Ano kaya ang mundo kung walang sining? Kaya kaya ng Matematika, Syensya, at Lohika lamang? Sa selebrasyon ng Buwan ng Sining o National Arts Month (NAM), na pangungunahan ng National Commission on Culture and the Arts (NCCA) ay masasagot ang mga tanong na ‘yan. Ito ay dahil sa hitik na mga programa at aktibidad na magpapalamas na maraming rason kung bakit mahalaga, masaya, at maipagmamalaki ang Filipino Arts.
Alab sa Buwan ng Sining
Sa hindi pa nakakaalam, sa bisa ng Presidential Proclamation no. 683 noong 1991 ay idineklara na ang Pebrero bilang Buwan ng Sining sa Pilipinas. Ito ang pagkakataon para ipagdiwang, ipakilala, at ikampanya arts ng mga talentadong Pinoy. Kaugnay nito ay may mga binuong komite para sa pitong sining na kinabibilangan ng Cinema, Visual Arts, Architecture, Literary Arts, Music, Dramatic Arts, at Dance. Ang mga komite na ito ay nasa ilalim ng Subcommissions on the Arts (SCA) ng NCCA.
Kung noong mga nakaraan ay halos tumatakbo ng buong taon ang mga proyekto para sa NAM, ngayon ay siksik ito sa Pebrero. Kaya kong ikaw ay maka Cinema, Visual arts, Architecture, Literary Arts, Music, Dramatic Arts, o Dance , maiging maging markahan sa kalendaryo ang mga sumusunod:
- February 1 in Bicol: Ang National Committee on Literary Arts ay isasagawa ang Maartext. Ang Maartext ay pista ng literatura at teatrikong pagtatanghal. Ito ay pagsasama-samahan ng mga cultural workers, manunulat, at kritiko.
- February 3 at the Rizal Park: “Ang Labs Kita Sabado – Ito ang unang araw ng seremonya ng pagbubukas ng Arts Month na gaganapin sa Rizal Park, Manila.
- Bandang 1pm ay mapapanood ang iba’t ibang pagtatanghal. Kasama na rito ang rakrakan ng mga lokal na banda UST Faculty of Arts and Letters + Conservatory of Music, UP Diliman, at Mapua University Manila.
- Bandang 6pm ay magpapalabas ng mga pelikula na mapapanood ng libre
Sa Angono Rizal o Art Capital of the Philippines ay may seremonya rin magaganap sa araw na ito. Kapapalooban ito ng hindi lamang ng pagtatanghal, kundi nakaaaliw at makabuluhang mga akbidad.
- February 4 at the Rizal Park. ay araw para makakilala at matuto ng sining na trip o magiging trip mo. Sa araw na ito ay may mga booth at aktibidad gaya na lamang ng:
- Music and dance workshop
- Tertulya
- Story-telling sessions
- Photography workshop
- Graphic design workshop
- T-shirt printing
- Portrait sketching
- Cosplay
- Kite-making
- Film showings
- Baybayin workshop
- February 11 in Bicol: gaganapin ang Maartext ng National Committee on Literary Arts
- February 12-17 in Ilocos and Baguio: Architecture at Allied Arts ay mayroong “Loob at Labas: Talakayan at Pagpaparaya” na gaganapin sa Ilocos at Baguio. Ang programa na ito ay binubuo ng forums at exhibit.
- February 15 in Baguio: gaganapin ang Maartext ng National Committee on Literary Arts
- February 15 -17 in Baguio: Gaganapin ang Tampok ng National Committee on Dramatic Arts. Ang Tampok ay 3 araw pagtatagpo ng mga pag-aaral at mga alagad ng Dramatic Arts na kung saan mayroon din pagtatanghal at workshops.
- February 15-16 in Bicol: gaganapin ang Maartext ng National Committee on Literary Arts
- February 16 in Tacloban City: gaganapin ang Maartext ng National Committee on Literary Arts
- February 19-23 in Nueva Ecija – “Loob at Labas: Talakayan at Pagpaparaya” ng Architecture at Allied Arts sa Nueva Ecija.
- February 20 in Tacloban City: gaganapin ang Maartext ng National Committee on Literary Arts
- February 22 in Baguio, Tacloban City, at Pampanga: gaganapin ang Maartext ng National Committee on Literary Arts
- February 22 in Catbalugan, Cebu, Siliman University, Dumaguete ay gaganapin ang MusiKapuluan ng National Committee on Music. Ang MusiKapuluan ay nagtatampok sa Serenatas o tugtugan ng pangungusap sa pagitan ng dalawa o higit pang grupo ng musikero. Samantala kasama rin dito ang iba pang aktibidad gaya ng workshop at lectures.
- February 23-25 in Bacolod. Gaganapin ang Tampok ng National Committee on Dramatic Arts
- February 23 in Pampanga, Tacloban City, at Cebu: gaganapin ang Maartext ng National Committee on Literary Arts
- February 24 in Cebu: gaganapin ang Maartext ng National Committee on Literary Arts
- February 24 in Catbalugan, Cebu, Siliman University, Dumaguete ay gaganapin ang MusiKapuluan ng National Committee on Music
- February 24-25 in Bicol: gaganapin ang Maartext ng National Committee on Literary Arts
- February 25-March 1 in Metro Manila. Itatanghal ng ng national committee on cinema, sa pakikipagtulungan sa ActiVista, ang Cinema Rehiyon sa iba’t ibang pamantasan at Universidad.
- February 25 in Quezon City Memorial Circle ay gaganapin ang
- February 26-28 in NCR and ARMM – Gaganapin ang Tampok ng National Committee on Dramatic Arts
- February 26 in Tacloban City: gaganapin ang Maartext ng National Committee on Literary Arts
- February 26-March 2 in Batangas – “Loob at Labas: Talakayan at Pagpaparaya” ng Architecture at Allied Arts sa Nueva Ecija.
- February 27 -28 in Aklan: gaganapin ang Maartext ng National Committee on Literary Arts
- February 28 in Bicol: gaganapin ang Maartext ng National Committee on Literary Arts
- February 28 in Davao City ay gaganapin ang MusiKapuluan ng National Committee on Music
- March 2 in Tacloban City: gaganapin ang Maartext ng National Committee on Literary Arts
- March 5 -9 in Iloilo – “Loob at Labas: Talakayan at Pagpaparaya” ng Architecture at Allied Arts sa Nueva Ecija.
- March 12-16 in General Santos – “Loob at Labas: Talakayan at Pagpaparaya” ng Architecture at Allied Arts sa Nueva Ecija.
Ani ng Dangal (Harvest of Arts)
Sa ibang banda ang National Committee on Visual Arts ay may Philippine Visual Arts Festival (PVAF) na idadaos sa Santiago, Isabela. Ang National Committee on Dance naman ay may Sayaw Pinoy na gagawin sa mga lugar sa South Cotabato, Capiz, Baguio, Bacolod, Cagayan de Oro, Davao, Pampanga, Batangas, at Metro Manila. Ang parehong mga programa ay tatakbo sa loob ng Pebrero.
Ang isa sa highlight ng National Arts Month ay ang Ani ng Dangal. Ito ay taunang pagbibigay ng parangal sa mga alagad ng sining o artista na kinilala sa loob at labas ng bansa. Ang seremonya nito ay hudyat na rin ng pagsasara ng buwan ng Sining.
Para sa iba detalye, mangyaring bisitahin ang opisyal na website ng NCCA. Samantala narito naman ang paanyaya sa iyo ng Internationally recognized all female group and X Factor UK 2015 finalist 4th Impact na makilahok sa Buwan ng Sining.