iBlog11 Summit: Philippine Election 2016


Isa sa speaker sa iBlog11 Summit si Mr. James Jimenez ng Commission on Election (Comelec). Maganda ang kanyang panawagan  na tamang panahon na para sa mga bloggers – to persuade public opinion and disseminate relevant information about Philippine National Election in 2016.

Sa tagal ko sa pagba-blog 3-5 beses pa lang ata nag-post about sa Politika. To be honest, hindi ito binabasa masyado ng readers (at least sa akin) at ako mismo hinahayaan ko na ang iba magbangayan.  Ganito rin naman ako sa Facebook at Twitter, halos di ako nagko-comment. Dito ko ngayon ilalabas puwersa. Chuz!

Role of blogs and Social Media in Philippine Election

James Jimenez iBlog11_Iyan ang title ng talk ni Mr. Jimenez at isa sa interesanteng part d’yan ay data ng klase ng mga botante sa susunod na taon.  Sa kanilang tala ay nasa 18, 440,573 or 37% of 54 million estimated registered voters next year ay nasa 18 to 34 years old (Gen Y) at sumunod d’yan ay ang 15, 902,258 (Gen. X) voters.

Sa mga  pigura pa lang na ito ay  pasok  na mga active sa social media ang karamihan ng botante na sana  imbes na pamba-bash ang atupagin ay pangangampanya sa ikabubuti ng Pinas.  Sabi nga ni Jimenez ay maraming magagawa para maibahagi ang netizines and voters para sa maayos na  halalan 2016…paano

  • #vote – ang may mas “K” na magreklamo ay mga bomoboto at nagbabayad ng buwis
  • #sumbong – maniwala kayo madaling ma-reach ang media (GMA News, ABS-CBN, TV5 at  radio stations ), organizations at companies sa Twitter kaya pag may nangyaring kakaiba , tweet na
  • #tweet/share/selfie – dito ako mas active- ang mag-share ng info galing sa mga reliable sources at kaibigan. Let’s refrain from commenting and sharing links na hindi pa nababasa.
  • #blog the experience – I will for the sake of my minamahal na…
  • #Pilipinas

iBlog 11: How to vote wisely?

Ayon sa report ni Jimenez “Choose and make your choice known. It is okay to be partisan. And if you believe that a certain candidate is a good choice, you owe it to everyone else to inform them of your belief. And if you believe in something, you stand behind like love.”

IMHO, I respect people who are active in citing and promoting their bets. Okay na malaman ng tao ang features ng mga kandidato  kung bakit sila qualified sa posisyon na kanilang tinatakbuhan pero yung i-cite pa ang negative physical traits at i-consider ang level ng popularity- ewan ko anong meron dun?  Kaya tuloy nakakakuha ng simpatya ang mga pulitiko sa paninira sa kanila. Tandaan na maawain ang mga Pinoy at may something sila sa mga pa-underdog.

For me here are my wishes for my fellow voters:

Patalastas

  • Isipin mo na pagboto mo ay kapangyarihan mo  bilang Pinoy ngayon at bukas – Nakakalungkot isipin na ang iboboto  ay dahil sa nakikita lamang sa TV at dahil may endorser na sikat? Hindi naman hanggang TV lang ang problema ng Pinas? At isa sa unang tinatamaan ng pangit na leadership ay ang  kumpiyansa ng mga  investors … ang  ilan sa unang epekto nito ay estado ng pananalapi, pagnenegosyo at pagtatrabaho.
  • Ibase ang iyong pagboto dahil sa kilala mo ang kandidato sa kanyang pamamahala at paglilingkod, hindi sa kanyang pamumulitika at pa-impress sa press.  Kung ako ang masusunod gusto ko na walang puwedeng tumakbo sa eleksyon ng hindi aral sa  simpleng political science or public administration. Come to think of it, bakit may mga tao sa congress at senate na walang alam sa lawmaking at pagsusuri , eh iyon nga ang  main work dun. Ano ang resulta? Domino effect sa anomalya, mababaw at magulong klase na paglilitis o pagrepaso ng batas, at kawalan ng matinong gabay sa ekonomiya/ turismo/security/edukasyon etc.
  • Hindi ibig sabihin ng “public service” ay one-time libreng bigas or grocery package with their names …
    1. ang alam kong nilalagyan ng watermark o credit ay mga mga photos, property at art works hindi yung bagay na binili gamit ang pera ng bayan.  So kung maglalagay dapat sana yung lugar at hindi ng epal na politico…
    2. Ang public service ay pagbibigay ng patas at malawakang assistance sa panahon ng kalamidad, pangkalusugan, edukasyon, seguridad, kalinisan at iba pa. Huwag mong iasa ang laman ng kumakalam mong sikmura  sa mga pulitiko dahil unang-una maling uri ng pag-asa ‘yan.

Naniniwala ako na marami na ang nakakakabasa at nakakasulat na Pinoy, pero yung mga  dapat nasa unahan para ilaban ang kanilang karapatan ay di aktibo kahit man lang sa pagboto. Hindi jologs ang pagboto, kapag di mo gagawin it’s simple as you don’t care. Samantala bakit kapag may nagpapahayag ng kanilang honest opinion ay bina-bash.  Let’s unit to have a better Philippine government starting in 2016 J



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.