share ko lang din … I met Ebe Dancel (and Gabby Alipe of Urbandub) before sa sa Element Music Camp. When it comes to his artistry ang taas ng tingin ko kay Ebe. Pero siguro dahil bata pa ako nun ang nangingibabaw yung impression ko and focus sa ibang artists na mas trip ko. Sa Photobooth ng JB Music – nagkaroon ako ng chance to post with him then may props na guitars. It’s meaningful for me because I am frustrated guitarist then ang kasama ko pa ay magaling na musikero na dati hindi ko masyado pinapansin when in fact naghuhumiyaw yung talent. Basta it something that touched and inspired me. Well I hope I can be a songwriter ( wish pa lang).
Something New. Sa isang summit na napuntahan ko, napag-usapan ang iba’t ibang klase ng consumers. Isa na roon ay yung mga loyal at yung unpredictable. Surprisingly mas malaki ang rate ng mga unpredictable than doon sa mga paulit-ulit na nag-a-avail ng products. Bakit ko sinasabi ito? Encouragement sa startups, new players, and even consumers. so Ano pa ang mga bago sa paningin ko sa Blogapalooza – Luwak White Koffie, Nano Gen ( Alkaline Water Convertor), at Regrow ( Hair Care System/ Thickening Shampoo).
Hindi ko na napuntahan ang booth pero nasa event din ang Ginhawa Spa and Dining, Gaming Library, Chips Delight, Emporio, at John Robert Powers.