Hindi matatawag na Summer capital of the Philippines ang Baguio (a.k.a. City of Pines) kung malamig lamang dito. Pero sa ganitong kainit maglakad-lakad ka lang sa Burnham Park ay okay na. Narito ang ilang must visit places in and around Baguio na hindi mo dapat palagpasin na puntahan.
Strawberry farm (La Trinidad)- Sadyain ang lugar na ito pero mabuting isa ito sa dapat mong unahin bago pa maubos ang iyong pera o huwag kaligtaan na daanan bago umuwi. Magandang mamalengke dito dahil bukod sa sariwa ay napakamura ng mga gulay. Sa 100 pesos mo ay may 3 kilong gulay ka na assorted na mabibili. Naku matutuwa ang mahihilig magluto ng pinakbet at chopsuey o gumawa ng salad. Kung sawing-sawi ka sa mahal ng brocolli, cauliflower at lettuce sa syudad, dito panalong-panalo ka.
Siyempre panalo ang pagbili dito ng strawberry (Presa in Tagalog). Hindi ko alam kung alin ang mura pero huwag kalimutan tumawad at mas mahal daw ang strawberry picking. Nagtataka ka ba’t ang mahal gayong ikaw na nga kukuha? Well, may nabasa akong magandang rason… Dahil hindi ka naman automatic na marunong dito at may chance na mali at makasira ka ng tienes dun. Anyway, dahil sa Forevermore ng LizQuen (Liza Soberano at Enrique Gil) ay deadma sa mahal ang mga turista doon. Iba ang dami ng tao at itsura ng ng strawberry farm na nakita ko more than 5 years ago.
Bell church– Hindi ko alam kung bakit halinang-halina ako sa lugar na ito, pero siguro dahil sa interesante at bibihira ako makapasok ng Chinese temple (not until makapag-Bindondo photowalk ako). Hindi ito madaling makita dahil nasa looban pero ang landmark ay ang marque ng “Welcome to La Trinidad.”
Night market /ukay-ukay in Baguio City- Madalas traffic na sa Baguio city lalo ‘pag summer o Panagbenga (Flower Festival). Pero ganun talaga, mas dinisenyo ito para sa tao kaysa sasakyan at sanga-sanga ang daan. Ang masaya talaga ay maglakad lalo na sa gabi o kahit pa sa maghapon. Unang -una ay hindi naman mainit at maraming mapupuntahan ( like Baguio Museum, Botanical Garden, Baguio Cathedral, Burnham Park, at iba pa).
Isa pa’y napakaraming interesanteng establishments (maliban sa SM baguio na walang aircon), especially for foodies at fashionistas. Hinahanap ko pa yung resto na nag-o-offer ng organic food. Pagbalik ko doon ay isa iyon sa pupuntahan ko kasama na ang BenCab museum.
Camp John Hay– Lakas makaibang bansa ng Camp John Hay, lalo na ng masubukan namin ang style ng Starbucks doon. Para kang nasa isang country style setting. Sa ibang banda dito ay masarap mag-pictorial, gumawa ng music video, exercise, magnilay-nilay. Ang gusto kong parts dito ay kissing lane (picnic areas), the lost cemetery of negativism, at yung amphitheater malapit sa Bell House. Pero siempre maigi rin na makapask sa pamosong Bell House na yan na hinango sa name ni General J. Franklin Bell at itinayo noong 1903.
Magkakalapit lang cemetery at old house, baka isipin mo na bakit may nakaisip ng kalokohan na lugar na iyan sa isang heritage house na tirahan noon ng mga commanding general sa Pilipinas? Pero in fairness sa cemetery may inilalaban na mensahe. Ilibing ang nega! By the way, ang amphitheater ay isa shooting location ng Princess Sarah ni Camille Prats kung di ako nagkakamali. Check mo yung may story telling session sila.
Philippine Military Academy– Para sa akin mainam na makita natin ang mga kadete para maitindihan natin sila nang may lalim. Kung paano sila makisalamuha, at yung tindi ng training na kanilang pinagdadaanan. Bago ako makarating dito, di ko naiisip kung paano sila sa personal pero ang impression ko ay nakaka-intimidate sila at istrikto. Pero sa mga nakausap ko na opisyal ay mababait naman at binigyan pa ako ng souvenirs. Anu-ano ba ang makikita sa PMA? Ang mga lumang klase ng sasakyang pandigma sa lupa at himpapawid, PMA museum, at souvenir shop. Nung una ako nakarating dito ay nakabili pa ako ng 2 camouflage t-shirts na lagi kong sinusuot pero may nakapagsabi sa akin na baka bawal na raw at delikado para sa akin, so…
I recommend na pasukin mo din ang museum. Hindi naman boring kung may curious kang isipan at mapang-unawang puso. Pero para sa isang traveler, nandoon ka sa isang lugar ay matutuhan mo na ang kasaysayan o kultura nito.
Our Lady of Lourdes Grotto– Ayon sa tsika ay 252 steps ang kailangan mong iakyat para marating ang altar ng Our Lady of Lourdes. Nakakapagod? Challenging naman, sa mga walang tiyaga pero puno ng pananampalataya ay iba namang daan . Sa mga nagutom at napagod, marami ring tindahan sa paligid, dito ako nakatikim ng strawberry taho.
Mines View/ Good Shepherd convent. Mas gusto ko sa museum like sa Baguio and Benguet pero di rin dapat palagpasin ang place na ito. Maganda ang overlooking view, may pagka-solemn ang lugar, at makakatulong ka pa sa mga natutulungan ng mga madre kapag bumili ka ng kanilang mga produkto. Masarap ang paninda sa Good Shepherd convent lalo na ang ube jam.
Para mas cool, huwag ding palagpasin Wright Park lalo na ang horseback riding dito, Tam-Awan Village, The Mansion, Easter Weaving Room, Aguinaldo Museum at iba pa.