I was able to watch Batman v Superman: Dawn of Justice starring Henry Cavill, Ben Affleck, Amy Adams, Diane Lane, and Gal Gadot at Newport Ultra Cinema, Resorts World Manila. It was my first time to watch there so I had a great movie time. (Thanks to Lamudi and Megaworld)
Recap of Batman/ Superman
Mahilig ako sa superhero films at nagko-collect ako ng original VCD (mura!) ng X-men, Spiderman at Ironman. So dati pa medyo hindi ma-appeal sa akin sina Batman at Superman. Pero napanood ko yung Trilogy ng Batman ni Christian Bale – The Batman Begins, The Dark Knight, and Dark Knight Rises. Sa Dark Knight ako napahanga ni Bale at kumpareng Christopher Nolan (the filmmaker) kasi naipakita nila yung hindi papogi lang na hero. Oo nga pala walang super power si Batman kundi super well, wealth, gadgets, at alalay lang. Share ko lang na sising-sisi ako na pinanood ko ang the Dark Knight ng night kasi di ako nakatulog till 4am sa sobrang bigat ng story. Well that means effective sila especially the late Heath Ledger as Joker. Anyway, because of Bale’s portrayal I find it interesting to see Affleck (who portrayed Daredevil in 2004)’s version.
Nung una kong napanood ang The Man of Steel, wala akong masabi kundi mas okay si Henry Cavill as Superman. Sa acting at story, hindi pa ako nadala e. Nawindang ako sa ipina-realize sa akin ng film, alien pala talaga s’ya at akala ko nanghihina s’ya ‘pag ipinokpok ang kryptonite sa ulo n’ya. Sino bang hindi? charr! Siguro nagkataon lang na hindi ko trip masyado ang directing style ni Zack Snyder (napanood ko ang Sucker Punch at Watchmen n’ya). Okay lang sana ang dark pero parang sabog o di smooth ang delivery. Anyway…
Dawn of Justice
The Man of Steel
Snyder’s Batman v Superman: Dawn of Justice is different. Minus the part nung nagbati sila Batman at Superman dahil sa name na “Martha” nang ganun-ganun lang ay okay ang kabuuan ng film. Mas gusto ko dito si Henry, naramdaman ko na may gusto na s’ya kay Lois Lane at di matanda para sa kanya si Amy Adams. Kung baga mas may puso na s’ya as alien :p at makikita mo yung struggle na maintindihan s’ya ng tao. Ang hot din dito ni Henry, hindi ko alam kung mas lumaki pa ang katawan n’ya o mas dumami pa ang buhok nya sa dibdib 😉 pero “wow”! Siya yung tipong Prince Charming sa action-packed fairy tale :P. Isa pa nga pala sa hindi ko gustongg part ng script ay nung napaluhod s’ya ni Lex Luthor (na napakagaling na nagampanan ni Jesse Eisenberg). Teleserye lang ang peg sa paningin ko (ganun din ba sa comics?)
Batman
Sa part ni Batman, doon lumabas yung ayaw ko sa mga films ni Snyder. Ang gulo-gulo, maiintindihan ko siguro yun ‘pag napanood ko pa ulit sa VCD este DVD. Kung may problema sa script, mas may problema ata sa editing o pagtatagpi ng mga scenes. Kaya rin siguro walang appeal sa akin ang “Martha effect.” Iniisip ko pa talaga kung panaginip o balik-tanaw lang yung pagsasabi kay baby Wane ni Daddy Wane ng “Save Martha” with pearls. Siguro isang secret power ni Bruce Wane ay premonition or the ability to predict future through dreams. Hula ko na lang ay may gagawin s’ya kay Lois para magalit sa kanya si Clark Kent sa sequel (kung meron) dahil sa panaginip n’ya.
Bukod sa mga iyon, naawa ako kay Batman na parang bang miserable at hinang-hina. Tipong puwede na s’yang idespatsa sa ilang eksena kasi mas may power si Wonder Woman. Hindi ganito ang nararamdaman ko kay Ironman, knowing na halos pareho sila na tao na napasama sa mga may powers. Hindi ko alam kung hinanap ko na ba ang atake sa Dark Knight, I feel na hindi equal, o kasi ganun talaga. Pero sa acting, sa postura, at sa mga props okay ako kay Aflleck. Magaling pala talaga s’ya as an actor.
Wonder Woman
Siempre gaya ng iba sa the Fast and the Furious ko nakilala si Gal Gadot. Nagagandahan ako sa kanya kahit payat pa s’ya doon. At wala akong kyems sa tsika ng iba na ‘di sya bagay na Wonder Woman. Vindicated ako na she deserved it because lumabas talaga ang pagka-Amazona niya sa suit. Galing lang ng effect ng pag-lipad-lipad nya (gaya ni Superman). Interesado ako na mapanood ang standalone Wonder Woman niya to get to know din yung character.
Lex Luthor, Martha, and Louis
As I said magaling si Jesse at wala akong nakikitang kapunang-punang negatibo sa character at sa potrayal niya kay Luthor. Same with Lois ni Amy na feeling ko maganda yung pagkaka-establish ng character bilang human na inibig ng guapo, macho at naka-cape na alien. Siguro dahil na rin sa smooth n’yang pagganap (plus yung the way naligo este chemistry nila ni Henry), naka-relate ako na kaibig-ibig nga si Superman.
Kay Dianne Lane, I find her amusing kasi lately napanood ko pa yung Unfaithful na kung saan ang batang-bata pa n’ya at parang ganun pa rin naman s’ya dito sa Dawn of Justice. Napaghahalata na make up lang yung pagpapatanda sa kanya and by the way, naging magka-tandem sila ni Ben Affleck sa film na Hollywoodland . Hinanap ko talaga kung totoo yung kumakalat na memes na umiiyak si Clark Kent kasi may affair si Bruce Wane at Martha. Totoo pala talaga yung photo na magkasama sina Lane at Affleck sa isang kama. Take note ang character dun ni Affleck ay may connect kay Superman.