5 Political Platforms, National Election


National election 2016Ilang tulog na lang ay National Election na. Kung para sa karamihan ang halalan ay kabuhayan at holiday lamang, sa kinalakhan kong pamilya hindi.  Sumasama sa kampanya, sumusuporta, at minsan napaghihiwalay kami ng aming mga paniniwala sa pulitika.  Sa ngayon wala pa akong eksaktong napipili sa pagkapangulo, vice president, at senador. Pero mayroon na akong hinding-hindi ilalagay sa aking balota (hindi ako marunong makalimot sa nangopya, nagbitiw, at puro dada).

 

Ang ipinananawagan ko sa aking mga kapwa botante ay mamili base sa inyong wisdom, hindi sa awa o paawang taktika, at papogi o paguapong panliligaw. Ang paghawak ng posisyon sa senado, kongreso, at  executive ay hindi biro. Hindi tayo nagluklok ng ninong at ninang para hingan ng aginaldo. Bomoto tayo ng lider na magsasagawa ng MAHUSAY na batas, SUSUNOD at magpapatupad ng BATAS, reresolbahin ang pangkalahatan ng problema  ng mga mamayan, at BUONG husay na pag-iingatan at gagamitin sa tama ang KABAN ng Bayan. Tandaan, mamamayan ang nagbibigay ng pondo, hindi sila.

 

National election 2016 b

“Elections are not isolated events.”

Narito ang lima (hindi popular) sa maraming plataporma na tinitingnan ko at nais kong marinig at tuparin ng uupong opisyal sa gobyerno.

 

Effective transportation system. Lahat ng umaalis at bumabalik sa kanilang tahanan ay humaharap sa traffic congestion lalo pag rush hour.  Para sa akin ang laking kita at kalidad ng serbisyo ang nawawala dahil sa mabagal na pag-usad traffic sa EDSA, C5, at iba pang malalakig kalsada.  Konti na lang, puwedeng sabihin na pati pagpataw ng hustisya ay mabagal dahil sa traffic. Paano pa kaya ang epekto nito sa turismo, negosyo, empleyo at ekonomiya.

 

Sa lahat ng reklamo sa Facebook, ang isa sa numero uno at kapani-kapaniwala ay ang reklamo sa traffic.

 

National election 2016 c

sa iBlog 12, ibinahagi ni Mr. James Jimenez of Commission on Election (Comelec), na mainam ang listen and distill, gayon din ang choose and shout. Ito ay upang mabigayan ng awareness at kamalayan ang ibang botante sa tamang pagboto

Affordable, faster and reliable internet connection – Ang mahal ng internet sa Pilipinas, pero hindi pa iyon ang masaklap kundi ang kabagalan at paputol-putol na serbisyo. Hindi ko tuloy maisip kung paanong nagagawan ng paraan ng mga BPO, online shopping companies, at local developers nang mahusay ang kanilang negosyo kung ganito (bigyan n’yo ako ng ideya). Kawawa ang mga small-time players na gusto sana ring mag-work at home, homebased business, at magkaroon ng career online. Hindi ba malaking tulong sa ekonomiya at transportasyon ang mga  taong nasa bahay na lang para magtrabaho?

 

Transportation service for senior citizens – Maybe this is not an urgent or big issue, but I think we also need to provide transportation services for elders and PWDs. Nakakatulong ang mga lanes at special passages pero ang laking ginhawa sa mga kanila ang may espesyal na  sasakyan o pagkakataon kung saan sila makakasakay ng matiwasay.  Sa ngayon, mahalaga  na maiplementa na ang two rows sa bus at Jen ay  para sa mga elders.

 

Cybercrime law (bullying and trollies) – Ang totoo hindi lamang ang mga may video scandal ang talamak na biktima ng cyberbullying , kundi kahit sino na mapagtripan at makuyog sa social media ay kawawa.  Ang daming perfect sa social media na simpleng may nagawa-upload agad.

Kailan lang ako  naging aktibo sa Instagram, kaya excited din akong malaman kung paano ito gamitin ng iba at yung mga account na sikat na artista.  Pero nakakapanlumo  yung mga nagko-comment  ng kung anu-ano, negatibo at paninira na para bang ang dami-dami nilang alam.  Hindi ko ma-gets kung bakit pupunta sa account ng tao, tapos mangba-bash. May nabasa ako  tungkol sa “paid internet trolls”  at di ko alam kung health and psychological risks ang meron sa kanila pero ika nga pera yan e! Eh ano pa kaya sa mga nagsasayang ng oras, pambayad ng internet bills at enerhiya para lang manira?

AIRPORT/ OFWS welfare – kailan kaya mapapansin na ang pintuan sa Pinas ay airports natin especially ang NAIA? Bakit ang nahihirapan at biktima ng mga modus operandi sa Airport ay mga OFWS? Hindi ko sinasabi na dapat mga OFWS lang ang bigyan ng magandang treatment, kundi lahat ng daraan dito.  ANG Negosyo, turismo, at foreign relations ay nagsisimula at puwedeng mauudlot dahil dito.

Siempre, mainam din kung may mga aksyon na gagawin para sa lagay ng seguridad ng bansa, turismo,  kultura, pagbubuwis, sining, edukasyon, at kalusugan.

 

 



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Old Millennial, and Multipotentialite or Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.