Wanter Cultural Workers and Artists


Kung may para sa ekonomiya ay mayroon din na “para sa Sining at Kultura.” Kung damang-dama mo ang ibig kong sabihin dahil  sa puso at credential ay masasabi mong ikaw ay artistahin o makultura, puwes hinahanap ka na ng National Commission for Culture and the Arts ( NCCA).  Magpamiyembro at maging volunteer ka nila!   Ang deadline ng pagpasa ng aplikasyon ay sa October 21.

Mayroong 19 na national committees ang NCCA na iyong mapagpipiliian para mapabilang mula taong 2017 hanggang 2019.  Samantala, ang eleksyon naman ng opisyal ng mga committees and subcommittees ay tatakbo mula Oktubre 2017 to 2019.

Jong Cuenco, Mel Villena, NCCA chairman Felipe De Leon (center), Noel Cabangon, Dingdong Avanzado, Bactidol official, and other OPM artsist at Pinoy Music Festival media confrence b

Jong Cuenco, Mel Villena, NCCA chairman Felipe De Leon (center), Noel Cabangon, Dingdong Avanzado, Bactidol official, and other OPM artsist at Pinoy Music Festival media confrence b

“The NCCA is a unique government institution because of its close partnership with civil society, recognizing their significant contributions and encouraging their continued involvement in the development, conservation and promotion of Philippine culture and the arts,” statement ng ahensya na pinangungunahan nina OIC-executive director Marichu G. Tellano at NCCA chairman and Prof. Felipe de Leon. Si Prof. de leon ang isa sa masarap na pakinggan na personalidad tao na nakilala ko dahil sa dami ng kanyang nalalaman.

Istraktura ng NCCA

Para sa mga di nakakaalam ay may apat na subcommissions ang NCCA:

  1. Subcommission on the Arts (SCA) – sa ilalim nito ang 7 national committee ngNCCA Panelists
    • Architecture and Allied Arts
    • Cinema,
    • Dance
    • Dramatic Arts
    • Literary Arts
    • Music and
    • Visual Arts
  2. Subcommission on Cultural Heritage (SCH) – sa ilalim nito ang 6 national committee ng
    • Archives,
    • Art Galleries,
    • Historical Research,
    • Libraries and Information Services,
    • Monuments and Sites,
    • and Museums
  3. Subcommission on Cultural Dissemination (SCD) – sa ilalim nito ang 3 national committee ng:
    • Central Cultural Communities,
    • Northern Cultural Communities
    • Southern Cultural Communities
  4. Subcommission on Cultural Communities and Traditional Arts (SCCTA) – sa ilalim nito ang 3 national committee ng
    • Language and Translation,

      Olongapo government welcomes Taboan 2014

      Olongapo government welcomes Taboan 2014

    • Communication
    • Cultural Education

Kitam yung tsika kanina na 19 national committees ay hindi lamang  total ng 12 12 Days of Christmas plus 7 dwende ni Snow White. Ang mga ito ay kumakatawan  19 sektor ng kultura at sining  para naman wala naman “left behind,” kundi lahat ay belong.  Makikita rin sa listahan sa lahat kung saan eksaktong bahagi ka papanig depende sa kung ano ba iyong trip.  Ako nga gusto ko sa Language and Translation (SCCTA), pero dahil magala ako sa  Art Galleries at Museum (SCH) ay naguguluhan ako. Siyempre pa maka- dance, music, visual arts, cinema, at theatre arts pa ako.  Kaya ‘yan ang itatanong ko pa kapag nag-inquire ako. Isa pa’y bawat komite ay may sari-sariling panuntunan at papel na kinakailangan.  Doon na siguro magkakatalo, baka iyong parehong kaliwang paa ko ay pasado naman sa komite ng visual arts at music. hehehe!

Inquire Now!

Para sa iba pang katanungan dumiretso na po lamang sa www.ncca.gov.ph o pumunta ng personal sa himpilan ng NCCA. Nasa Intramuros ang kanilang opisina. Bumaba ka lang sa Manila Cathedral sa kaliwang bahagi nito ang Palacio del Gobernador.  Di ka papasok dun, babagtasin mo lamang ang Kalye Heneral Luna na pinupuwestuhin rin nito. Nasa sa iyo kung palakad, pa-martsa o pangkarera ang takbo mo pero dapat pagkatapos ng San Agustin Church ay alam mong malapit ka na.Ethnic Dancers with NCCA Mrs. Priscilla Macansantos

Konting lakad  na may kasamang kembot at kandirit na lang ay makikita mo na ang  NCCA office sa hilera ng simbahan.  Paano papuntang Intramuros?  Isa lang ginawa ko e,  sumasakay ako ng jeep pa- Quiapo Pier at sasabihin sa tsuper “Avisala Mabuhay Mamang Tsuper,  utang na loob maaari mo bang ibaba ako sa  tapat ng Manila Cathedral.”

Ito ang Facade ng kanilang building.

Patalastas



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.