Part II: 9 Things you need to know about Trasclacion ng Itim na Nazareno


Sa part one ng tsika ko tungkol sa Trasclacion ng Itim na Nazareno ay naibahagi ko ang mga kwento at paniniwala na naranasan at nasagap ko sa mga deboto. Ngayon naman ay narito ang siyam na bagay na nadiskubre ko bilang first timer sa pagdalo sa napakalaking event na ito ng mga Katoliko at ng Quiapo, Manila.

  • Be Prepared. I think the best preparation na ginawa ko ay ikondisyon ang sarili ko.  Inisip ko talaga ang mahabang lakaran, babad sa initan, at siksikan ang mga tao.  Medyo pang-travel din laman ng  body bag ko pero yung tipong for survival lang ( dala ka ng bimpo sobrang useful). Better siempre kung fit or in good health ka. Ang dami kong nakitang hinimatay sa gitna.

  • Wear your most comfortable outfit. Una hindi  rampahan ang event at pangalawa, sasabak ka talaga sa init, pawis, lakaran, akyatan, at hintayan.  Iyong morning session namin ay paglalakad mula kanto ng FEU sa Morayta hanggang National Museum.
  • You don’t need to bring food or drinks.  ‘Wag kang mag-aalala dahil may mabibilhan ka ng makakain at maiinom sa mga nagkalat na mga tindero. Nasa sa iyo na lang ‘yan kung gaano ka kaselan at ano ang iyong hanap. Para safe dala ka ng tubig at biskwit.

  • Stay safe. Okay lang makalapit sa Poong Nazareno, ‘wag lang maipit at ma-stampede. Pumili ng ligtas na puwesto kung saan makakakita nang maayos. Kung gusto mo ng pahalik ay maagang pumunta sa Quirino Grand Stand.
  • Expect a very crowded feast.  Kung sa rami ng tao, grabe! Sino magsasabi na umuunti at watak-watak ang mga Katoliko? Marami pa ang may dala ng kanilang santo at carosa.  May ilan din na bitbit pa ang kanilang mga anak na bata.

Traslacion at Dungaw sa Gilid ng San Sebastian

  • Pag-aalaga ng imahe ng Black Nazarene. Sabi sa akin ng deboto kong kaibigan na si Che, ang ilan sa may malalaking imahe ng Itim na Nazareno ay pagmamay-ari ng mayayaman deboto at may maintenance o rule kung mayroon kang ganito.
  • Every part has meaning. Sabi  rin ni Che ay bawat bahagi raw ng Poong Jesus Nazareno ay may pinapakahulugan.  Hindi ba may pahalik, papunas ( ng panyo/bimpo), at pahila ng lubid?  Ang mga humahawak sa tali/ lubid daw ay usually may mga taong iniisip na sila ay makasalanan na gustong humingi ng tawad.  Habang ang mga pahalik at papunas ay  iyong may mga kahilingan.

  • Be patient and calm.  Sa mga nakaraang mga araw, linggo, o buwan ay ito na ang pinakamatagal na naghintay ako na as in wala akong ginawa. Hindi ko na rin kilala ang mga katabi ko, at naiidlip na ako kahit nakasalampak na ako sa maduming semento. Queber! Wala pa rito ang ilang beses na pagsubok namin na makatuntong kung saan man para makakuha ng magandang anggulo.
  • Nakakahawa at nakaka-touch ang pananampalataya ng mga deboto.  Lagi naman ako napadpad sa mga simbahan, ginagawa ko ang Visita Iglesia, nasubukan ko na ang simbang gabi,  at iba pang event. Pero iba rin ang masaksihan ang daluyong nga mga deboto, ang  Dungaw, at Traslacion.

Our Lady of Mt. Carmel de San Sebastian at San Sebastian Parish

Marami pang senaryo sa paligid at may iba-ibang dahilan ang nakikibahagi sa kapistahan na ito. Subalit, gaano man kababaw, kalalim, ka-personal, o  kalawak ang bawat rason ng bawat isa, ang punto ay  paniniwala. Ito ang ay nag-uudyok sa kanila para makibahagi at umasa. Para sa henerasyon ng marami ng distractions at conveniences ay may pasyon pa rin para gawin ang kanilang pamamanata.

Hindi ko pa rin alam kung  gaano kalalim ang impact sa akin ng pagsubok na maranasan ito. Pero nagpapasalamat ako na  maranasan, masaksihan, at makasama ang mga deboto na kagaya ng pamilya ni Che. Kakaiba ang experience na ito na pumukaw sa aking diwa.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.