May bago akong realization matapos ang first attempt ko na mag-novena sa National Shrine of St. Jude (Mendiola, Manila). May bagay kang magagawa not only because of courage and confidence, but out of your pure commitment. Sa usapang career at business, maraming pagkakataon na akala natin kailangan pa nang matinding motivation like anger, love or fear bago makagawa ng revolutionary acts. Pero ang totoo puwedeng magsimula iyon sa dream at commitment.
Novena to St. Jude
Ilang beses ko ng binanggit (dito at sa Kwento’t paniniwala ni Hitokirihoshi) na isa sa paborito kong simbahan ay National Shrine of St. Jude Thaddeus (Patron of Hopeless Cases / Impossible). Bukod sa malapit dito ang alma mater ko ay puntahan talaga ito ng mga estudyante, lalo na ng mga nagbo-board or bar exam. Anyway, basta nag-start ako magsimba rito because of BFF and schoolmate na si Cherime, who’s a devotee of the Black Nazarene and now, my business mentor. After college ay bilang na sa isang taon kung magsimba ako rito kasi sadyain mula sa bahay. Pero kung usaping hiling, may mga natupad na at oo, yung bagay na hindi ko rin inakala.
- Pinoys’ courage comes from their strong Faith. Of course may mga prayer requests at worries kaya ako sumubok na mag-novena kay St. Jude Thaddeus. Pero I wasn’t that expecting din na kung kailan at ano hilingin ko ay yun na yun. Based on the level of my maturity, I believe that power of prayer doesn’t only come from Divine intervention. I also pray because it’s my basic mediation, mind-setting, and way to uplift my spirit. Doon na rin susunod ang iba pang mabubuting bagay,which perhaps “the Law of Attraction” can explain. For nine consecutive Thursdays, nothing happened grand unlike before (na in four days and also fell on Thursday). Kung tama rin ako, ang courage ko at maraming Pinoy ay base sa tibay ng faith. Somehow may mga aksyon at desisyon na papasang impractical at ka-weird-uhan… na hindi ko ginagawa kasi atapang ako atao. I’m innately pessimistic, but kapag napasukan ng “tiwala lang” at “manalig ka Hoshi” parang “sige subok at sugod.” Saka in reality, maraming malalaking bagay na hindi mo nakukuha kasi napangunahan ka na ng negatibong komento at sariling takot o agam-agam. Totoo maraming hindi natutupad na pangarap kasi takot sa unknown.
- Change doesn’t only happen in a snap or because of major turning points. Sa nine weeks na ito sy sobrang ordinaryo to the point na kay daling magdesiyon na tumuloy o hindi, base na rin sa level of katamaran. Pero yun nga eh, nagdesisyon na ako to commit myself na mag-novena kahit pa walang sobrang malaking tienes. Minsan may mga natataon na events o works sa Thursday pero mabuti nagagawan ng paraan na i-advance o i-delay. Sa last day ko sa special series of prayers na ito ay napagtanto ko na “maraming pagkakataon nga pala sa buhay ko na changes didn’t come out of major turning points. May hinanap akong kusa, pikit-mata/ dibdiban sinubukan, at pinangatawanan lang kahit walang nagtulak sa akin. Mayroon ding unti-unting nagkakaroon ng kalinawagan sa pagdaan ng panahon, not because of the right timing, but willpower.
“Willpower can help me go running on this particular day, but what about 4 months later when I’m still training for that marathon race? The secret to reaching your goals is commitment,” Heidi Reeder, PhD, author of Commit to Win: How to Harness the Four Elements of Commitment to Reach Your Goals imparted WebMD.
- You’ll find signs and answers by Prayer (meditation/ communication with God), readiness (communication with yourself), and Open-mindedness (communication with others). Ako yung taong maplano at mapangarap eh. Pero sa totoo lang, hindi sa lahat ng pagkakataon ay sigurado ako sa gusto ko . Hindi ko alam kung gaano kalaki ang tiwala ko at lalim ng pananampalataya ko. Kaya ang isa pa sa baon ko sa pagno-novena ay ang readiness at pagiging-open minded. Umaasa lang ako na somehow along the way ay may mare-realize, may ma-rediscover , at mas maniwala ako sa positibong bagay-bagay. Hindi sa sobrang lugmok ng sitwasyon ko ngayon, kundi nasa point din ako ng realignment ano ba ang definition ko ng pagmamahal at success? Medyo na-master ko na ang art of deadma, tax comparison avoidance, at “no regret policy,” pero tila lahat yun pam-block negative paano naman ang pang-welcome ng positive? Charr.
Naniniwala ako na matutupad ang aking panalanhin, sakto o mas mainam pa, ko. Sa ngayon kontento ako sa result ng karanasan ko sa pagno-novena. Mala Eat Pray and Love lang ang drama ko – the affordable way. Mabuhay!