Tatlong bagay kung bakit ako madalas napapadpad sa Binondo, Manila – shopping, Visita Iglesia, at photowalk. Ang isa sa naranasan ko ay ang Temple Run Chinese New Year photowalk na inorganisa ng Powerhouse G5. Pero ano nga ba ang mayroon sa Binondo at Manila Chinatown?
- It’s the Oldest Chinatown in the World. Thanks sa mga history books, mapag-aalaman natin na Spanish era pa nang mabuo ang Chinatown sa Pilipinas. Ito ay tinawag nilang Parian kung saan pinagsama-sama ang mga migranteng Intsik na noon ay hindi kataasan ang estado sa paningin ng mga Espanyol.
Sa pagdaan ng panahon ay naging tanyag sa lugar na ito ang Ongpin. Ito ang daan na ipinangalan kay Don Roman Ongpin, isang businessman na ipinanganak na sa Binondo at ang mga magulang (Chinese) ay tumutulong sa mga Katipunero. Sa pagkakatanda ko, ito ang una kong napuntahan kalsada rito noong bata pa ako (grade school). Dito kasi namimili noon ng alahas at herbal medicine ang Nanay ko. Ang monumento ni Don Roman Ongpin ay nasa gilid lamang ng Binondo Church.
- Home some Chinese Temples. Interesado ka bang ma-experience ang ambiance sa loob ng isang Chinese temple? May ilang malaki at kilala na ganito sa Binondo tulad ng Philippine Chinese Buddhist Temple o Kuong Kong Temple at Seng Guan Temple. Pero may iba pang templo pa rito (ex. Po Chuan Temple) na baka na hindi pa masyado nadi-discover.
Tip: Kung pupunta ka rito, lalo na ‘pag Chinese New Year ay mag-red na damit ka kahit casual lang. Para mag-blend in ka. Hindi naman iyan required at hindi rin sila istrikto sa loob. Mayroon pa ngang libreng tea para sa lahat ng bisita. Siempre ‘wag lang kalimutan ang magbigay RESPETO.
- It’s where the old Business District of Calle de la Escolta situated. Mas nai-explore ko ang Escolta street tuwing Manila By Night Photowalk (ng Powerhouse G5 din). Kung may dating sa iyo ang “skyscraper architecture” ng matataas na building ay maiging gumala-gala ka rito. Ang landmark ko rito ay ang Sta. Cruz Church na mababagtas naman sa Carriedo Street kung magmumula ka sa Quiapo Church. Nasa gilid lang ng Sta. Cruz Church ang kalye na ito (left side) kaya bago ka pa lumiko sa front side ng simbahan ay nakita mo na ito.
Isa pang mahalagang bagay na dapat tandaan sa Escolta ay ang pagiging financial district nito. Bago pa man, na-develop ang Makati CBD, Eastwood, Ortigas Cokplex, at Bonifacio Global City ay narito na ito.
Buhay na buhay pa rin naman ang Escolta, na ang mga lumang building ay inaakupahan pa rin ng iba’t ibang negosyo.
- The famous Estero of all Estero – Ang impression ko sa salitang estero ay lugar na malapit sa tulay , kanal, at crowded ( madalas marumi). Medyo sumakto naman dito ang sikat na Estero sa Binondo, PERO crowded ito kasi food hub ito ng iba’t ibang cuisine kasama na ang mga exotic food. Hindi rin naman madumi, just typical na kainan ng mga nagki-crave hanggang sa mga lamunero’t lamunero 😛
- Chinese Cuisine ba? – Since it’s the oldest China Town, automatically marami rito ang matagal ng food house na nag-o-offer ng authentic dimsum, dumplings, panciteria, Hot soup, wonton noodles, tikoy, lumpia, at iba Try Old Savory House sa paanan ng Jones Bridge at New Po Heng Lumpia House somewhere near Binondo Church.
- Visita Catholic Churches. Kaya masarap mag-Visita Iglesia sa Manila ay dahil ilang ikot at kembot lang ay makakarating ka na sa mga simbahan. Ang tinutukoy ko na nga ay Baroque Style Sta. Cruz Church (Our Lady of the Pillar Parish Church) at Binondo Church (Our Lady of the Most Holy Rosary Parish at Minor Basilica of Saint Lorenzo Ruiz – puwede pala dalawa name no?). Ayon sa kasaysayan, si San Lorenzo Ruiz ay naideklarang Santo (Canonization) noong October 18, 1987. Dito mismong simbahan na ito s’ya nagsanay at nanilbihan noon, isa s’yang Filipino-Chinese, at sinasabing ipinanganak noong 1600 sa Binondo. Samantala, namatay s’ya sa Japan bandang 1637.
Maliban sa nabanggit sa itaas ay marami pa tayong madidiskubre sa Binondo. Ang isa pang natatandaan ko rito ay kung halimbawa gusto mo ng lucky charms, feng shui, at bilihan ng murang gamit. Hello nasa Binondo rin ang pamoso at panalong bilihan ng lahat ng bilihan- DIVISORIA.
:p Mabuhay! Here’s my Videowalk/ tour in Binondo
Madalas ako sa Binondo. Lagi dyan ang punta ko pag may mga kailangan akong bilhin. Hahaha. Never ko pa na experience ang photo walk dyan. Masubukan ko nga din minsan.
Oo subukan mo, masarap din parang malakas maka-byahero at photographer. if you like, you can join sa photowalk ng Powerhouse next year tuwing Chinese New year. Meron din silang photowalk tuwing December sa gabi. Iikot mula Quiapo hanggang Luneta – Manila By Night ang tawag