17 Ideas Why I Adopt Simplicity To Achieve Success, Happiness


Yearly ay I set a goal or theme.  Minsan hindi nasusunod, minsan ang hirap pangatawan, at madalas hindi sinasadya ay nangyayari na lang. Pero isa sa sinubukan ko ay may kinalaman sa simplicity o  “simplification.” I want to “simplify” things in my life to eradicate complications and negativity. In that way, I believe I can make astute yesses! Parang New Year’s Resolution with a twist.

I’d also like to adopt the ideas of Nelson Mandela about choices and Derek Siver about saying no with touch of Beginner’s mind of Shunryu Suzuki.  Paano ko naisip ang kaekekan na ganito? Here 17 ideas/ realizations:

  1. Not all opportunities are good to grab… prioritize what’s valuable for you . All along alam ko talaga ang hinahanap ko pero dahil may dumating na oportunidad ay gina-grab ko agad. Sayang ang chances di ba? This time, hanggang maaari, ay kung ano ‘yong nagbibigay sa akin ng purpose at happiness iyon ang priority ko.

Kapag ‘di mo rin talaga gusto ay pakakawalan mo o kaya’y pagtitiisan mo habang napapalayo ka na pala sa talagang target mo. Sabi nga ni Derek Siver:

We’re all busy. We’ve all taken on too much. Saying yes to less is the way out.

  1. Why people spending time ranting online about their personal issues. Two-three years ago ay baka isa ako sa kanila, pero ewan ko rin na bigla na lang ay nakasama na ako ng mga taong medyo tahimik lang sa FB (unless update sa blog). Iba rin talaga ‘pag busy ka dahil baka ni isipin na mag-post or mag-browse ay wala kang time.  So magpapaka-productive pa ako para umabot ako sa point na pang messenger na lang drama ko hehehe.
  1. Solve privately your concern instead of posting pahaging message. May ilan na magpo-post ng matitinding pasaring pero kung tatanungin ay ayaw pangalanan kung sino. Actually kahit pangalanan pa, ‘di ba ang tama ay kung may something ka sa isang tao ay i-private message mo na lang yun. Iyong tapang na ibuhos mo sa status update ay idiretso na sa kung sinuman. Yung totoo may nangyayari ba sa pasaring except sa pandadamay ng negatibong emosyon?
  1. Why some people need to post all their latest photos? May time na nagpo-post ako ng kahit anong photos kasi wala ng memory space at para i- share dun sa mga kasama ko sa picture. Pero madalas naka-private na yung iba. Sa bagal pa lang ng internet ay makakapagsaing ka pa nga e.
  1. It’s not what they say about you, but who are they to say something about you. Kung usapang insecurity sa weight, beauty, intelligence and worth, oo mayroon ako n’yan. Pero bakit ko naman tatanggapin ang opinyon ng taong walang credibility at talagang concern sa akin? Kung iki-criticize ako ng supervisor ko dahil may mali sa work ko, go! Para sa improvement ko ‘yan. Pero kung ang isang kakilala ay pakikialaman ang choices ko sa buhay dahil sa sarili n’yang paniniwala, deadma.
Kamukha ba sila nito?
  1. Why people spend money for things like firecrackers especially if it still not the New Year’s Eve celebration? Isang linya lang “pinapanood nila na pumutok ang pera nila.” Sana pinambili na lang ng gamot sa pagtatae total yun naman ang lagi ang emergency case, charrot!
  2. Why people use their own perception of beauty to bash? May mga tao talaga na hindi na lang hayaan kung ayaw nila o kaya ay maging masaya na lang sa tagumpay ng iba. Ang nakakakatawa pa nito ang simpleng rason ng ilang bashers ay may kinalaman sa nakikita nilang pisikal na kapangitan ng isang tao. Di ba nila alam ang kapangitan nila ang nilalabas nila? Waste of time and effort pa. Baka ‘di rin nila alam ang tinatawag na digital footprint.
  1. The simplest solution is the hardest thing to do if you add negative emotion(s) in the equation. Isa sa natutuhan ko (adulting?) sa problem-solving (kasama na ang medical emergencies) ay kung puro emosyon ang paiiralin ay pinatatagal at pinapalala lang. Doon tayo sa pagtuunan kung ano ang  problema at ano ang mainam na solusyon.  Nakatulong yung nabasa ko na tungkol sa Stoicism at 12 (Negative) Emotions that Paralyze your mind gaya ng pride, envy, fear, at iba pa.
  1. If you really like something…you don’t wait for the sign, achieve it. Bakit may mga pangarap na matagal matupad? Siguro dahil may iba na naghihintay pa ng sa sign, indefinite timing, o desisyon na sana  pumabor sa kanila. Paano ‘pag wala at hindi? Nganga? Kung ikaw ba ay commuter at alam mong mahirap nang sumakay, maghihintay ka na lang ba o maghahanap ng ibang puwesto na madali kang makasakay? Doon ako sa huli lalo na kasi…
Cable Car
  1. More often, it’s really you who create your own opportunities. I realize na kung may dumarating sa akin na biglaang opportunities o blessings ay result din pala yun ng mga nagawa kong maganda rati. Halimbawa ay ‘yong dati kong boss na tinawagan ako para mag-work sa kanya. Biruin mo trabaho na iyong lumapit sa akin kasi naaala n’ya raw akong “reliable.” Hindi rin mangyayari iyon kung hindi ako nagtyaga at pinagbutihan ang aking trabaho rati. 

