Whether it’s just a day or an entire season, it would not be memorable without a meaningful story. Yesterday, SM Southmall presented a good way to kick off celebrating Christmas season. How? It started with enchanting music and The Tale of the Winter Forest.
Nobyembre 6, Linggo, ay sinimulan na agad ng SM Southmall ang kanilang pagdiriwang ng Kapaskuhan. Ang sentro ng Food Street, kung saan ginawa ang kanilang programa, ay pinalamutian nang naglalakihang usa at kumikislap na mga puno na may makikintab na Christmas balls . Totoong, naipapadama ng mesmerizing set na ito ang winter effect in a big way. The design was also a beautiful background for the Manila String Machine who played soothing music.
Perfect setting din ito for the Tale of the Winter Forest, which was a production of Stages. Kwento kasi ito ng dalawang batang ligaw sa kagubatan na nakakita ng sugatang rabbit, may malabong mata na cardinal, gutom na tiger, at singer na Winter Fairy. Subalit, hindi lamang ito tungkol sa karanasan ng pagkakita ng mga naiibang nilalang ala-field trip. Istorya rin ito ng pagbibigay ng mayroon ka upang makuha mo ang iyong pinakamimithi. Sa kaso ng dalawang bata ay makauwi sa kanilang tahanan.
“…We wanted to kick-off this amazing season by sending out an inspiring message of selflessness and kindness that is characteristic of the Christmas Season,” pahayag ng pamunuan ng Southmall. “We also recognize that this season is particularly special for children. So the story you just watched today aims to set a good example for children while still giving them an enjoyable visual treat. We are lucky to have our friends from Stages bring the story to life for everyone to enjoy.”
Bahagi rin ng treat ng SM Southmall ang gift-giving para sa piling kabataan mula sa SOS Children’s Villages at Child Haus. Ang Child Haus ay charity organization na kumakalinga sa mga batang dinapuan ng sakit na kanser at iba pang malalang sakit. Ang SOS, isang international federation, naman ay gumagabay sa mga nawalan o may pinagdadaanan tungkol sa pagkalinga ng mga magulang.
Samantala, marami pang nakahandang programa ang SM Southmall gaya ng SM Cares Campaign Bears of Joy, Smart Christmas Exhibit, Vivo Christmas Roadshow, at Lighted Tradition Parol-Making Contest. Nitong Nobyembre naman ay naka-line up na ang “meet and greet with Santa Clause” (13 and 27. Masusundan ito sa Disyembre 11 at 24), Christmas caroling para sa mga shoppers (22 hanggang 24 at 26), at ang trip na trip frugalistas na double weekend holiday sale. Kaya kung mahilig ka sa sale at gawing-gawi ka sa Las Pinas area ay markahan na ang November 19 and 20 at 26 and 27. Ang isa pang shopping treat ng mall ay ang chance to win a Chevrolet Traxx. Mechanics? “For every P5000 single or accumulated receipt at any Southmall stores, you get one raffle coupon.”
Siempre maliban sa Chevrolet Traxx ay marami pang exciting big prizes ang maaaring mapanalunan sa nasabing raffle (12 Days of Christmas). Ang mga activities ng SM Southmall ay naging posible rin dahil sa suporta ng kanilang partners na Baskin Robbins at Project Pie. Speaking of Project Pie, this Pizza house offers delightful experience because they will let you freedom to build your own flavor of pizza. It’s up to you kung anong trip mong pagkakagawa ng pizza mo. Ako I tried pesto sauce, then yung all kinds of cheese at yung laman ay bacon, tuna, and chicken. Iyong veggies kung tama ako onions, garlic, tomato, at corn. Sarap! Nakakatuwa at nakaka-proud lalo na ‘pag sarap na sarap ka at iyong kasalo sa kainan.
Ikaw paano mo ise-selebrate ang Christmas mo? Napapansin mo rin ba ang magagandang set design sa malls gaya ng SM Southmall o nanood ka rin ng mga programs nila?