17 Important Hong Kong Travel Tips to Remember


Second out of the country trip ko ang Hong Kong kaya kahit papaano (at iwasan ko man) medyo nako-compare ko sa  experience ko sa South Korea. Pero ito ang first time ko na nag-tour package ako. So let me give you positive and negative sides para ma- analyse mo at hopefully makatulong for your own Hong Kong tour.

Maraming Pilipino – It feels safe knowing na may mga kababayan ka kahit man lang i-guide ka kung paano makapunta sa kung saan. Although may ibang  establishment na may English instruction at may Hong Kong nationals na marunong mag-English, hindi naman agad kuhang-kuha mo ang bagay-bagay ‘di ba?

Sa isang grocery nga ay may mukhang local na nakapansin na nagko-convert kami. Pilipino pala s’ya na naninirahan na roon nang 16 years. Itinuro n’ya sa amin kung saan makakabili ng mura. As in sinamahan pa kami malapit doon.

Travel Tip 2: Don’t convert, maghanap saan ang mura para bawas stress sa shopping.

Travel tip 3: Recommended nila mag-shopping sa The Ladies Market, Mong Kok, at malls sa Tsim Sha Tsui. Remember, Hong Kong is the “Shopping Capital of Asia.

Pero definitely magaganda naman yung bags, damit at iba pang gamit doon sa Mong Kok. Pili-pili na lang kasi parang nakakita rin ako ng ibang produkto sa Divisoria, Quiapo, Manila Chinatown, at Baclaran.

Easy Transportation with Octopus Card and MTR (train system nila).    Kung may T Card/ T-money ang South Korea ay may Octopus Card naman ang Hong Kong.  Ang Octopus Card ay mabibili sa Airport Express Customer Service Centre at sa iba pang kiosk sa MTR stations. Ang pinakamababa ay HK$150, na ang 100 ay e-money at 50 ay deposit.  Puwede nito mag-load sa mga convenient stores at magagamit din sa iba pang partner establishments nila gaya ng McDo.  Pero yung HK$50 ay mare-refund lang sa Airport Express din at MTR stations.

Patalastas

Travel Tip 5: Maganda na mag-avail ng Octopus Car sa airport pa lang para ‘di hassle ang travel time. Mas mura din raw ito sa single journey ticket.

Travel Tip 6: Ang MTR System map ay madali rin naman sundan basta alam mo kung saan ka mag-i-interchange at bababa. Halimbawa papunta ka ng Disneyland from Prince Edward station- Baba ka sa Lai King Interchange station para makapunta ka sa Sunny Bay na kung saan naman may (Disney) train papuntang Hong Kong Disneyland Resort.

Papunta’t pabalik ng aming hotel somewhere in Prince Edward from Shenzhen (China) ay nag- train lang din kami

Better to learn simple Chinese words.  May iba na nakakaintindi naman ng English, pero karamihan ay limited to can’t speak level.   Kaya mas better kung kahit papaano ay may alam ka sa simple Chinese words and greetings gaya ng “spicy ba,” “magkano?” “saan,”  “may tawad?,” at iba pa.

Travel Tip 8:  Noong una hindi nagsi-sink sa akin na puwede nga pa lang tumawad. Yung aura kasi ng mga vendor sa market ay masungit pero hindi naman lahat. Tuwang-tuwa kami sa binilhan namin ng souvenir sa Mong Kok kasi they tried their best to understand us at ibaba ang presyo sa tawad Pinoy.

Aberdeen Fishing Village

Locals are straight forward.  Isa sa gusto ko sa pagta- travel ay to learn other’s culture. Sa aming 3-day Hong Kong trip ay nakakuha ako ng ideas when it comes to customer service, architecture (condo living talaga sila), entertainment (Starry gallery/ Garden of stars), business (Prince Edward/ Mong Kok/ Aberdeen), at commuting (sub way).

