Before wild dream lang sa akin ang mag-work or live in England, Canada, or Japan. Hindi ito travel lang like ng ginawa ko sa South Korea, Hong Kong, at China. Iyong mag-migrate talaga together with my new family if ever. In the “Wine and Cheese Night,” which hosted by Fil-Global Immigration Services Corporation (FGISC), I get to know ideas how to make one of my wild dream (including study abroad) a reality someday.
What is FGISC? Ang Fil Global Immigration Services Corporation (formerly Fil-Global Ltd) is like a one stop shop para sa mga taong gustong mag-aral, magtrabaho, at manirahan sa ibang bansa. Ang kanilang services ay binubuo ng Fil Global Immigration, FG Creatives, JVB Travel and Tours, and PTE Academic Centre. Ang huli ang pinakabago nilang service na may kaugnayan din sa immigration and university placement, lalo na sa mga English Speaking countries gaya ng New Zealand, United Kingdom, Australia, at marami pang iba.
Ang PTE (Pearson Test of English) ay ang counterpart ng IELTS (International English Language Testing System) na ilan sa requirement sa work kung gusto mong mag-stay longer sa mga English Speaking countries tulad din sa Canada.
What happened at the Wine & Cheese Night? Literally ay may iba’t ibang klase ng cheese at nakainom ng wine (hindi pala ako kasama- di ako umiinom e) sa Wine & Cheese Night na ginanap sa Roberts Hall sa Times Plaza Building (UN, Manila). Pero maliban doon ay nag-serve sila ng Cream of Sweet Potato and Bacon, Chicken with Tomato Sauce and Feta Cheese Fettuccine with Garlic, and Crème Brulee courtesy of Magsaysay Center for Hospitality and Culinary Arts. Sarap ng Cream of Sweet Potato at Chicken with Tomato Sauce!
Maraming table sa paligid dahil pinagsama-sama na rin ang mga prospects, partners, and bloggers sa event. Bawat table may isang business partner/ sponsor ang Fil Global na representative ng country na kini-cater ng kompanya. Halimbawa ay mayroon sa Spain, Australia, UK at iba pa usually ay para doon sa mga gustong mag-aral.
Halimbawa sa Spain, puntahan pala ito ng mga gustong matuto ng Culinary Arts at isang respetadong eskwelahan dito ay ang Universidad Catolica de Murca. Ang iba pang school na nakita ko pini-feature ng Fil Global ay Abbutus College (Vancouver Canada), International College of Advanced Education ( Australia), Claremont Graduate School, Queensford College (Australia), International Business School, at Cambridge International School ( Australia).
Why to Study Abroad? Personally tingin ko ang magandang pag-aralan sa ibang bansa ay tungkol sa…
- Business in general – para mas international ang iyong thinking, if you want to cater foreigners, and be different among local businesses. You can get and develop ideas na magpi-fit sa mga Pinoy market.
- Language – Sa pagkakaalam ko there two choices para sa mga non-English Speaking Asians para matututo ng English, isa ang Pinas at isa ay sa Australia. Ako ang foreign language subject ko noong college ay Spanish pero dahil wala naman akong makakausap nahirapan ako at nawala na lang. Pero kung may opportunity gusto ko pa hubugin ang aking English at Spanish skills. I like learning different languages din kahit simple greetings lang. Believe me may natuwa sa akin na Chinese, Swedish, Japanese, at Korean dahil na-greet ko sila sa language nila.
- Food – what is food trip kung same ang klase ng dishes na makakain o maihahain mo ‘di ba? I think, to serve tasty food sa isang foreigner ay key to break ice sa inyong dalawa.
- Foreign Relation – I think kailangan ito ng mga businessmen, politicians, media practitioners, advertisers, at iba pang may career na may kinalaman sa socialization.