Basurero? Iyong madumi, mabaho, at tagapulot ng kalat. Ito ang ilan sa adjective na binanggit ni Kuya Boy, ang binebentahan namin ng dyaryo, bote, karton, plastic bottles o containers, bakal, at iba pang bagay na pang-junkshop. Ilan daw ang mga iyon sa naririnig niya mula sa ibang tao tungkol sa kanya at sa kanyang hanap-buhay. Kung alam lang nila, ang laki ginagampanang tungkulin ng mga basurero at potensyal na kita sa kanilang hanapbuhay. Gusto mo alamin? Good!
Basurero, the environment warrior
May nabasa akong artikulo na nagpaalala sa akin na environment warriors ang mga basurero. Sila ang literal na gumagawa ng dirty works hindi lamang bilang kabuhayan. Ito rin ay para rin sa kapakanan ng kalikasan, naiisip man nila iyon o hindi.
Ano ang halaga ng mga basurero sa ating kapaligiran at modernong pamumuhay?
Combat the thrashers. Kung wala sila ay mas marami ang nagkalat, nakatambak, at hindi na nagamit na ibinasura. Marami pa naman ang burara kahit man lang sa pagtapon ng basura at marami rin ang walang paki sa ibinabasura nila. May iba na puwede pang ibenta sa junkshop kaysa itambak sa dump sites.
Nakarating ka na ba sa Smokey Mountain at Payatas dumpsite? Alam mo makailang beses na rin na nabalita na may natabunan ng gabundok ng basura roon. Gayon din na kapag gabundok na ang basura iba na ang toxic na nilalabas ng mga ito. Hindi ko na idedetalye pero sa isang salita ay polusyon.
Interfere with industrial solid waste production. Isipin din natin na kung walang basurero ay patuloy-tuloy lang ang pagputol ng mga puno (papel), paggawa ng mas marami mga disposable plastic bottles, at tambak na ang nakakatetanong kinalawang na bakal (appliances).
Comrade of eco-friendly enterprises. Bagaman may mga proyekto at negosyante na gumagamit ng recycled materials, pero kung hindi dahil sa mga basurero ay walang makakarating na materyal sa kanila. Ano pa ang usapin na ang mga basurero o garbage collector ang buhay ng mga junk shop? Kung walang mga nangongolekta ng basura ay paano ang inventory at negosyo nila. Sa kanila kumukuha ang may-ari ng bote ng alak, suka, at toyo. Sa kanila rin bumibili ng karton na lalagyan ng itlog, grocery stores at iba pa.
Partner in cleaner modern living. Isipin din natin kung walang humahakot ng basura (kasama na ang mga garbage trucks). Paano ang buhay, lalo na iyong pamumuhay ng mga modernong Pinoy? Masuerte kung may lupa na pwedeng hukayin para pagtambakan, paano kung wala gaya ng mga nasa condo, apartment houses, tenement at iba pa?
Gayon din ang mga lugar na maraming tambak ng basura ay favorite go-to place ng barkadahang langaw, uod, ipis, at daga. Wala pa d’yan ang posibildad na kahit iilang bote at plastic pa lang ‘yan ay maaari nang maging dahilan ng pagbabara ng mga estero at kanal.
The Sickness, Disaster Prevention Squad. Ang pagbabara sa mga estero dahil sa tambak na basura ay puno’t dulo ng pagbabaha, kontaminadong tubig, at pagkakasakit lalo na tuwing tag-ulan. Ilan sa sakit na dulot baha ay leptospirosis, dengue, at iba pa. Wala pa d’yan ang mga sakit na konektado sa basura at maruming kapaligiran gaya ng;
- typhoid fever,
- gastroenteritis,
- cholera
- hika (asthma),
- sakit sa balat- galis, alipunga, pigsa at mga sugat
- pagkalason dahil sa mga kemikal
- kanser
Kaya imbes na maliitin ay dapat kilalalin natin ang malaking bagay na nagagawa ng mga basurero. Hindi lang sila tagasalo ng ating kalat, sila ang katuwang natin para sa maayos na waste management system. Sila rin ay maituturing natin kasangga at environment warriors. Sila ang literal na pumupulot at namimili ng basura para mailagay sa tama o ma-recycle/upcycle.
Social Entrepreneurship and Junk Materials
Sa post ko na “Garbage Sale: How much is your junk” ay nabanggit ko ang mga iba’t ibang bagay na itinatapon na ng nakakarami, pero puwede pa palang magamit at maipagpalit.
Bakit magandang mag-garbage segregation?
- perang ekstra, pandagdag sa budget
- magkaroon ng espasyo sa masikip na tahanan
- kalinisan sa marungis na bahay
- makatulong sa hanap-buhay ng iba.
The millionaire basurero. Sa pagpapatuloy ng pag-uusap namin ni Kuya Boy ay natalakay din namin ang pagkakaroon yaman dahil sa basura. Paano naming nasabi? Napag-usapan lang naman namin ang milyonaryo naming kapit-bahay na nag-start sa pagdya-junk shop. Yumaman iyon dahil sa paghahakot ng basura simula sa mga maliliit na resto hanggang sa malalaki na.
Kung iisipin din ay maraming produkto at serbisyo napagsasawaan at napag-iiwanan, PERO ang basura hindi nauubos.
The smooth pre-loved items trader. Bata pa lang ako ay namulat na ako ng mga lolo’t lola at nanay ko na okay ang pangangalakal sa mga basurero. Ito pa nga ata ang first taste ko ng trading of selling of pre-loved products bago pa nagsidatingan ang mga classified ads sites gaya ng OLX, mybenta, locanto, at iba pa. Oo even before ako makapagbenta ng libro sa Recto.
Social business out of scrap materials. Ang social business o social entrepreneurship ay klase ng negosyo na may tulong din sa komunidad. Puwedeng tulong na ito ay dahil may nasuportahan na ibang negosyo, nakakapagpatayo ng tahanan, o nakakapagpaaral ng mga kabataan. Kung baga, kumikita na ay nakakatulong pa dahil sa negosyo. Sa pagiging basurero o paggamit ng mga mapapakinabangan pang basura, for me ay automatic you are social businessman. No need to explain how do you help our community and the world through recycling, upcycling, and lessening waste production. Maliban sa junk shops, at art shops ay marami pang negosyong puwedeng maitayo mula sa pagbabasura.
By the way, please comment below ang mga junk shop sa inyong lugar na puwedeng pagdalhan ng basura. In that way, matutulungan natin sila at mga nagbabalak na magbenta ng bote, dyaryo, karton at iba pa.
Maraming salamat!
Hi Hitorikihoshi- San,
I was hoping to get in contact with you regarding your article. Hope you can send me an email or share your contact details.