Hong Kong port

Generally, ang napansin ko ay serious and straight-forward ang mga local. Kaya para mahayahay ka, huwag mong hanapin ang asikasong Pinoy at especially super VIP treatment. ‘Wag mong i-expect na ngingitian ka nila, negotiable parati yung price, sasagot sila na  naaayon sa usual na ini-expect natin.  In a way parang what you pay is what you get – wala ng tsika -tsika pa.

Decide DIY travel or tour package?  Two strong points ba’t ako pumayag sa tour package ay una namurahan ako at maiba sa DIY travel namin sa South Korea. Hindi na masama ang tour package namin kasi airfare, air transfer, hotel accommodation, breakfast, at one-day tour ay kasama na.  Ito rin siguro option ko kung pupunta ako sa anumang unfamiliar place at wala akong kakilala.

MTR System Map/ Hong Kong Train

Pero kung babalik ako at  nagkataon na may kakilala ako na a-assist sa akin if I need help, DIY or backpack travel ako.  Kaya naman mag-ikot ikot na mag-isa especially kung sa usapang transportation tayo. Sa matitirhan may iba pang option bukod sa hotel at mura.

Allot a whole day tour sa Hong Kong Disneyland Resort tour.   Una ay napakalawak ng Resort, pangalawa ay marami kang gagawin, at pangatlo ay HK$ 589 ang entrance fee for adults kaya dapat sulitin.  Saka kung hindi ka papasok ng Hong Kong Disneyland ay parang you miss something big dahil oo ito ang alam kong sikat tourist destination sa Hong Kong.

Mas mahigpit papalabas ng HK airport.  Hindi ko alam kung sa akin lang ito pero to share din ay for the first time ay binulatlat ang backpack ko.  Kalmado naman ako kasi confident ako na walang laman na bawal doon, curious pa nga ako. Binabasa ko sa facial expression ng officer kung alin, and I think yung nabili kong can opener souvenirs.  Hindi naman kinuha at wala naman kinuha, pinadaan ulit yung mga laman ng bag ko sa machine. So…

Somewhere sa Hong Kong Airport

Travel Tip 13: aside sa huwag maglagay ng more 100ml liquid (water, perfume, toothpaste etc) sa inyong bag ay iwasan ang bakal na gamit ss iyong handcarry  para iwas hassle.

Travel Tip 14: Kumuha ka ng ilang arrival card tas pirmahan mo na bago ka pa dumaan sa airport or immigration (kung puwede ha).  Since nagpunta rin kami ng Shenzhen China kung tama ako nasa 5 times akong nagsulat noon.  Don’t forget din to bring your own ballpen para hindi nakikipag-agawan.

Exchange Philippine Peso to Hong Kong Dollar or vice versa.  Sad to say mahirap ang bumili ng HKD at sa competitive price sa ilang money exchange establishments. So ang isa sa recommended at pinuntahan ko rin ay sa Czarina Foreign Exchange main office (doon lang meron) sa Makati Stock Exchange. Just bring your travel ticket at IDs  kasi check nila iyon at magpa-reserve at least three days bago kayo magpunta. Ganun din naman sa ibang Forex establishments actually.

Travel Tip 16: Kung  balak mong papalitan ang baryang Hong Kong money mo rito sa ‘Pinas. Hindi tinatanggap dito  so ipamili mo na lang doon pa lang sa HK. Bili ka ng medyas  gaya namin $2 only hehe

Bring your passport anywhere you go in HK plus

  1. map / MTR system map
  2. octopus card
  3. smartphone – hindi lang for pics, kundi para sa “call a friend” emergency
  4. kutsara at tinidor – naiisp ko lang lalo na kung pareho tayong ‘di marunong mag-chopstick
  5. water – mahal ang tubig doon ang pinakamura naming nabili sa maliit ay $2 or $4. So kung 4 days ka doon bili ka ng malaki at magsalok-salok este salin-salin ka na lang. ganern!

 

Mabuhay!



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

2 thoughts on “17 Important Hong Kong Travel Tips to Remember