Sa ibang punto, sa stiff ng competition sa trabaho ay need mo rin gumalaw  at maging innovative.  Kung wala sa available multiple choices, eddie ikaw na gumawa ng bagong choice para sa iyo.

  1. The simple way to avoid financial woes is to stick to your budget.  Isa sa nag-create ng hole sa finances ko ay may kinalaman sa unplanned travel.  Oo meaningful sa akin ang bawat travel ko pero definitely, hindi na ako aalis kung tight ang budget ko at mangungutang pa ako para pang-travel. Sorry friends magkaiba ang pakikisama  sa budget ko.
  1. Real friends respect you. Nagpapasalamat ako na marami akong totoong kaibigan. Hindi kailangan na lagi ko silang kasama, mahihingan ng tulong, at ako ang uunahin. Pero nahi-hurt ako  at ‘di na lalalim pa ang pakikipagkaibigan ko sa isang taong ipinadama na sa akin na hindi n’ya ako nirerespeto.

Maraming halimbawa tungkol rito  at isa na roon ay puwedeng may kinalaman sa utang. Kapag hindi ka binayaran ay hindi lang pera at tiwala ang nawala. Ibig sabihin din noon ay kawalan ng pagpapahalaga at respeto.

  1. Iba ang maiba. May nabasa ako na daig ng malandi, ang maganda.  Ang sa akin daig ng  kakaiba ang maganda. Halimbawa sa picture taking, asahan mo na kahit may guapo at maganda sa unahan mo pero kung kakaiba ang aura mo kahit nasa dulo ka ay ikaw ang papansinin.  Ginagawa ko iyan at in-apply ko sa ibang aspeto ng aking buhay. At napapatunayan ko ‘yan lalo na sa pagbi-business.
  1. If you fail, move on as fast as you can. Hindi laging panalo, matagumpay, at tama ang kinalabasan ng mga desisyon natin. Natatalo at namamali rin. Pero ang maganda ay kung talagang wala nang magagawa ay move on na lang.  Ang matagal na pagki-care sa masakit na karanasan  ay pagpapatagal din ng pagkakataon para makabangon. At malamang hindi rin pagse-self care.
  1. If you don’t need and want it, let it go as not all things are relevant in what you do. Personally ay may pagka-hoarder ako. Trip ko ang mag-gather ng bagay-bagay pero nahihirapan pala akong mag-analyze kung ano lang need ko at kailangang i-delete.  Na-realize ko lalo iyon sa isang work task ko na kailangan kong mag-classify ng relevant, duplicate, at important information.  Kaya siguro tumatagal o minsan humihina ang productivity ( or baka success) natin ay dahil hindi natin ma-let go agad ang hindi naman dapat kasama.

16. I’ll take choices that reflect my hopes. Gusto ko itong quote ni Nelson Mandela:

May your choices reflect your hopes, not your fears.

Ilang beses na rin akong nagdesisyon na risky para sa career at finances ko. In fact, may mga dumating na pagkakataon na binibigyan na ako ng “security” pero I gave up pa rin sa huli.. Siguro may mali sa padalos-dalos pero mas nanaisin ko pa rin pala sumugal at magtiis sa bagay na may kinalaman sa totoo kong inaasam.

Patalastas

  1. I already believe in my guts, but this time I believe in myself and what I do more. Hindi na ako mag-aalangan sa kung ano lang dapat. After all I accept na talagang into diversification ako at mas trip na maging expert generalist  o jack of all trades.


About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

2 thoughts on “17 Ideas Why I Adopt Simplicity To Achieve Success, Happiness