Sometimes having many choices complicates things. However if we know what’s really valuable for us, making smart decisions is easy-breezy. Parang sa pagsa-shopping sa supermarket, we tend to become indecisive sa ilalagay sa ating grocery cart. Iyan ay kung ‘di tayo sure sa alin ang worthy at hindi. Pero paano at ano nga ba ang mga factors para maging smart shopper? Here are my tips based on my research and experiences:
There’s huge difference between affordable (mura) and worth it (sulit)1
Ang “sulit” ay not necessarily means mura lang. Ang sulit na product ay ibinabalik ang bawat sentimos na ibinabayad mo (o higit pa) sa husay nito. Gaya sa…
2Food items – ang nakakaligtaan ng marami ay “it’s not about the money-money.” Ang factors dito ay taste, health and food waste. Itong food na nabili mo ba ay gaano katagal sa storage mo? Masarap lang ba sa panlasa at bulsa, pero hindi sa tiyan? Kakainin mo ba talaga nang madalas, o susubukan mo lang minsan? Kung hindi, bakit kailangan bilhan ng maramihan?
It’s not about which is the leading brands, it’s about your satisfaction 3
Napakahalaga ng branding ngayon sa mga business. Dapat ‘pag naisip mo ang isang item, ang matatandaan mo agad ay yung brand name. Ako aminado na second year high school grade 8 na ko nang malaman at nakasanayan kong gamitin ang term na pa- “photocopy” sa halip na “pa-Xerox poh.”
Hindi dapat tayo ganito bilang mamili kasi madalas for the whole family at house budget for the whole week or month. Dapat doon sa satisfaction and welfare ng family. Kaya, okay din mag-check ng iba-ibang brands at items lalo na sa…
4 Household Products. Kung tutuusin ay hindi lamang sa bigas, ulam, drinking water at load napupunta ang big chunk ng weekly budget ng yuppies and millenials. Ito ay sa cleaning products din tulad sa bar, powder, o liquid detergent. Hindi naman tayo bumibili ng damit palagi, pero weekly o daily ay naglo-laundry tayo sa ngalan ng neatness at hygiene.
Ako, I always look for sulit na cleaning products kasi clothing for me is beyond sa pagiging basic necessity. Ito rin ay fashion/art sa akin to promote or present myself. Kung alam kong okay ang suot ko ay mas feel kong komportable at confident akong gumalaw kahit saan. Well siempre, gusto ko rin na mapatagal pa yung mga favorite kong anime shirts, jeans, at iba pang damit namin (including uniforms). That’s why, I try different variants or brands. Maraming hindi gaano sikat o mura, but offers superb result.
Sa supermarket, usually ang mga alternative brands ay wala sa eye level and either nasa taas na taas o babang-baba part ng shelves .
Scroll your phones or stroll more supermarkets 5
Sapamamagitan pa lamang ng mobile internet ay makakapag-research na agad tayo ng kung anong magagandang produkto at saan sila available. Kung hindi ka naman masipag sa internet researching, dapat gumala at galugarin mo ang mga supermarkets. Ako? Halos laman ako ng supermarket linggo-linggo at malapit ako sa mga malls sa North Avenue at Fairview/ Lagro kaya…
6Tip: Sa shopping experience ko, napatunayan ko na hindi lang sa kung anong brand ka lang makakamura, kundi saang supermarket ka rin pupunta. May supermarket na may butal palagi na .75 sentimo sa kanilang presyuhan at mayroon din na Php .99. Ang tricky rito ay may mga supermarket na kilala na nagbebenta ng mura, pero babawian ka sa mahal sa ilang mabiling produkto. So dapat din ay magcheck at magtabi ka ng resibo para maikumpara mo kung saan ang okay.
7Tip: Kahit ang big supermarkets ay hindi rin kumpleto at papalit-palit ng display. Mayroon din na tatanggalin muna iyong mga produkto at saka ibababalik after certain period. Napansin ko ito sa mga drinks at juices especially yung mga healthy ones. Alam mo ba kung saan bawal na sikat na mall yung isang sikat na brand ng tooth paste?
8Tip: Huwag agad kang padale sa promo, sale, brochure o kaya sa mala-higanteng sale sign. Sa supermarket, ang hilig nila na mag-bulk order para makamura ka pero kung tutuusin ay ang unti-unti o halos wala ka naman talagang na-save. Malaki na ba sa iyo ang Php 2.50 sa 6 na piraso na itatambak mo lang sa ref? Mayroon naman na konting panahon na lang malapit na mag-expire at nagsasabing malaking discount mo kung bibili ka agad. Pero iyon pala regular selling price lang ‘yon sa iba o mas mabibili pa ng mura sa discounted price nila.
Don’t come prepared, but also sated 9
Madalas ang suggestion sa atin ay pumunta sa supermarket na may listahan na para maiwasan ang unnecessary expenses o impulsive buying. Tama iyon! Pero may mga pag-aaral din na kahit ang music na pini-play sa mga pamilihan ay nakakagana din palang mamili pa at ang matindi ay kung gutom ka pa. Ayon sa research nina Aner Tal at Brian Wansink na inilathala sa Jama Internal Medicine, kapag gutom ang tao ay namimili ito ng mas marami at nakakatabang pagkain o iyong may high calories. Kaya nga pansinin mo raw ba’t may deli at pastries sa entrada ng mga supermarket.
When you found the one, know it more and stay loyal
If you start to like someone, you are excited to know him/ her more. And from there, if makita mo pa yung iba pa good aspects n’ya ay lalong lumalalim ang pagtingin mo sa kanya iba. Ganoon din when it comes sa patronizing a supermarket or brand. Nakakapanghinayang lang ang magbayad ng loyalty/ reward card kung hindi ka naman talaga palagi nandoon sa store. Sa mga products, kung may variants ay subukan mo rin i-match sa talagang hinahanap mo. Halimbawa sa shampoo, mayroong pang kulot, straight, may dandruff at hair fall. Sa detergent, may para sa de-color, white, soft, at antibac.