Aware ako na may health benefits ang fish oil kasi dati nabibigyan ng shark oil from our loved ones in New Zealand and Australia ang nanay ko. However, I found out that apart from Shark Oil, there’s such a thing as Salmon Oil pa na nasa Cardiobes Food Supplement . It also have all natural Omega -3, Lycopene, and Coenzyme Q10. Let me share my review/ feedback about this Supplement product.
According sa info sa box, Cardiobes is a product from Norway (manufactured by Aximed AS, Vestre Torggaten, Bergen, Norway). Para maayos, malinis, at pinakapurong ma-pack into softgels ang Omega -3 ay gumamit daw sila ng enzymatic technology. Yung softgels ay kulay brown at definitely malambot na kapag napisil mo ng madiin ay lalabas talaga ang oil. They suggest na mainam na itabi ang pack sa cool o dry place. I agree kasi ako makakalimutin at naiwan ko yung isang piraso at sa initan pa, hayun kumatas at parang natunaw. Kung i-intake, hindi ito mapakla at madaling lunukin. Ilan rin kasi sa ayaw ko pagdating sa pag-inom ng gamot. Anyway…
Cardiobes is okay according to my mother’s Doctor
I am very picky and lazy in drinking supplement/ vitamins. I am also the kind the person na kakaasaran mong bentahan ng gamot (sorry friends!) kahit “open-minded” ako sa ibang direct selling product. So I actually had doubt about trying Cardiobes (which is imported and distributed by Willion International Trading). What more for my mother na na-mild stroke last February. I asked her doctor (Neurology/ Internal Medicine) and I let him examine the package. Approve naman sa kanya at apparently, it’s a good alternative dun sa isang gamot ni Nanay na pang anti-cholesterol. Kaya bawas gamot sa Mother 2 pa.
Pareho kaming uminom ni Nanay pero siempre mas marami sa kanya. What’s the effects of Cardiobes supplement/ Salmon Oil sa isang senior citizen na mild stroke?
Ayon kay Nanay ay ang gaan-gaan ng feeling n’ya ‘pag uminom s’ya nito at madali siyang nakakatulog. Dati raw kasi dama n’ya yung bigat lalo na kapag naglalakad, na tipong madali s’yang napapagod at parang hindi siya mapakali. Sa akin naman na hirap makatulog ng maayos (dahil sa stress at aligagang isipan) ay madali rin nakakatulog with quality. Madalas kasi tulog manok ako na madaling magising pero mahirap nang makabalik sa dream land. I think nakatulong iyon para sa aking “dalaw” na matagal ding nagtampo dahil sa aking kakapuyat.
Benefits of Fish Oil, Lycopene, and Coenzxyme Q10
Ang ingredients ng bawat isang Cardiobes softgel ay Fish oil (100% Natural from Norwegian Salmon)/ omega-3 (EPA and DHA) -691 mg, Lycopene- 42 mg, Coenzxyme Q10 -15 mg, at Capsule (gelatin, purified water). Para mas intense ay nagsaliksik din ako ng impormasyon tungkol sa fish oil (salmon), lycopene, at Coenzxyme Q10.
Ayon sa Dr.Axe.com, ang BALANSEng pag-consume ng fish oil /omega-3 ay makakabawas sa risk o makakatulong upang malunasan ang mga sumusunod:
- sakit sa puso,
- stroke
- ADHD o attention deficit hyperactivity disorder
- Pananakit ng kasukasuan (joint)
- arthritis,
- chronic skin ailments gaya ng eczema
- depression
- pang-suporta sa katawan kapag bumaba ang timbang, pagbubuntis, pag-aanak, at pagpapataas ng enerhiya.
Dagdag pa ng Dr. Axe better kung balanse ang Omega 6 at Omega 3 sa katawan. Yung may mataas na Omega 6 yun ang bad.
Lycopene. Palagi kong naririnig ang term na ito sa mga commercial dati ng tomato sauce o tomato paste at ganoon din sa mga Pineapple juice. Pero ang lycopene ay nakakatulong para makaiwas sa prostrate at iba pang uri ng cancer at ito ay mabisang panlaban sa stroke ayon sa report ng Harvard Health Publications. Pero ibinahagi rin sa ulat na dapat ‘wag maging OA sa pag-take nito ( baka may kumain ng kilo-kilong kamatis) at may way para ma-absorb ang lycopene nang bongga gaya ‘pag sinamahan ito ng “fat.”
CoQ10. Ayon naman sa tsika ng University of Maryland Medical Center mayroong natural Coenzyme Q10 (CoQ10) ang bawat cell ng katawan ng tao at isa itong “natural oxidant.” Nakakatulong din ito para magawang enerhiya ang mga kinakain. Dagdag pa sa impormasyon ng UMMC ay may mga pagsasalik na ang CoQ10, natural o mula man sa supplement gaya ng fish oil (salmon o tuna), ay nakakatulong para maibsan o maiwasan ang ilang health issues tulad ng…
- diabetes ( may ganito rin nanay ko)
- high cholesterol
- heart failure
- Gum (Periodontal) disease – may mga pag-aaral daw na ang pagdudugo at pamamaga ng gilagid (gum) ay sanhi ng mababang CoQ10.
- huwag atakehin ulit sa puso ( kung may history na )
- high blood pressure
Nagsaliksik rin ako sa lagay ng trading ng salmon sa Norway. Napag-alaman ko sa Eurofish, isang international organization tungkol fisheries and aquaculture sa Central at Eastern Europe, na ang Norway ay pangalawa sa pinakamalaking exporter ng seafood sa buong mundo. Ito rin ang nangungunang producer ng Atlantic salmon. Kaya sa gawing iyon ay hindi illegal ang paghuli ng salmon.
Kung titimbangin ang lahat ng impormasyon at personal naman pag-test ng nanay ko sa Cardiobes ay mainam nga itong food supplement. Isa pa’y HALAL Certification – Philippines at iba pang sertipikasyon.