In Puerto Princesa Palawan, nakapanayam ko na batang may-ari ng isang spa at ang kanyang ina na may hostel doon. Anya, ganado sila pagnenegosyo dahil boom na boom ang tourism sa kanila. Subalit, hindi lamang ang mga kagaya n’ya ang kumikita kundi pati ang mga simpleng tao doon. Ganoon ang biyaya ng turismo at magandang epekto ng likas na yaman. Kung mawawala ang mga isda gaya ng pating at thresher sharks? paano na?
>>>This is the Part 2 of Analysis on Importance of Ecology and Philippine Biodiversity… Part 1 here …
Alam n’yo bang kahit ang mga bangkero ay magagaling na rin na photographer? At kahit ilang taon na rin ang nakalipas, ang best part ng trip namin na ‘yon ang pagsubok ko ng snorkeling (hindi ako magaling mag-swimming). Can’t explain yung wonderful feeling na makakita ng likas na yaman sa ilalim ng dagat. Para bang ang blessed –blessed mo at mapi-feel mo na talagang mahal ka N’ya.
4. Resilient and thriving Economy starts with small deeds
Masuwerte ang mga Pinoy dahil malaki ng porsyento ng ating pinagkakakitaan ay mula sa agriculture, fisheries, and aquatic resources pa rin. Hindi tayo kagaya sa mabilis and stiff competition na ma-technology na mga bansa. Hindi ba nga may mga matatag na brand na oops naglalaho na parang bula.
Hindi ganoon sa agricultural, fisheries, and aquatic resources – ang mga gulay, isda, bigas, tubo, lato (seaweeds) ay importanteng panlaman sa kumakalam na sikmura. Kung wala rin tayong paki sa maliliit na manggagawa gaya ng kargador, mangingisda, magsasaka, at maging sa likas na yaman. Mabuting magt’yaga na tayong kumain ng mga junk foods.
Kung papayagan naman natin na iba ang makinabang sa ating likas na yaman gaya ng pagti-trade at pagpatay sa mga pating/ Thresher Sharks, tayo na ang makakaranas na hagupit ng Inang kalikasan ay namamatay pa ating ekonomiya.
In my own little ways, I advocate financial literacy and Recycling (through crafting). Pero nalalaman ko rin na hindi lamang ito mahahalagang bagay. Wala kang ise-save, iba-budget, at i-invest kung unang-una ay wala kang kinikita. Ganoon din sa ekonomiya, dapat lahat ng factors ay sinusuri at minamahalaga, unang-una na ang natural resources. Kapag naabuso at maubos ang mga ‘yan, mahirap o hindi na mapapalitan kahit bilyonaryo pa tayo. Huwag din nating isantabi ang maliliit, dahil kung wala sila ay wala ring malalaking industriya. Great things starts with simple vital steps ika nga.
Philippine economy is like Philippine Biodiversity– creatures here are interrelated. Even you’re in IT, transportation or export industry, your industry will be affected of poor economy due to other non-performing businesses. Remember Global Financial Crisis in 2008-2009 ? Nagsimula ‘yan sa pag-collapse ng Lehman Brothers, isang matatag na bangko na nagpapautang. Result? Lahat ng negosyo ay halos apektado SA BUONG MUNDO. PERO nananatiling nagsu-survive ang Pinas. Two important reasons for me – OFWs and our natural resources. (Naaalala ko ang pag-alis ng Intel sa bansa). Wala ka man trabaho, kung may mahuhuli kang isda at maaning palay ay buhay na buhay ka. Kung mawala este Silky and Thresher Sharks pala? Paano na ang Biodiversity? Eh yung Loan Sharks ..tsika lang!
5. Imbalance = Extinction (Overpopulation)
Isa sa matagal na suliranin ng Pinas ay overpopulation na nanganganak ng iba’t ibang head-banging problems like unemployment, scarcity of supplies because over the top demands, monopoly, and yes, pollution. Kung ang problema ng tao ay overpopulation, sa ilalim ng dagat ay overfishing na nagreresulta ng sala-salabat na problema.
Sa paliwanag ni Mr. AA Yaptinchay, anumang wildlife animals ay may ginagampanang tungkulin sa ecology. Ang mga coral ay kinakain ng plankton na kakainin na maliliit ng isda na kakainin ng rays na sa bandang huli ay kakainin ng mga malalaking species gaya ng thresher sharks, at whale sharks. Alam n’yo bang unhealthy small fishes lang ang kinakain ng mga sharks?
Kapag may isang ma-extinct sa mga ito, gaya ng mga tini-trade na thresher sharks, ay mag-o-overpopulate ang ilang particular species na posibleng umubos sa iba pang importanteng sea creatures. Imbalance ecology o biodiversity na! Naalala n’yo ba ang issue ng pagdami ng janitor fishes sa Marikina River?
Sinabi rin ni Mr. Yaptinchay na ini-export ang mga thresher sharks at ginagawang sahog sa soup. Maaring malaki ang kinikita ng mga nakakahuli pero sila lang ang nakikinabang at sila pang umuubos sa ating yaman. Illegal na, non-sense pa. Marami naman pagkain na masarap at masustansya, bakit pa yung mga vulnerable at malapit nang ma-extinct na marine wildlife animals?
Kaya gaya ng awitin ni Joey Ayala na ” ang lahat ng bagay ay magkaugnay” ay mainam na balanse at may kamalayan sa isa’t isa. Para walang overpopulation, pollution, abuse, and extinction. Sa halip ay harmony at masaganang buhay.
Hopefully, my comprehensive analysis encourage you to sympathize sa advocacy to Save Thresher sharks and mapasama ito Appendix II sa IUCN Red List at COP17. Maganda rin ipanawagan ito sa gobyerno ang usaping ito. Please sign up sa petisyon sa ThunderClap at Change.org (paki-click na lang ang codes sa ibaba). Naroon po ang iba pang kapaliwanagan tungkol sa isyu. Salamat at Mabuhay!
[hana-code-insert name=’Cebu Travel Book’ /]
Pingback: Gawin nating PHSayYes to Save Thresher Sharks – kwento't paniniwala ni hitokiriHOSHI