Isa sa matagal ko nang gustong mapuntahang probinsya ay ang Cebu (sana matupad so soon). Sa palagay ko ay ibang klaseng travel experience ang makukuha ko doon dahil naniniwala ako sa yaman ng sining at kultura ng tinaguriang Queen City of the South. Hindi ako nag-e-expect ng nature trip doon gaya ng Palawan at Boracay pero malay natin, marami akong matuklasan pag nandoon na ako. In the meantime, gusto kong itampok ang Kristo Niño na bahagi ng ika-450 Selebrasyon ng Kaplag.
Maraming makasaysayan at makulay na tradisyon ang nakakabit sa Cebu gaya na lamang ng malalim pananampalataya sa Sto. Niño. Hindi ko na tatalakayin ang usaping relihiyon, nais kong bigyan ng pagkilala ang pagpapamalas ng mahusay na visual arts sa Kristito Niño sa pamamagitan ng art exhibition partikular na ang sculpture series na Niño Sugbuanon ng artist na si Wilfredo Offemaria, Jr. Ayon sa NCCA report ni John Delan Lopez Robillos ay base ito sa pagkakadiskubre o “Kaplag” ng imahe ng Sto. Nino sa isang kahon ng sundalong Kastilang si Juan Camus sa isang nasusunog na kubo noong Abril 28, 1565.
‘The “Niño Sugbuanon” is a commissioned work of the 450 Kaplag Executive Committee as a token to the major sponsors and partners of the 450 Kaplag Celebrations. The artwork will be given to the Prior General of the Order of Saint Augustine based in Rome, to Archbishop Jose Palma, D.D., and to other institutions and individuals who contributed to the success of the events surrounding the 450 Kaplag.’
Sa aking kuro ay parang naiiba para sa isang alagad ng sining ang ganitong pagkakataon. Ito rin kasi ay may kaugnayan sa tema ng selebrasyon ng Kristo Niño “Sagrada Familia: The Child Christ in the Filipino Family.” Iba iyong yung art work mo ay para sa kabuhayan, sa iyong sariling kagustuhan at lalo’t higit sa kabuluhan ng isang sambayanan. Art is an expression and symbolic for a society that is rich in culture.