What words would you like to banish in your life?


I got this question “What words would you like to banish in your life?” from Our Daily Journey.   Napaisip ako, oo may mga ayaw akong Filipino filler words o kahit pa English phrases/ expressions. Not because of foul meanings, but because those words are being use meaninglessly and negatively. Gayon din. may mga words din na personally ay iniiwasan kong gamitin. Kasi I believe ‘pag ginawa ko ay mababago buhay ko.

What are Filipino Filler Words we often use?

Naniwala ako na napakakulay at buhay na buhay ng wikang Filipino at ipinagmamalaki ko ito.  Natutuwa ako  sa gay lingo, saliwakain, talinhaga, repa, ermat at iba pa.   Pero I think hindi na magandang pakinggan at  implikasyon sa isang tao ang  paulit- paulit na paggamit ( o filler words)  ng mga salitang ito  sa isang pangungungasap:

  • Parang – Halimbawa: Okay naman po kami parang nag-relax lang doon, iyong parang nagbakasyon lang.

Iyong totoo, realidad ba ‘yan o imahinasyon lang? Isang “parang” lang ay okay na e, pero yung “parang” ng “parang” pa ay kinumpara sa kinumpara o hinalintulad sa hinantulad?

  • Medyo – Halimbawa: Ito medyo aamin ko ha, medyo ginagamit ko palagi itong word na ito dati. Kasi medyo palagi akong nag-alangan kong maiintindihan ako ng kausap ko o basta hindi ako sigurado. Kaya medyo nag-aalangan ako. So ano natantya mo kung gaano kalaki, kahaba, kaiksi  o kabigat ng  paggamit ko noon?
  • Baka – Ito  nagagamit ko pa ring salita pero baka hindi rin ganoon kadalas kasi dahil medyo parang ‘di pa rin ako sure sa laman ng isip ko.

*Alam mo iyong ibig sabihin ng ewan? Baka mas sure pa ang ibig sabihin noon kaysa “baka” kasi ewan hindi ko rin alam.

  • Siguro – Positive sana ang tunog ng salitang ito depende kung paano binitaw. Alam mo yung sinagot ka, pero ang sabaw at iyong tipong iniwan ka sa ere agad. Ganun ang datingan sa akin nito lalo na kung pabalang ang tono.
Mind Museum’s Life Gallery – The Brain

Ang “siguro,” “baka,” “parang,” at “medyo” ay halos synonymous. Pare-parehong sinasabi ng taong walang direkta o sagot na hinahanap mo. Kapag naririnig ko ang mga ito sa iba, lalo na  ‘pag paulit-ulit nga  at tungkol din naman sa kanila, ang naglalaro sa isip ko ay hindi ito komportable  sa sarili niya.  Puwede rin wala lang sa kanya ang sinasabi n’ya. Kung baga sa English ay maka-filler words ito sa kaka -siguro, parang, baka, at medyo n’ya.

May takot to fail, to disappoint, or to know their secrets? Sabi nga ng friend ko na si Liz , ‘make up your mind!’

Anong salita ang ayaw mo nang sabihin sa sarili mo?

Despite of – Bukod sa mga nabanggit ay iniiwasan ko na rin gamitin ang ‘kahit na’ o ‘despite of.’  Nagagamit ko rin ito sa pagdadasal at pagsusulat sa aking diary noon. Hanggang isang araw… I realize lagi ko na ata dinidepensahan ang negatibo kong iniisip. Palaging may hirit, hindi ba puwedeng if I say thank you or I regret something ay yun na yon?

Patalastas

Gaya ito ng pagiging late sa school or office, late is late kahit ano pang traffic sa daan. Once or twice, gaano ba kadalas ang minsan para masabi mong kailangan ng mag-adjust ng time sa pagpasok? Eh yung iba, sila na ang late at naunahan ni boss, sila pa ang galit ? Peace ! Ako I try  to impose to myself na hindi puwedeng palaging may excuses, instead dapat may purpose.  Hindi na magandang magsisi lang, kailangan matuto at magpatuloy sa buhay.

‘Kung sana lang’ o ‘if only’– Ang point ko sa “if only” ay ang mali sa pagpapabalik-balik sa mga bagay na tapos na tapos na.  I realized this kakausap sa mga energy vampires na hindi ko alam kung malungkot lang o frustrated na. Para bang they don’t see the beauty of their realities today. Magic word ba ang “kung sana lang” o “if only” para baka sakali ma-undo mo yung past mistakes mo? Kung mistakes nga iyon?

Totoo naman na may mga bagay tayong pinagsisisihan sa nakaraan. Pero mainam din patawarin na natin ang ating sarili. Kung may chance ka pa na makabawi-go! Kung wala na eddie magbago ka na. Iyan ay para ma-enjoy mo na kung anong meron ngayon at sa mga susunod pa. Ganoon e, time is gold nga ‘di ba.

Pambura’t Lapis

Isa sa nakapagpantato sa akin nito ay aking Lolo Campoy. Nakausap namin s’ya siguro two or three weeks bago s’ya namatay. That time ay tinaningan na s’ya at ang katagang hindi ko malilimutan sa kanya ay

‘Tinaningan na  ako ng doktor ko ng two years, nakaka- six months na ako.’

 Ganun ka -casual at luwag. Physically, naka-wheelchair at oxygen na s’ya kasi heart cancer ang sakit nya. Pero naka-gold ring s’ya, may gf daw (‘di ko lola), at ang bilin lang n’ya ay huwag ibebenta ang bahay nila. 

Wala akong narinig na nung araw, ganito-ganyan kumpara sa common na oldies na nakakausap ko.  Ako, naiintindihan ko naman sa mga lolo at lola ang mga ganoong bagay. Pero I think para hindi malungkot ang buhay ay iwasan ang mag-“what if” sa nakalipas.

Kung babalikan ang nakaraan, yung natutuhan o nagustuhan na magagamit bilang life lessons. Comparing itself is hard to analyse kung makakabuti o hindi. Kung ito ay for the sake of tracking progress, transformation or eradicating mistakes sa mga susunod na araw- then go go sago pagbabalik-tanaw!

Marami pa siguro ako na ayaw, pero itong mga words  or linya ang naisip ko agad. Ikaw, What words would you like to banish in your life and Why?



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.