What’s Up with Blogapalooza 2015 Part 2


Blogapalooza 2015, organized by When In Manila with the help of their partners  such as FoodPanda, Bambu, Sosro Fruit Tea, was an event for bloggers and businesses. it was held at 1 esplanade in pasay City on October 25. Here’s the   follow up of my post  – What’s Up with Blogapalooza 2015 Part 1

 

Into Business and Finance?  Kung oo, cool! Kung hindi naman ay pag-isipan mo na. Kung ako ang tatanungin kasi kung mayroon kang dapat na pagkaabalahan na matsa-challenge ka ay  ito na ang pagnenegosyo. Sa Blogpalooza, maraming masasagap na ideas  gaya sa Chemsworld  Fragrance na hindi  lamang nagbebenta ng pabango  kundi nagtuturo rin kung paano gumawa nito para makapagkakitaan. Samantala, dahil mahalaga rin naman ang packaging and branding ay maganda  na makipag-partner sa gaya ng Eagle‘s Wings Enterprise–  they have graphic and design services na puwede rin sa parties and events.

Eagle's Wings Enterprise

Eagle’s Wings Enterprise

Don’t Forget to Play –   Isa sa memorable na tao  na nagpaalala sa akin na huwag kong tatangalin ang pagiging batang isip ko ay si Chin-Chin Gutierrez, yes the artist and environmentalist.  That time kasi pa-shy type/ joke ang hirit ko sa kanya na magpa-picture.  Pero tama siya, yung inner child natin ang nagbibigay ng maraming dahilan kung bakit ang saya-saya making ng musika, maglaro na parang ewan at  humalakhak ng walang puknat sa iba’t ibang  bagay.  In connection sa event, gustong-gusto ko yong drawing sa board sa Diff, charade ng FoodPanda,  free pakanta ng Grand Videoke, Breakout Philippines, padlock game of Victoria Court,   Paypayan game ng Snipe, and  pa-photobooth with music  artists ng JB Music.

Blogpalooza Grand Videoke

Ito share ko lang din … I met Ebe Dancel (and Gabby Alipe of Urbandub) before sa sa Element Music Camp. When it comes to his artistry ang taas ng tingin ko  kay Ebe.  Pero siguro dahil  bata pa ako nun ang nangingibabaw yung  impression ko and focus sa ibang artists na mas trip ko.  Sa Photobooth ng JB Music – nagkaroon ako ng chance to post with him then may props na guitars.  It’s meaningful for me because I am frustrated guitarist then ang kasama ko pa ay magaling na musikero na dati hindi ko masyado pinapansin when in fact naghuhumiyaw yung talent.  Basta it  something  that touched and inspired me. Well I hope I can  be a songwriter ( wish pa lang).

Something New. Sa isang summit na napuntahan ko, napag-usapan ang iba’t ibang klase ng consumers. Isa na roon ay yung mga loyal at yung unpredictable.  Surprisingly mas malaki ang rate ng mga unpredictable than doon sa mga paulit-ulit na nag-a-avail ng products.  Bakit ko sinasabi ito?  Encouragement sa startups, new players, and even consumers.  so Ano pa ang mga bago sa paningin ko sa Blogapalooza –  Luwak White Koffie,  Nano Gen ( Alkaline Water Convertor),  at  Regrow ( Hair Care System/  Thickening Shampoo).

Hindi ko na napuntahan ang booth pero nasa event din ang Ginhawa Spa and Dining, Gaming Library,  Chips Delight, Emporio, at John Robert Powers.

 

 

 



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Old Millennial, and Multipotentialite or Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.